00:01Isang paraan daw ng pagbabawas ng timbang na ang tawag calorie deficit.
00:09Mas kaunti daw ang calorie na kinakain kesa calorie na sinusunog ng katawan.
00:17Pero, ligtas ba?
00:19Kapag sinabing diet, gutom agad ang naiisip.
00:24Pero paano kung pwede ka pa rin kumain ng tatlong beses sa isang araw kahit may snacks o merienda pa
00:33at pumayat?
00:35Gaya ni Rio, mula 90 kilos, 49 kilos na lang siya ngayon.
00:41Hindi raw niya ginutom ang sarili. Wala rin salamat, Doc.
00:46Ano ang sikreto ni Rio?
00:50Bago lumobo ang katawan ni Rio, payat daw siya talaga noon.
00:55Nagkaroon ako ng parang bad relationship din sa food.
00:58Kasi nga, whenever I'm stressed, I'm stressed eating.
01:02Tapos, since ang work ko noon is sa office, almost wala rin talaga akong workout.
01:07Hanggang sa bumaba ang kanyang kumpiyansa sa sarili.
01:10I get conscious, you know, when imi-meet mo yung mga friends, relatives, families.
01:15Doon ako nag-start ma-frustrate kasi yung high-waist pants, parang hindi na siya bumabagay sa akin.
01:24Pero ang mas nagpa-alarm rao sa kanya, ang lagay ng kanyang kalusugan.
01:30Sobrang lakas kong maghilig.
01:31Makita ka ng mga skin discoloration sa mga batok, sa mga ganito.
01:36I suffer from a very bad migraine.
01:38When you get to see yourself in the mirror, magkakaroon ka ng refleksyon na parang ayaw mo kung ano yung
01:44nakikita mo physically.
01:45Mas na-frustrate ako yung para sa sarili ko. It's like, it's always me versus me kasi.
01:50Kaya, nag-desisyon si Rio na magpapayat.
01:54So, not totally eliminate, but reduce.
01:57Tinatry ko mag-fasting, tinatry ko yung mga chloe ting workout sa YouTube.
02:01Parang hindi ko kasi na-enjoy yung too much workout.
02:04Panibagong challenge sa goal niyang ma-achieve ang kanyang ideal weight nang nabuntis siya taong 2021.
02:11Dahil nga, mindset ko is buntis ako, ganyan.
02:16Pinagbibigyan ko lang yung sarili ko.
02:17Kaka-3 to 4 na milktees ako a day.
02:20Top of that, meron pang coffee and some dessert.
02:23Hanggang umabot na nga ang kanyang timbang ng 90 kilos.
02:28Nung ko na-realize na sobrang hirap palang mga anak kapag ka-ubis ka.
02:33Nung nag-tatlong taong gulang na ang kanyang anak, si Rio nagseryoso na sa kanyang fitness journey.
02:40Pero dahil hindi swak sa kanyang lifestyle, ang intense workout at hindi rin healthy sa kanya ang hindi kumain,
02:49sinubukan niya ang isang paraan ng pagjidjeta, ang tinatawag na cal-def o calorie deficit.
02:57Ang siste, pwede pa rin daw kumain ng patlong beses kada araw o apat pa nga kung pati snacks o
03:05merienda.
03:06Ang kailangan lang bantayan, yung tinatawag na calorie count.
03:11Ang goal sa calorie deficit, mas kaunti ang calories na kinakain kesa sa kabuoang ginagamit ng katawan sa loob ng
03:20isang araw.
03:21Halimbawa, kung tinatayang 2,200 calories ang kailangan araw-araw ng ating katawan para mapanatili ang kasalukuyang timbang,
03:321,800 calories lang dapat ang iyong kakainin.
03:37Matik na meron ka ng 400 calorie deficit.
03:41Para mapunan ang kakulangan, gagamit ang katawan ng nakaimbak nitong energy kabilang ang taba.
03:49At kung tuloy-tuloy ang calorie deficit, unti-unti rin maaaring bumaba ang iyong timbang.
03:57Ang lahat daw ng kinakain ni Rio sa loob ng isang araw, hindi dapat lumagpas ng 1,800 calories.
04:05Para hindi raw siya kailangang lumaktaw ng pagkain, hinahati-hati ni Rio ang kanyang bawat meals.
04:12At dapat bawat kain, nasa 460 to 560 calories lang.
04:19So pagpuportion ako ng food, I have my own plate.
04:21My staple food nun is ground beef.
04:24Almost zero fat siya.
04:26Lalagyan ko siya ng vegetables.
04:28Binawasan na rin niya ang kanyang sugar intake.
04:31Sinabayan din ni Rio ng pagiging aktibo.
04:34Ang kanyang target kada araw, 10,000 steps.
04:38At matapos ang halos isang taong calorie counting, si Rio halos doble na ang nabawa sa kanyang timbang.
04:47Napansin ko na pumapayat na ako nung lumuluwag na yung trousers ko, yung uniform ko, ganun.
04:53Hindi nakasha sa akin yung XXL.
04:55Okay, so ito yung dati kong trouser.
04:59Ayan.
05:01Surprise!
05:04So ayan siya.
05:06Sa shirt naman, yung mga usual ko sinusoot noon, pantulog ko na lang ngayon.
05:11Talagang progress na to.
05:13You just have to be patient.
05:15It would take time.
05:16Hindi tayo pare-pareho ng timeline.
05:22Haruki.
05:23Yan, Haruki Ramen.
