Skip to playerSkip to main content
  • 11 hours ago
Aired (March 14, 2026): #ReportersNotebook: Sa isang condominium sa Parañaque, nakunan ng CCTV ang mga naglalaro ng basketball nang may isang lalaki ang pumasok sa court at namaril ng mga nasa court. Samantala, isa na namang kaso ng pamamaril ang nahagip sa CCTV sa loob ng isang tindahan kung saan ang suspek ay dating kasintahan ng biktima. Paano nga ba mapoprotektahan ng pamahalaan ang mga mamamayan laban sa mga iresponsableng gun owners?

Category

😹
Fun
Transcript
00:10In a week, three cases of people have found a reporter's notebook
00:17where four victims are dead on the spot.
00:24March 4, nakuhanan ng closed circuit television o CCTV camera
00:29ang isang lalaki habang papasugod sa basketball court ng isang kondominium sa Paranaque City.
00:37Maya-maya pa, walang habas niyang pinagbabaril ang mga naglalaro at nanonood sa basketball game.
00:44Dalawang lalaki ang sinubukang umiwas pero tinamaan sila ng bala.
00:52Kinabukasan, isa na namang insidente ng pamamaril ang nakuhanan ng CCTV sa isang pindahan sa Lucena City.
01:01Lubhang nakababahala naman itong CCTV footage mula sa isang dry goods store sa Lucena.
01:09Makikita kasi dito sa CCTV footage yung isang lalaki na nakatingin sa mga paninda ng tindahan.
01:16Maya-maya, may isa pang lalaki na papasok, very casual, tatayo sa likod ng isa pang lalaki.
01:25At di nagtagal, bumunot ito ng baril at pinaputukan sa ulo yung isa pang lalaki.
01:53Sa giginto, Bulacang, dead on the spot din ang isang polis.
01:57Matapos pagbabarilin sa gitna ng pagpupulong sa loob ng isang subdivision.
02:04Ano ang motibo sa pagpatay sa mga biktima?
02:08Sa datos ng Philippine National Police, mula August 2025 hanggang February 2026,
02:15mahigit limang libong tao na ang naareso dahil sa illegal possession of firearms.
02:20Mahigit labing limang libong armas o baril naman ang nakumpiskan ng otoridad dahil sa kawalan ng rehistro at permit.
02:26Doon po sa mga nangyayaring krimen, are those loose firearms?
02:32Yan ang karamihan talaga yung mga loose firearms.
02:35Ano ang ginagawa ng pamahalaan para protektahan ang mga mamamayan laban sa irresponsabling gun owners?
02:45At paano pipigilan ang paglaganap ng mga illegal na armas o loose firearms na nagagamit sa krimen?
03:03Patlong buwan nang nakatira sa isang kondominium sa Paranaque City ang dalawang putsyam na taong gulang na si RJ Gonzalez.
03:10Tubong laguna si RJ at nangangarap na maging isang artista.
03:14Kaya nang makakuha ng trabaho bilang online casino host sa Maynila, nagdesisyon si RJ na mangupahan sa kondong.
03:23Mahilig din sa paglalaro ng basketball ang binata.
03:26Pero ang hindi niya inakala,
03:30magiging mitsari nito ng kanyang kapahamakan.
03:33Sa CCTV footage na kuha noong March 4 sa isang basketball court sa loob ng isang kondominium sa Paranaque City,
03:42makikitang naglalaro ng basketball ang isang grupo ng mga lalaki kabilang si RJ.
03:48Ilang saglit pa, isang lalaki ang lumapit kina RJ at sa isa pang lalaki at bigla na lang nagpaputok ng
03:56baril.
03:59Sinubukan pang tumakbo ni RJ at ng isa pang lalaki pero hindi na sila nakaiwas sa pamamaril ng suspect.
04:05Agad na bumulag ta si RJ at ang isa pang biktima.
04:11Pero hindi pa nakontento ang gunman.
04:14Pinagbabaril din niya ang iba pang mga player habang nagsisipulasan palayo ng basketball court.
04:23Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang gunman.
04:28Dalawa ang kumpirmadong nasawi at apat na biktima ang sukatan sa insidente.
04:36Ayon sa investigasyon ng Southern Police District,
04:39unang tinarget ng gunman si alias Edwin na dati na raw niyang kaalitan sa tinitirhang kondominium.
