Skip to playerSkip to main content
INA MULA PANGASINAN, NAKATAGO SA BESTIDA ANG MGA HITANG LUMOBO AT TUMITIMBANG NA MAHIGIT 25 KILO DAHIL SA MISTERYOSONG KARAMDAMAN

PAALALA: Maging disente sa pagkomento.

Sa ilalim ng mahabang bestida ng ina na si Gerlie mula sa San Fabian, Pangasinan, may itinatagong 25 kilos na pasanin!

Ang kanyang kaliwang hita, binti at paa kasi, halos walong taon nang patuloy sa paglaki. Ang kaliwang binti ni Gerlie, tinatayang 25 kilos ang bigat, ‘sing bigat ng maliit na sako ng bigas!

Kaya ang 11-anyos na si Gab, kailangang gumising nang maaga, hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang Nanay Gerlie.

Makakatindig pa kayang muli si Gerlie bago tuluyang mapilitan si Gab na isuko ang kanyang pagkabata? Panoorin ang video.

Para sa mga nais tumulong kay Gerlie, maaaring magdeposito sa:

GCASH

ACCOUNT NAME: GERLIE MAYUGBA

ACCOUNT NUMBER: 0963-002-5061

#KMJS

"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

🎈
Fun
Transcript
00:01Ang simpleng pamamanas ng mga hita ni Girlie nung siya'y buntis na uwi sa pamamaga hanggang naging gahigante ang
00:12mga ito.
00:20Ang 11 anos na sigap kailangang gumising ng maaga.
00:28Hindi lang para sa kanyang sarili, kundi para sa kanyang Nanay Girlie.
00:50Kapag tatayo ang kanyang ina, si Gab ang kanyang tungkol.
00:58Kung maglalakas si mama ko po, tinutulangan ko naman din siya.
01:05One, two, three.
01:11Sa murang edad, si Gab na ang nagsisilbing mga paa ng kanyang ina.
01:20Dahil sa ilalim ng mahabang bestida ni Girlie, may itinatagong 25 kilos na pasanin.
01:34Ang kanyang kaliwang hita, binti at paa, halos walong taon nang patuloy sa paglaki.
01:43Parang may lobo sa loob pag nag-e-enplay, minsan parang puputok.
01:48Dati yung isa lang ang lumalaki, pero ngayon dalawa na.
01:53Pag kumirot ito, sasabay na ito, delikado na.
01:57Makakatindig pa kaya muli si Girlie bago tuluyang mapilitan si Gab na isuko ang kanyang pagkabata.
02:11Sa bahay na ito, sa San Fabian, sa Pangasinan, si Girlie, gamit ang kanyang tungkod, dahan-dahang lumakad patungo sa
02:20kanyang pwesto malapit sa bintana.
02:27Kunting lakan lang po, nihingal na po ako.
02:30Sa isang maliit na sulok, pinagkasya ni Girlie ang mundong kaya pa niyang abutin.
02:37Dito maabot ko na lahat.
02:38Kape, garapon, asukal, gamot ni Gab, salamingko.
02:55Ang kilod.
02:59Dahil masela ng kanyang kondisyon, laging sinisigurado ni Girlie na malinis ang kanyang mga binti.
03:14Mahirap na mahirap.
03:17Para nanginitin na yung bago.
03:24Kahit hirap siyang abutin ang kanyang mga paa, lagi niyang ginugupitan ang kanyang mga kuko.
03:38Ang mga singit-singit naman ng kanyang binti, pinapahiran niya ng agua oksinada.
03:44Kasi ito yung mabaho eh.
03:47Tuwing may pasok naman si Gab sa eskwela, sinisiguro muna niya na merong pagkain, tubig at gamot ang kanyang ina.
03:56Minsan, nihingi po ako sa bahay. Kung meron po sila, wala. Tisin ko na lang.
04:02Pag wala kang bigas, wala kang pambiling ulam, gutom kami.
