Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Ano ang mga naging highlight sa Day 17 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Balikan ang mahahalagang napag-usapan sa UH Summary.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, sa bilis na mga balita, bawal pong maiwan.
00:03Kaya ang pinakmahalagang detalye, ibibigay namin sa loob ng ilang minuto dito sa UH Summary.
00:13Narito po ang mga naganap sa Day 17 na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:18In summary, ipinagpatuloy po ng prosekusyon kahapon ang pagtatanong kay dating OVP Special Dispersing Officer Gina Acosta
00:26bilang kauna-una ang hostile witness.
00:29Binusisi po kahapon ang paghawak sa confidential funds ng Davao City noong 2022
00:35at kung may pagkakatula dito sa naging pangamalakad sa pondo ng OVP.
00:40Ginwestiyon din ang prosekusyon kung bakit ipinasa kay Security Officer Colonel Lachica
00:45ang aktwal na paghawak at pagdokumento ng 125 million pesos na confidential funds
00:51na dapat si Acosta ang nag-disburse.
00:54Tinanong din si Acosta kung personal niyang nakitang ipinamahagi ni Colonel Lachica
01:00ang pera sa mga nasa resibo, ngunit iginiit niyang wala siya sa grounds.
01:05Tinalakay din sa paglilitis kung dumaan ba sa tawang proseso
01:09at pag-aproba ng Office of the President ang hiling na pondo ng OVP.
01:13Sinuri naman sa cross-examination kung saan ang galing at paano eksaktong ginamit
01:20o ipinamahagi ang pondo para sa mga umano'y confidential operations.
01:25Ipinuturin ni Private Prosecutor Atty. Ligutan na tila paulit-ulit ang sagot ni Acosta.
01:30Kaya ang depensa tinanong naman kung kaya ba paulit-ulit ang sagot ni Acosta
01:35ay dahil paulit-ulit lang din ang mga tanong sa kanya.
01:39Bagay na tinutulan ng prosekusyon sabay sabing,
01:42Vague.
01:43Winidraw naman ang depensa ang tanong at sinabi ng prosekusyon,
01:46Dapat lang.
01:47Sabay sabing,
01:48Nice try.
01:50Inisa-isa naman ang depensa ang liquidation records at dokumento
01:53yung sinumite ng OVP sa COA-EQFAU kaugnay ng ginagawang audit.
01:58Wala raw ideya si Acosta kung bakit siya ang pinili ni Vice President Sara Duterte
02:04para maging Special Disbursing Officer para sa confidential funds
02:07kahit pa wala siyang training para rito.
02:10Tanong din, niligutan kay Acosta kung hindi ba raw requirement sa SDO
02:15ang pagkakaroon ng common sense?
02:17Sagot naman ni Acosta,
02:19May utak po ako, Your Honor.
02:22Tinanong naman ni Sen. Risa Ontiveros
02:25kung nagkataon lang na ang petya ng pagbabayad sa isang Clarice Ontiveros
02:29sa resibo ay tumapat sa kanyang kaarawan.
02:33Sinabi naman ni Sen. Judge Rafi Tulfo
02:35na stupid in the name of blind loyalty si Acosta
02:39matapos ang hindi pagkwestiyon umano
02:40sa mga pangalan at pirmang nakalagay
02:43sa acknowledgement receipts ng OVP confidential funds
02:46katulad ng Bela, Pagong at Pusa.
02:50Hinihanda ng prosekusyon si OVP Assistant Chief of Staff
02:54Assistant Secretary Lemuel Ortonio
02:57bilang susunod na testigo para magbigay ng karagdagang ebidensya.
03:02Mga kapuso, manatili po nakatutok
03:04para updated sa may init na issue ng bansa.
03:07Ito po si Mariz para sa UH Summary.
03:10Wait! Wait, wait, wait!
03:13Wait lang! Huwag mo muna i-close.
03:16Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
03:20para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
03:23I-follow mo na rin ang official social media pages
03:25na ang unang hirit.
03:28Thank you! O sige na!

Recommended