04:46Base po sa ating paunang investigasyon, lumalabas po na maaaring personal grudge po yung motibo ng suspect doon po sa
04:54isa sa mga victim po.
04:56Ito pong si suspect ay kumakatok daw po sa unit nila nung mga 10 oras na po na gabi.
05:02And yun po, ni-report nito ng victim sa kanilang management.
05:06And nagharap nga po sila doon at nagkaroon nga daw sila na hindi pa kakaitindihan.
05:11Nadamay lang daw ang grupo ni RJ sa pamamaril.
05:16Tama naman ang bala sa ulo ang ikinasawi ng dalawang biktima.
05:21Yung mapapodong tinamaan po sa may bandang pwet, sa siko po at sa kamay po, sa braso.
05:27Sinubukan naming makapanayam ang pamilya ng isa sa mga nasawing biktima na si Edwin.
05:32Pero tumanggi sila para na rin daw sa kanilang proteksyon.
05:40Nahanap naman ang reporter's notebook ang pamilya ni RJ Gonzalez sa Laguna.
05:47Sa pahintulot ng kanyang pamilya, pinayagan kaming sumilip sa burol ni RJ.
05:55Nakapanayam namin ang nanay ni RJ pero hiniling niyang itago ang kanyang pagkakakilanlan.
06:01Lubos po akong nagdadalam mati kami po ng aking pamilya sa pagkawala po ng aming pinakamahal na si RJ.
06:08Isang mapagmahal na nanak, kapatid at isang tao nagbigay ng saya at liwanang sa maraming tao, lalong-lalong na sa
06:16aming kahanan.
06:17Kwento pa ni Gina, hindi niya tunay na pangalan, bunso sa tatlong magkakapatid si RJ at pursigido sa pangarap na
06:26maging artista.
06:27Pero hindi raw nila inasahan na habang malayo si RJ sa kanilang pamilya, ito ang sasapitin ng kanilang anak.
06:41Napakarami pang pangarap at plano sa buhay si RJ.
06:45Ang aking bunso, ang sakit ng kanyang pagkawalaan, ay dadali ng aming pamilya habang buhay.
06:54Samantala, agad hinanap ng mga otoridad ang suspect sa pagpatay sa mga biktima.
06:59Pero habang tinutugis ang gunman, nadeskubre na minsan na palang nasangkot ang suspect sa kasong may kinalaman din sa pamamaril.
07:11May outstanding warrant of arrest din laban sa suspect.
07:15Habang nag-verify po tayo sa record niyo itong suspect, is napag-alaman po natin na meron po pala itong
07:21warrant for the crime of homicide po.
07:25Ang tanong, paanong hindi agad nahuli na ma-otoridad ang isang taong may warrant of arrest na at nagawa pang
07:32tumira sa isang kondominium?
07:34Yung warrant of arrest kasi na nailabas is dated February 23.
07:41Base doon sa tracing natin na ginawa, yung warrant is na-upload by February 2024.
07:49And, sinerve ng ating warrant officer dito sa Paranaque City Police Stations ng March 2024.
07:58Ang nakalagay kasi doon sa address ng warrant is walang specific address.
08:03Para naman sa isang security expert.
08:05There are lapses talaga.
08:07Kasi nga po, nasunod yung sistema.
08:09Hindi sana nangyari itong pamamaril po ng isang tao.
08:14Under the law kasi, kapag ang isang tao ay meron ng standing warrant of arrest,
08:20dapat na revoke na po yung kanyang LTAP o yung license to own and possess firearms
08:26and dapat isinurender na rin po niya yung kanyang mga registered firearm.
08:33Hanggang nito lang March 6, sa isang hot pursuit operation,
08:38naaresto ang gunman sa isang kondominium sa Moonwalk, Paranaque City.
08:426 na kilometro lang ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen.
08:47Inihain din sa suspect ang warrant of arrest para sa kasong homicide na una niyang kinasangkutan.
08:53Na-recover sa kanya ang dalawang 9mm na kalibre ng baril,
08:58apat na magazine at mga bala.
09:00Agad siyang dinala sa Paranaque City Police.
09:04Sa pahintulot ng mga otoridad, pinayagan kaming makapanayam ang suspect.
09:08Pero humiling siyang itago ang kanyang mukha, ayon na rin daw sa payo ng kanyang abogado.
09:14Kasi ho, dun sa tiniteran ko, sa taas ko, may bagong nakatera doon.