04:05Minsan, nahirapan po ako eh. Gutom na gutom po ako eh.
04:11Mabuti na lang! At meron siyang mga kapitbahay at kaibigan katulad ni Jinky.
04:17Lagi po namin siyang pinupuntahan dito. Nakakaawa na rin po kasi si Ato Gurly sa sitwasyon po niya.
04:25Mula raw nung lumobo ang mga binti ni Gurly, mahahabang bestida na ang palagi niyang suot.
04:32Hindi lang para maging komportable, para rin maitago ang kanyang kondisyon.
04:37Nasexy ko noon. Dati mga mini skirt, suot ako noon.
04:42Iniisip ko na may babalik ko babae to.
04:45Dating katawan ko.
04:47Kaya ko po iniiya yung mga picture ko para naman sumaya ako pag makita ko.
04:55Bago raw nagsimula ang kanyang kondisyon,
04:58tindera ng isda si Gurly at katuwang niya ang kanyang mister na si J
05:03sa pagtataguyod sa kanilang tatlong anak.
05:07Pero matapos isilang ni Gurly ang bunso na si Gab,
05:11napansin daw niyang hindi na nawala ang akala niya nung una.
05:15Simpleng pamamanas lang.
05:17Kala ko normal lang.
05:18Sabi nila sa ospital, baka may pinutangkang ibang lugar.
05:22Iba-iba ang narinig niyang posibleng dahilan mula sa mga doktor.
05:28Limpidema, tapos limpoma, baka nakagat ng lamok.
05:33Elephant chasis, ma'am.
05:34Eh, ang elephant chasis naman, ma'am, nangingitim.
05:37Eh, ako tuloy-tuloy na paglaki.
05:39Un-exprim ni Dog sa amin, magkatol.
05:42Balik na ako nang balik sa ospital hanggang eight years na, hindi pa rin gumagaling mag.
05:47One, two, three!
05:51Ani ko!
05:52Pero ayon sa Rural Health Unit, kailangan nitong masuri sa mas malaking ospital.
05:58Hindi talaga pang RHO primary care facility.
06:02Talagang nire-reparia sa higher facility.
06:04Kahit dito nga sa Pangasya, hindi namin alam kung may nagmamanage ng gano'n na case.
06:09Ano?
06:11Ang kondisyon ni Gurley na itampok din ng vlogger na si Kuya Benji.
06:17Oh, Kuya!
06:19Alamat sa Diyos!
06:21Naghalo yung awa at paghanga.
06:23Yung lakas ng loob na ipinakita niya, despite sa kanyang pinagdaraanan, still, andun yung mindset niya.
06:29Andun yung pag-asa na gusto niyang gumaling.
06:31Habang patuloy na lumalala ang kanyang karamdaman, isang trahedya ang tuluyang nagpabago sa kanilang buhay.
06:40Taong 2022, namatay sa aksidente ang kanyang mister.
06:45Hirap.
06:46Kinakaya ko lang sa anak ko.
06:48Hindi ko pinapakitang umiyak ko sa kanya sa harapan niya, ma'am.
06:52Hindi ko pinapakita sa kanya, ma'am.
06:55Nagtatanong na yung bata.
06:59Bakit ko umiyak, mama?
07:03Dahil hindi na kayang magtrabaho ni Gurley,
07:06ang nakatatanda niyang kambal, tumira muna sa kanilang mga kamag-anak para maipagpatuloy ang pag-aaral.
07:12Pinag-aaral sila ng tito na nila, engineer.
07:16Tapos psychology yung isa.
07:18Alam ko, ako ang nagkulang.
07:21Hindi ko kayo pinalaging maayos, anak.
07:24Wala na akong kakayaan.
07:26Isa pa ako, anak.
07:28Patawarin niyo ako.
07:31Okay, one, two, three.
07:34Ang tanging na iwan kay Gurley, si Gab.
07:38One, two, three.
07:41Hindi ko na nga nabibigay yung kasiyahan niya, ma'am.
