Skip to playerSkip to main content
Aired (July 4, 2026): Sunod-sunod ang mga naitalang pananaksak at iba pang mararahas na insidente sa iba't ibang paaralan sa bansa matapos ang kauna-unahang school mass shooting sa Tacloban City.

Samantala, mula 2022 hanggang 2025, mahigit 1,200 school-related incidents na kinasangkutan ng mga Children in Conflict with the Law ang naitala ng PNP. Ano nga ba ang ugat ng pagdami ng school violence? Panoorin ang buong ulat sa video. #ReportersNotebook

Category

🗞
News
Transcript
00:01Pero hindi dito nagpatapos ang mga naitalang insidente ng pag-atake at karahasan sa loob at labas ng mga paaralan.
00:10Kinabukasan, matapos ang pamamaril sa Tacloban, isang 17-anyos na grade 10 student ang umanoy na naksak sa kapwa niya,
00:1817-anyos na grade 9 student, sa labas ng Public National High School sa San Carlos City, Negros Occidental.
00:26June 26, isa pang kaso ng pananaksak ang naiulat sa isang public high school sa Silang, Cavite.
00:33Isang 15-anyos na grade 8 student ang nanaksak ng 17-anyos na grade 8 student.
00:40Sa parehong araw, sa gitna ng routine bag inspection sa isang eskwelahan sa Apari, Cagayan, nakuha ang isang homemade .38
00:48caliber na baril sa isang grade 10 student.
00:51Isang kutsilyo pa ang nasamsab sa isang grade 8 student.
00:57June 29, 2026, isang 12-anyos na grade 8 student ang nanaksak din ng 14-anyos na grade 8 student
01:06sa labas ng Public High School sa Bacolod City.
01:10At nito lang Huwebes, isa pang stabbing incident ang nangyari sa Zamboanga City.
01:16Isang grade 11 student ang iniulat na nanaksak sa dalawa niyang kaklase.
01:21With recent events, mahirap din madiscount yung possibility of copycat effects kung saan dahil nakikita nila na may ibang gumagawa.
01:31And if they think that other kids or young people can get away with it, maaring gayahin din nila.
01:40Nakapanayam din namin ang Department of Education o DepEd.
01:44Nakakalungkot at nakakabahala dahil nagsunod-sunod.
01:48Kahit ganong hikpit natin kung talagang gustong gawin, gagawin.
01:52Probably this is the downside of modern technology.
01:56Kung sa DepEd lang, hindi namin kayang pigilan yung intention, hindi namin kayang sawatain yung impluensya.
02:02Sa loob lamang ng dalawang linggo, walong kaso na ng school violence ang naitala ng Philippine National Police.
02:11Sa datos ng Philippine National Police Women and Children Protection Center o PNPWCPC, mula taong 2022 hanggang nito lang nakaraang
02:22taon,
02:23nakapagtala ang kanilang opisina ng 1,275 school-related incidents na kinasangkutan ng mga children in conflict with the law
02:33o CICL.
02:34Sa bilang na ito, halos tatlong daan ang naisampas sa korte.
02:39Mahigit tatlong daan ang under preliminary investigation.
02:44Mahigit limampung kaso naman ang nirefer sa social welfare para mabigyan ng angkop na tulong at intervention.
02:51Habang mahigit isang daang kaso ang nadismiss.
02:55Yung iba, planado. Yung iba, parang impulsive siya na ginawa.
03:02Kadalasa nangyayari yan kapag sila rin mismo nakakaranas ng violence, whether at home or in school.
03:10Napapababad sila, halimbawa online sa mga communities kung saan encouraged ang violence.
03:19Meron tayong pasilitan na pagnadalahan sa kanila na kung saan pwede silang ma-reforma,
03:24mabago yung kanila pong mga aksyon, at maging contributing member pa din sila ng ating pong society.
03:33Ang tanong, maaari nga bang magkaroon ng pananagutan sa batas ang mga minordeedad na nasangkot sa krimen?
03:41Ayon sa Juvenile Justice and Welfare Council o JJWC,
03:45Walang criminal responsibility ang bata pag 15 years old and below.
03:51So pag may discernment na at above 15, then pwede na silang kasuhan.
03:56Ayon pa sa JJWC, para sa mga CICL na labing limang taong gulang pababa na nasangkot sa krimen,
04:04hindi bababa sa isang taon ang pamamalagi ng isang CICL sa shelter.
04:09Para naman sa mga CICL na higit labing limang taong gulang na nasangkot sa krimen,
04:15bibigyan sila ng tsansa na dumaan sa rehabilitasyon habang minomonitor ng mga social workers sa loob ng isang shelter.
04:23Magdi-decide na ngayon si Judge kung ipapa-extend niya yung rehabilitation
04:27or sasabi niya, since hindi ito successful,
04:31ililipat na kita sa kulungan, magsiserve ka na ng sentence mo.
Comments

Recommended