09:19May no, parang nanggugulo sila na nanggugula.
09:24Maghapon magdamag, nagsisigaw na sila doon kung ano na ako sinasabi.
09:28Kasi for one year, sila sila ho, nakikita ko doon eh.
09:31Familiar ko yung mukha nila.
09:32Inamin din niya ang ginawang pamamaril.
09:34Pero sa to, naprovoke lang ako kaya ko unyo.
09:39Walang abogado ang naarestong suspect noong magbigay siya ng panayam sa amin.
09:45Nahaharap siya sa patong-patong na reklamo,
09:47two counts of murder at four counts of frustrated murder.
09:53Nananawagan din po kami sa mga kinauukulan na tiyakin na makakamtan ang hustisya ng aking anak.
10:00Ang sino mang may pananagutan sa pagkamatay ni RJ ay dapat managot sa batas.
10:06Isang araw matapos ang insidente sa Paranaque City,
10:10isa na namang pamamaril ang nahagip din sa CCTV.
10:13Lubhang nakababahala naman itong CCTV footage mula sa isang dry goods store sa Lucena.
10:22Sa video, makikita si Jason Zuleta habang namimili ng damit sa loob ng tindahan sa Lucena City.
10:30Kasama niya noon ang isa pang lalaki.
10:33Maya-maya pa, umalis ang kasama ni Jason.
10:37Makalipas ang mahigit isang minuto,
10:39muling bumalik ang lalaki at pumuesto sa likuran ni Jason.
10:44Makikita ang may binunot mula sa kanyang likuran ng lalaki
10:47at bigla na lang pinaputukan ng baril sa ulo si Jason.
10:56Makikita rin sa video ang pagtakas ng gunman matapos ang pagbaril sa biktima.
11:01Isinugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival.
11:07Sa pagsusuri ng Lucena City Police,
11:09tama ng baril sa likod ng ulo ang ikinamatay ni Jason.
11:14Sa ngayon po sa aming investigation ay premeditated.
11:17Talagang pinag-isipan niya po ng mabuti, pinagplanuhan.
11:21So dinala niya doon, after niya dinala doon,
11:23doon niya isinagawa yung pamamaril.
11:28Apat na araw matapos ang pamamaril,
11:31pinuntahan ng reporter's notebook ang pamilya ni Jason Zuleta.
11:35Ayon kay John Paul, kilala nila ang lalaking bumaril sa kanyang kapatid.
11:40Sila ko talaga yung magkasintahan.
11:44So itong kapatid ko, parang nakakalabuan na din sila nito late, last month.
11:50Kaya parang nag-break na rin sila itong mga January lang.
11:53Ang alam ko, isang buwan na silang wala kasi nagwekwento ho yan sa akin.
11:58Pero may communication pa ho sila through messenger.
12:01Kasi ayos naman daw po yung paghihiwalay nila eh.
12:05Ang suspect, ang dating nobyo ni Jason na si Fata Esmal Faisal.
12:10Hindi na rin daw iba ang turing ng kanilang pamilya sa suspect.
12:14Kaya hindi rin nilang lubos maisip na sasapitin ito ni Jason sa kamay ng dating kasintahan.
12:21Lagi po yung nasa amin eh.
12:22Sa isang taon at mahigit mo lang pagsasama.
12:25Ako po yung laging kaano nila pag may revertengon.
12:29So kahit kami tatlo, nagbabanding kami.
12:31Kaya po, sobrang nabigla ako na nagawa niya ho yun sa kapatid mo.
12:36Kwento pa ni John Paul.
12:37Bago mangyari ang krimen, nagpaalam pa raw si Jason na kikitain si Fata.
12:43Dito napansin ko, sabi ko, bakit ang aga po?
12:46Sabi ko ng kapatid ko, may dadaanan lang ako.
12:49Sabi ko, yung sino?
12:50Si Pats.
12:51Sabi ko po, bakit?
12:53Nag-chat kami.
12:54O anong chat niyo?
12:55Kinukwa itong damit.
12:56Yun na pala, ang huling beses na makikita ang buhay ni John Paul, ang kapatid.
13:02Parang sinet-up na ho siya.
13:04Parang gumawa lang ito si ex niya ng way para makipagkita.
13:10Doon sa kapatid ko.
13:14Sobrang sakit ko.
13:16Ano ako mahihirapan diyan?
13:17Araw-araw, pinatatagan ko lang yung para sa kapatid ko.