07:46Si Gab may simpleng hiling, hindi laruan, hindi gadget, kundi ang muling makalakad ang kanyang ina.
07:55Gusto ko po siya papayatin yung pa ni mama ko pa eh.
07:59Para lang na magkalakad po siya.
08:03Sunduin niya po ako ng mga baon.
08:06Tapos kung may iniwan po ako, dadali niya po sa school.
08:12Yan po ang labit kong sinarasan na ata.
08:15Alalayan kami ni Lord.
08:17Kung sakaling gumaling ako, ma'am,
08:19kay Gab ko'y bubuos ang lahat.
08:22Tsaka sa pamilya ko, ma'am.
08:31Tumig lang.
08:32Tumig lang napalakad na ako.
08:35Sa kalagitnaan ng aming pag-interview kina Gurley at Gab,
08:39biglang kinapos sa paghinga si Gurley.
08:42Agad siyang dinalhan ng oxygen ng Rural Health Unit ng San Fabian.
08:48Ay, blood ako. Tapos mataas ang kolesterol ko.
08:51Mataas ang keratinin ko.
08:53Mukhang ang kailangan ng bantayan, buong kalusugan ni Gurley.
09:03Nitong biyernes,
09:06Binalaw siya ng mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office
09:11ng kanilang bayan para maghatid ng agarang tulong.
09:15So, kahit elementary pa lang si Gab,
09:18makakakauha po siya ng educational assistance
09:20hanggang sa pagtungtong niya sa college.
09:24So, malaking tulong yun, Gurley.
09:27Ano, tapirag ka lang.
09:28Pero hindi ka na maproblemahan.
09:30Yes, ma'am.
09:32Masaya, madam.
09:35Hindi ko naasaan ito, madam.
09:37Masaya pa ako dito.
09:39Yes, ma'am.
09:39Yes, ma'am.
09:41Yes, ma'am.
09:42Yes, ma'am.
09:43Yes, ma'am.
09:43Yes, ma'am.
09:43Yes, ma'am.
09:45At para malaman kung ano ba talaga ang kanyang sakit
09:49sa tulong ng Rural Health Unit mula Pangasinan,
09:53ibinahi siya ng aming team patungong Maynila.
09:56Ang likely condition ay tinatawag na lymphedema tarda.
10:00Nagsisimula mula pagkabata,
10:02pero hindi pa siya nagmamanifest.
10:04Nagmamanifest lamang siya sa age na around 35.
10:08Usually, associated sa mga inflammatory procedures
10:12gaya ng pagbubuntis or infeksyon or aksidente.
10:15We would also want to do ICG lymphography
10:19para ma-check kung ano yung status ng mga lymphatic vessels niya.
10:23We offer debulking surgeries
10:25para mabawasan agad yung malaking timbang.
10:28Hindi siya life-threatening.
10:30Ganun ang gusto kong mangyari.
10:32Mabawasan lang ng konti itong pako.
10:34Sobra po.
10:36Malaking, malaking pag-aasa.
10:39Nawa po ako sa sitwasyon niya.
10:46Ma, sana lumina po yung pa mo, ma.
10:51Para gumaling na.
10:53Tulungan niya na po ako.
10:55Parang awa niya na.
10:59Sa loob ng maraming taon,
11:03si Gab ang naging mga paa ng kanyang ina.
11:06Panalangin ngayon ni Gurley,
11:08mabigyan siyang muli ng pagkakataong makatindig
11:12para siya naman ang aalalay sa kanyang anak
11:17sa mga hakbang na hindi nito dapat tahakin.
11:22Mag-isa.
11:27Thank you for watching mga kapuso.
11:30Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
11:33subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
11:37And don't forget to hit the bell button
11:40for our latest updates.
Comments

Recommended