05:24Ang OFW naman sa Japan na si JR umabot sa 97 kilos ang timbang.
05:31At dahil nagka-countdown para sa kasal nila ng kanyang nobyang si Kim, nag-decision si JR na mag-calorie
05:39count na rin.
05:40Dati, kung anong gusto kong kain yun, yun talaga.
05:43Hindi ko na naman laya.
05:44Sobrang taba ako na.
05:45Pangarap daw talaga ni JR na maging pulis o sundalo.
05:49Pero hindi siya pumasa sa weight requirement.
05:51Pag timbang sa akin, overweight.
05:54So tinagtawanan ako doon.
05:56So pinauhi ako.
05:57Yun yung ano, isa sa mga embarrassment ko nung nandyan pa ako sa Pinas.
06:01Aminado si JR na nahirapan siyang sumabay sa lifestyle ng mga Japon na napakahilig maglakad.
06:11Pag pupunta ka ng train station, malayo kasi ma'am.
06:14So pag mataba ka, masyadong hingal talaga.
06:17Mapapalaban ka sa lakaran eh.
06:19At nag-desisyon na nga siyang mag-calorie deficit.
06:22Ang gamit niya sa pag-monitor ng calorie intake ng kanyang pagkain.
06:27Online calorie calculator.
06:31Matapos lang daw ang isang buwan na pagka-calorie deficit.
06:35Si JR nakapagbawas ng 8 kilos.
06:41Madalas ko talagang i-prepare chicken breast talaga.
06:43Which is yung kasi yung chicken breast, mababa sa calorie and then mataas siya sa protein.
06:49Ang problema, pagsapit ng hating gabi, lagi raw siyang nagkikrave ng midnight snacks.
06:55Kaya inadjust niya ang kanyang meal plan.
06:59Para mano ko yung intake ko per day pa din.
07:01Sa umaga, kakain ako siyempre ng 500 calories.
07:05Then sa hapon, doon ko na magbabawas na ako.
07:07Like kakain na lang ako ng 350.
07:10Hindi na ko yung tipong natatakot pag kumain ako ng ganito.
07:13Kasi alam ko na yun.
07:17Susunod!
07:18Iba naman ang problema.
07:20Nang 22 anyos mula Cebu na si Dan.
07:23Kung marami ang gustong pumayat.
07:25Siya naman, gustong magkalaman-laman.
07:27At dahil gusto ni Dan na madagdagan ang kanyang timbang, kabaliktaran naman ang calorie deficit ang kanyang ginawa.
07:35Ang tinatawag na calorie surplus.
07:38Matapos ang 7 buwan na pagkakalorie surplus, ang dati patpatin na si Dan, heto!
07:49Iba naman ang problema.
07:51Nang 22 anyos mula Cebu na si Dan.
07:54Kung marami ang gustong pumayat, siya naman gustong magkalaman-laman.
08:00Ang kanya kasing timbang, hindi raw lumalagpas ng 45 kilos.
08:05Payat po talaga ako nung bata pa ako.
08:07Hindi talaga ako kumakain ng marami kasi wala akong ganda.
08:11Para maitago ang patpatin niyang katawan,
08:15ang lagi niyang suot tuloy, baggy jeans.
08:18They really make comments on my body face to face.
08:21Kumakain ka ba? I am insulted.
08:23At dahil gusto ni Dan na madagdagan ang kanyang timbang,
08:27kabaliktaran naman ang calorie deficit ang kanyang ginawa.
08:31Ang tinatawag na calorie surplus.
08:34Ibig sabihin, mas maraming calories ang kanyang kakainin
08:39esa sa kabuoang ginagamit ng kanyang katawan.
08:42Pero para muscle at hindi taba ang maidagdag,
08:46mahalaga rin ang sapat na protina at resistance training
08:50o pag-i-ehersisyo gamit ang weights.
08:53Sa weight ko,
08:56ang need na calorie na i-intake ko is
08:582,500 plus calories para makagayin ako ng muscle and weight.
09:03Starting January 2026,
09:05that's when I started bumili ng mga supplements.
09:08At matapos ang 7 buwan na pagka-calorie surplus,
09:12ang dati patpatin at 45 kilos lang na si Dan,
09:19eto, 55 kilos na.
09:22Mas naging defined na rin ang kanyang pangangatawan.
09:26Every time na tumitingin ako sa salamin ngayon,
09:29mas confident na ako.
09:34Taniwang hindi nire-recommenda yung calorie deficit
09:37sa mga buntis, mga nagpapasuso,
09:40sa mga bata, mga adolescent,
09:43sa mga taong may eating disorder.
09:45Yung mga hindi naman nire-recommenda yung calorie surplus.
09:48Yung may mga medical conditions,
09:50katulad ng diabetes,
09:51may mga cardiovascular diseases,
09:53may sakit sa atay o sa kidney.
09:56Sa pagka-calorie counting,
09:57mas maganda pa rin na mag-consulta talaga
09:59sa registered nutritionist, dietitian.
10:02Sa pagbabawasman o pagdagdag ng timbang,
10:06hindi kailangang maging kaaway ang pagkain.
10:09Ang mahalaga, tamang dami,
10:12sapat na sustansya,
10:14at ligtas dapat na paraan.
10:17Dahil ang tunay na body goal,
10:20hindi lang maganda sa paningin,
10:23mabuti rin sa kalusugan.
10:28Thank you for watching, mga kapuso.
10:30Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
10:33subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
10:37And don't forget to hit the bell button
10:40for our latest updates.
Comments