13:22Mabigyan lang lang gusto siya yung kapatid ko.
13:28Kasama ang Lucena City Police, pinuntahan namin ang pinangyarihan ng krimen.
13:38Dito po nila nakikita na nakahandusay ang biktima.
13:42So agarang po namin nag-responde para mabigyan ng lunas at dinala po namin sa hospital ang nasabing biktima.
13:49Sa patuloy naming pag-iikot sa crime scene, isang babae ang nagbigay ng panayam sa aming team.
13:56Siya pala ang kapatid ng suspect at ang may-ari ng tindahan.
14:00Kumiling din siyang itago ang kanyang pagkakakilanlan.
14:04Ayon sa kanya, matapos ang insidente, hindi na raw nagparamdam sa kanila si Fata at wala rin daw silang alam
14:11sa posibleng kinaroonan ng kapatid.
14:13Sana man lang ni Patag ay magpakita ka sa amin. Harapin mo itong ginawa mong krimen.
14:23Sa ngayon, pinaghahanap pa rin ang suspect.
14:27Yung pong mga posibleng puntahan niya ay pinuntahan na po natin.
14:31Hindi pa po natin dinidiscount yung idea na nandito po po sa Lucena.
14:35Ang nanay naman ni Jason, patuloy na humihingi ng kustisya sa sinapit ng anak.
14:41Gusto ko po ay makulong po yung taong bubawa sa kanya.
14:45Pagmayaran po niyan yung lahat.
14:49Mahaharap sa kasing murder ang suspect na si Fata.
14:52Kitang-kita po talaga sa CCTV na tinutokan niya, binaril niya, that alone is sufficient to conclude that there is
15:03a crime of murder.
15:05Tatlong araw matapos ang pamamaril sa Lucena City, isa pang gun-related crime ang nauwi rin sa pagkamatay ng bingkima.
15:21March 8, habang nagpupulong ang mga residente para sa nalalapit na halala ng Homeowners Association sa isang subdivision sa Giginto,
15:31Bulacan,
15:34Makikita'ng bigla nalang nagpulasan ang mga residente.
15:40Pinagbabaril na pala noong mga sandaling yun ang isa sa mga tumatakbong presidente ng asosasyon.
15:46Sa CCTV footage, nakita pa kung paano nila pitan ng gunman ang biktima bago itong barilin ng patalikod.
15:57Mabilis na tumakas ang suspect.
16:00Dead on the spot ang biktima na isa palang pulis, Bulacan.
16:06Kinilala siyang si Police Master Sergeant Jose de la Peña Uring, 50 taong gulang.
16:12Tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng biktima.
16:18Nakapanayam namin ang asawa ng biktima na si Hazel Uring.
16:22Nasaksihan pa raw niya kung paano binaril ang asawa.
16:29Hindi namin nakalain na gano'ng ang mangyayari.
16:33Pagkayari po ng speech niya,
16:36nagikot po siya sa lahat ng bisita para magpasalamat at magpaalam po.
16:44Para sa kanya, isa ang nakikita nilang motibo sa pagpatay.
16:48March 14 yung election niya sa pagiging presidente ng homeowners.
16:53Kasi ang gusto nila sila ang ma-elect.
16:55Eh, ito kasi one term na lang kasi yung mister ko.
16:58Medyo nagkaroon ng hindi magandang palitan ng salita, siraan.
17:08Nito lang March 11, sa isang press conference na isinagawa ng Malolos Bulacan Police,
17:14iniharap na ma-otoridad ang dalawang suspect na nahuli gabi noong March 10.
17:20Dismissed field ni personnel na nakaristo natin ito sa urban.
17:28Patuloy pa rin daw ang investigasyon kung ano ang motibo sa pagpatay.
17:32In the interest of yung ating investigation process,
17:37hindi po po natin ito masasabi.
17:39Gawa nga ng ating mga intelligence operatives ay nasa ground problem.
17:44Tatlong baril naman ang narecover sa mga inarestong suspect.
17:50Haharap naman sa kasong murder ang dalawang suspect.
17:53Hindi kami matutulog at hindi kami titigil.
17:57Pagbabayaran po nila ang ginawa nila sa aking asawa.
18:04Inalang din ang reporter's notebook kung rehistrado at lisensyado nga ba ang mga baril
18:09na ginamit sa magkakasunod na pamamaril na kumitil sa buhay ng mga biktima.
