Skip to playerSkip to main content
  • 3 hours ago
EXOTIC FOOD NA ‘ANTINGAW’, ALAMIN!; DAGTA, PAANO GINAGAWANG GOMA?

Aired (May 23, 2026): Exotic food na ‘antingaw’, kinilala at nagkaroon daw ng award sa ibang bansa! Anong klaseng exotic food ito?

Samantala, mga dagta mula sa puno, ginagawang goma! Paano ang proseso?
At, mga otter, maamo raw sa mga tao?! Puwede nga bang mag-alaga ng wild animal na ito?

Panoorin sa #DamiMongAlamKuyaKim!

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Kamangha-mangha at kahanga-hanga.
00:02Pinusuan, sinera, tumulti sa interest ng online universe.
00:05Pero bakit nga ba nag-viral ang mga video nito?
00:07Sama niya akong himayin at alamin ng mga kwentos
00:09sa likod ng mga viral video.
00:11Trending topic dito lang sa...
00:12Mantabi mong alam, Kuya Kim!
00:16At dapat kayo rin.
00:17Mukhang gulaman na pahaba,
00:19third species na ito ng shipworm
00:20na natikpuan sa Abatan River sa Bohol.
00:24Ano kayang pinagkaiba nito sa pinsan niyang tamilok at guraong?
00:29Ay!
00:32Mukhang squirrel sa unang tingin ang wild animal na ito
00:35na biglang nakikitsika sa isang grupo ng mga campers.
00:39Anong klase nila lang kaya ito?
00:40At bakit parang maamo sa mga tao?
00:43Pakitanggilas naman siya.
00:46Narinig po rin ng mother ko yung pagsisigaw ng otters.
00:51Ap! Ap!
00:55Puno na may kumakatas na biyaya?
00:56Ang malagatas na puting dagta ay may mainang palang pakinabang.
01:01Para saan kaya?
01:02Isang ektarya kaya kang bigyan ng 9 milyon.
01:06Pambigirang kinto na hindi na minimina.
01:09Pero sigurado kayong may makukuha.
01:11This is the only commodity that will give you
01:14every week, every month na income.
01:17At makikita sa ekta-ektaryang lupa.
01:20We have a total of almost 220,000 hectares dito sa Pilipinas.
01:2899% dito sa Mindanao.
01:31Ginto pero kulay puti.
01:34Tinatawag namin dito yan na white gold.
01:37Saan yan?
01:48Ang 26-anyos na si Jamiel o Jam.
01:51Bagong saltaro dito sa Mindanao, tubong bikol talaga siya.
01:55At ang kanyang pinagkakakitaan,
01:59Ginto.
02:00Ang kinalakhan kong trabahong pangunahing hanap buhay sa aming probinsya
02:04ay pagmimina ng ginto.
02:06Kapag sineswerte sa loob ng isang linggo,
02:09ay kumikita kami ng 7,000.
02:12Taong 2021, nung tuluyan daw siyang manirahan dito sa Sambuanga, Sibugay.
02:17At mula sa pagmimina ng ginto,
02:19lumipat na siya
02:21sa pangunguhan itong itinuturing nila ang white gold.
02:25Ganun ba kalaki talagang halaga niyan?
02:28Ang kanina pa natin binabanggit na white gold.
02:32Dito na kukuha sa katawan ng punong ito.
02:35Ang rubber tree.
02:36Kung saan ang dagta nito ginagamit para gumawa ng goma
02:40o rubber.
02:42Paano ang mga pinturang tumatagas sa puno nagiging goma?
02:46Si Jamiel, pakikitaan daw tayo.
02:48Sa isang araw, nakakailibo tayo ng mga isang daan hanggang dalawang kapunuan ng goma.
02:54Nagagawa nila ito gamit ang bakal na ito.
02:56Importanting itong gamitin para hindi maabuso ang puno.
02:59Ngayon ay papakita ko sa inyo ang proseso kung paano mag-extract ng dagta.
03:04So ang pagka B-shape ng bakal na ito ay itatama mo lang sa balat na ganyan.
03:09Yan ang puprotekta sa katawan ng puno na pa ganyan.
03:13Hindi lang daw sa pagiging barpero kailangan na mag-aanga mga kamay.
03:16Sa pag-rubber farming din.
03:19Inaalis mo lang o inuopen mo lang yung latex v-cells kung saan nanggagaling yung latex natin.
03:25We have to monitor in a month ang kailangan lang nilang maubos ay 1 inch.
