Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Dalawang basketball player ng isang unibersidad ang nasawi matapos malunod sa isang team-building activity sa Aurora. Kapag may nangyaring aksidente sa school activity, sino ang maaaring managot at ano ang sinasabi ng batas tungkol dito? 'Yan ang ating alamin kasama si Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, wala na pong masasakit pa sa sino mang magulang ang mawalan ng anak.
00:08Kasi kung alam ko lang na maigtining sa lahat na ganyan, ma'am, kahit mahirap kami, hindi ko yun ipapahamak
00:16yung anak ko talaga.
00:18Kaya ngayon, gusto ko ng justice talaga kung anong nangyari.
00:25Yan po ang hinagpiece ng nanay ng isa sa mga nalunod na basketball player ng isang university sa isang team
00:33building activity sa Dipakulaw, Aurora.
00:37Humihingi po sila ng justisya.
00:39At ngayong balik eskwela na, paano nga ba tayo mapapanatag sa ating mga anak?
00:45Paano kung may mangyaring aksidente sa paaralan?
00:49Pag-uusapan natin yan, Ask Me, Ask Attorney Gabby.
00:56Attorney, ano ba ang sinasabi ng batas sa mga school activity o event?
01:00Sino ang dapat managot kung may naaaksidente?
01:04Well, actually, depende po yan sa edad ng mga estudyante na involved.
01:09Iba ang tingin ng batas insofar as the level of protection is concerned at nararapat lang ito.
01:14Dahil iba kung mga baby natin, mga menor de edad ang involved, or kung ang mga involved ay mga adult
01:21children na natin, yung mga nasa college na na kahit pa pano, may sarili ng mga diskarte at buhay na
01:28hindi na rin masyadong mababantayan at masasabihan.
01:31So kung ang involved ay mga menor de edad, ang general rule ay napapa sa loob ng Article 218 at
01:38219 ng Family Code,
01:39kung saan kinikilala ng batas na minsan na inihabili ng isang magulang kanyang anak sa paaralan at iniwan ang bata
01:47sa gate ng eskwelahan,
01:49nagkakaroon ng tinatawag natin na Special Parental Authority ang paaralan ang mga administrador at mga guro nito.
01:57Ibig sabihin, kung may nangyari at may nagawa ang mga bata na dapat ay binabantayan nila,
02:03sila ang maaaring managot for damages kung may makikita na may pagpapabaya.
02:09Usually kasi ang mga magulang ang dapat na mananagot.
02:12Pero dahil nga sa Article 218, ang paaralan ang definitely na mananagot.
02:18Ito ay dahil ang mga paaralan, ang mga teacher at staff nito ay tinatawag nating in loco parentis.
02:25Tumatayo sila bilang mga magulang sa mga anak nating menor de edad,
02:29habang ang mga ito ay nasa ilalim ng kanilang supervision, instruction, or custody.
02:35Applicable ang pananagot ng paaralan kung may mangyari,
02:38whether it's class time, recess time, or outside the school premises, basta school-related activity.
02:45So paano na lamang nga kung college na ang mga students involved?
02:50Wala na bang special na responsibilidad ang mga eskwelahan natin,
02:55porket lampas na sila ng age of majority?
02:58Although hindi na sila strictly in loco parentis ang level na pangangalaga required,
03:02may obligasyon pa rin ang mga kolehyo at unibersidad
03:05na siguraduhin ang safety at kapakanan ng mga estudyante,
03:10lalo na nga kung ito ang off-campus activities na kinakailangan
03:14para sa tinatawag ng meaningful learning experiences.
03:18Kasama dito ang mga internships, field trips, field studies,
03:23at non-curricular based activities tulad ng mga immersion,
03:27outreach program, volunteer work, inter-school competition,
03:31cultural performances, and team development activities.
03:36Ito ay ayon sa policy na inibas ng CHED o ng Commission for Higher Education.
03:42Safety and welfare palagi ng mga estudyante ang pangunahing layunin nito.
03:47At kung magkakaroon ng estudyante na nasaktan or even worse na matay,
03:51ito ay bumabagsak sa general rule na lahat ng guilty ng negligence o pagpapabaya
03:57ay dapat managot sa ilalim na batas.
04:00Hindi excuse na, naku, hindi namin sinasadya or isang aksidente lamang nangyari.
04:05Dahil kung may indikasyon na na preventable sana ang nangyari
04:09at kung foreseeable ang danger tulad nga nito,
04:13dangerous yung beach at wala masyadong tao,
04:16ay dapat ito ay pinaghandaan.
04:18May posibleng liabilidad para nga sa ganitong pagpapabaya.
04:22Lalo na nga kung meron na palang nangyari in the past,
04:25in a similar training camp or field trip na nalagay na sa panganib
04:29ang isang estudyante pero inulit pang muli,
04:33naku, kailangan na nilang maghanap ng plausible excuse para sa mga pangyayari.
04:39Sabi din ng Korte Suprema sa isang kaso involving a university,
04:44pag nag-enroll ang isang bata sa isang universidad,
04:47kahit na hindi ito minor de edad at adult na,
04:51kahit na hindi na in loco parentis ang eskwelahan,
04:55merong kontrata sa pagitan ng paaralan ng estudyante
04:58na ang paaralan ay meron pa rin obligasyon
05:01na pag-provide na isang safe learning environment.
05:05Dapat walang kakulangan sa pagprotekta ng paaralan
05:08sa mga naka-enroll sa paaralan ito.
05:11At talagang may obligasyon po ang mga paaralan,
05:13halimbawa sa anti-hazing laws po natin,
05:16bantay sarado dapat ang mga organisasyon at take note.
05:20Hindi lamang ito mga fraternity at sorority,
05:23kasamang ang mga academic and varsity sports clubs,
05:27cultural and performing arts groups,
05:30athletic teams,
05:31at malaki ang obligasyon ng paaralan na siguraduhin
05:34na walang mga initiation rights,
05:36mga physical, mental, emotional pasakit ang nangyayari.
05:41Anong kaso ang maring ikaharap na isang nagpabayang paaralan?
05:44Of course, aside from other special laws tulad ng anti-hazing law,
05:49meron pa rin tayong criminal, civil, at administrative na mga kaso.
05:52Sa kahit na anong kaso, kahit na ito ay hindi isang deliberate na offense,
05:56kung may pagpapabayanan nangyayari,
05:58posible ang paghahin ay isang criminal na kaso,
06:01kung ang level of negligence ay almost criminal na rin in nature.
06:05Of course, merong civil liability for damages arising from negligence na parating nandyan,
06:11pero kahit na anong halaga ng danyos,
06:13ay hindi po talaga makakapantay sa halaga ng buhay ng nawala.
06:18Para sa mga mugulang at pamilya ng nasawi,
06:21never na magiging sapat ito na pambayad sa nakitil na buhay at namatay ng mga pangarap.
06:28Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
06:31Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
06:35Ask me, ask Atty. Gaby.
Comments

Recommended