18:17Ayon sa PNP, matapos sumailalim sa ballistic examination ang mga narecover na armas,
18:23napagalamang rehistrado ang baril na ginamit sa pamamaril kay RJ
18:27at sa isa pang biktima sa Paranaque City.
18:31Base po sa ating verification, meron pong nakaris tong baril sa ating suspect.
18:37Meron po itong lisensya pero ongoing verification pa po tayo sa FEO
18:41kung meron pang ibang-ibang mga naka-reistrope po sa kanyang pangalan.
18:48Sa isinagawang verification naman ng Lucena City Police
18:52sa baril na ginamit sa pagpatay kay Jason.
18:549mm pistol. Nag-records check na po tayo.
18:58Wala pong lisensyadong baril itong suspect.
19:01Wala din pong records yung slug na nakuha po sa victim.
19:06Loose firearms kumbaga.
19:08Patuloy naman ang imbesigasyon na giginto polis para matukoy kung rehistrado ba ang baril
19:14na ginamit naman sa pagpatay kay Policemaster Sergeant Jose de Lacpeña Uring.
19:20On-going po yung verification natin sa FEO po para malaban natin kung kanino naka-pangalan
19:26ng mga baril na nakuha po sa suspect.
19:29Sa dapos ng Philippine National Police, mula August 2025 hanggang February 2026,
19:35mahigit limang libong tao na ang naareso dahil sa illegal possession of firearms.
19:40Mahigit labing limang libong armas o baril naman ang nakumpiskan ng otoridad
19:44dahil sa kawalan ng rehistro at permit.
19:51Paano nga ba mapoprotektahan ang mga mamamayan laban sa iresponsabling gun owners
19:57at ang paggamit ng loose firearms?
20:00Bakit meron tayong mga gun owners with the unregistered firearms?
20:06Marami tayong ina-account pa na mga unregistered firearms
20:10or yung mga loose firearms, homemade na baril, smuggled.
20:14We are coordinating actually to all the law enforcement agencies
20:18kung paano natin makontrol itong proliferation ng mga illegal paraan.
20:23Saan ang gagaling ho yung smuggled?
20:25Nang gagaling outside the country na hindi dumadaan sa Bureau of Customs
20:32o mga proper documentation.
20:36Bakit po ang hirap tuldukan ng loose firearms?
20:40When we say loose firearms kasi,
20:42everything na wala dun sa registered firearms
20:45or na-renew na firearms,
20:48lahat yan considered na loose firearms.
20:50We are conducting o plan katok
20:52to remind them na yung lisensya mo expired,
20:55you need to renew.
20:59Yan ang isang paraan na pag-a-account namin sa loose firearms.
21:04Paalala rin ng PNP,
21:06mahaharap sa kaso ng paglabag sa Republic Act 10591
21:10o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act
21:14ang sino mang mapapatunayang may hawak
21:17o nagmamayari ng mga iligal o hindi-rehistradong baril
21:21at maaaring makulong ng 6 hanggang 12 taon.
21:26Ito yung mga requirements na kailangan mong isumite sa PNP
21:30para makapag-apply ka para sa lisensya ng iyong baril.
21:36Tapos, iba pa yan,
21:37mas umiksina pagka-renewal na lisensya hang iya-apply.
21:43Lahat po ng client natin, ma'am,
21:44pag mag-apply ng ILTOP is mag-a-undergo ng
21:48neurosecretic examination and drug testing examination.
21:51Meron din dito?
21:51Yes, ma'am, meron din po, ma'am.
21:53How strict is it?
21:54Very strict po, ma'am.
21:56Talaga, kung ano po yung magiging recommendation nila,
21:58kung anong kakalabasan,
22:00yun po ang kasabihin nito.
22:05Hayo na rin sa datos,
22:06papataas ang bilang ng mga krimeng may kinalaman
22:09sa paggamit ng baril,
22:11lisensyado man o hindi.
22:13Kaya't hanggat hindi natutugunan
22:16ang lumalalang problema sa mga iligal na armas,
22:19pati na rin ang mga irresponsabling gun owners
22:22patuloy na malalagay sa panganib ang mamamayan.
22:26Lalo pat sa isang kalabit,
22:28buhay ang pwedeng maging kapalit.
22:32Hanggang sa susunod na sabado,
22:34ako si Maki Pulido
22:35at ito ang Reporter's Notebook.
Comments

Recommended