03:30Kapag nasugatan ang balat ng puno, mabilis na tatagas ang dagta o rubber latex na siyang sasaluhin nila.
03:36Babalikan nila para magkanak naman sila ng application ng concentrate o yung acid natin.
03:43Itatabi ang mga nabuo nilang rubber latex sa lugar na hindi mababasa ng tubig-ulan.
03:47Hanggang dubating na mga buyer.
03:4975% na produksyon ng goma ay para sa mga gulong ng sasakyan.
03:53Ginagamit nila ito sa bola, sapatos, chinelas, medical gloves, condoms at kung ano-ano pa.
03:59Very useful.
04:00Dami mo alam, Kuya Kim.
04:02Yung isang ektarya, kaya akong bigit.
04:04Pambihirang kinto na hindi naminimina.
04:07Pero sigurado kayong may makukuha.
04:10Bakit nga ba mas pinili ni Jam ang goma kesa sa ginto?
04:14Ganoon ba kalaki ang kitaan dito?
04:16Ang unang taon ko dito, napansin ko ang mga rubber farmer.
04:21Kinarer ko na rin ang ganitong hanap buhay.
04:23Ang bentahan daw ng goma hindi kaagad milyones, kundi 52 to 62 pesos lang kada kilo.
04:28At nasa 5,000 kada buwan.
04:31Kung ikukumpara ko ang aking dating hanap buhay sa probinsya ng Bicol,
04:35marami rin struggle sa pagmimina ng ginto.
04:38Delikado ang ganyang hanap buhay dahil hindi mo masasabi ang aksidente.
04:43Mas pinapahalaga na raw kasi ni Jam ang kaligtasan ngayon.
04:46Dahil isa na siyang ama.
04:48Ang lupaing ito ay pag-aari ng lola ng aking asawa.
04:52At huwag niya raw isipin naging tuna, naging goma pa.
04:55Dahil ang pinakapambawi raw nila sa ganitong hanap buhay.
04:59Siguridad ng kikitain, stable at hindi tsambahan.
05:02Sa ilang taon ni Jam sa probinsya,
05:03naisipan din niya gumawa ng content para maipakitang wonders of goma.
05:07Kailangan lang matyaga ka, matiisin at hindi maarte para mayroon tayong kikitain pagdating ng katapusan.
05:12Ang madalas makita sa vlogs niya, ang kasama niyang rubber farmer na si Tatay Erin.
05:1881 years ako, nananggot ko 50 years na.
05:22Bisa lang kasamad-sabad ko, doon lang kay magkakao na ako pamilya.
05:27Ang challenge nga lang daw niya sa trabaho nito,
05:30ang amoy nito na may tutulad daw sa dumi ng tao.
05:33Excuse me po, safe ba naman yan para sa mga rubber farmer?
05:37Yung fresh na latex na hinaharvest ni toppers natin, walang amoy yun.
05:45Nagkakaroon lang yun ng amoy dahil nilalagyan na natin ng concentrate, formic acid.
05:51Kailangan lang talaga meron silang face mask kapag ililipat nila
05:55kasi siyempre iba yung amoy ng formic acid.
05:58Hindi lahat ng kinto nakatago sa mga minahan
06:00na para makuha ay kailangan magbuis-buhay.
06:03Yung iba baka nariyan lang sa tabi-tabi o sa labas ng inyong bahay.
06:15Ang ride masarap daw nung lukin.
06:16Parang gulaman guys.
06:19Natuklasan nila na sa ilog ng abatan may isang kakaibang species ng shipworm.
06:27Wow! Tara! Tana!
06:29Presenting ang kakaibang nila lang na dapat daw ipagmalaki ng mga Pinoy.
06:39Nakakaproud daw ito dahil bukod sa masarap, nakakuha pa ng recognition mula sa ibang bansa.
06:43Ito yung tingaw na naluto na.
06:46Pero ligtas nga bang lulukin ang pride na ito?
06:50Ito yun. Ito yung tingaw.
06:53Wow! Tara! Tana!
06:59Ang buhol, kilala din dahil sa kamanghamanghang chocolate heels.
07:03At kagiliw-giliw ng mga tarts here.
07:07Pero para sa content creator na si Johnny, meron daw bagong pambato ang buhol.
07:11Ah, honey!
07:12Nakakaproud daw ito dahil bukod sa masarap, nakakuha pa ng recognition mula sa ibang bansa.
07:18Clue sa body of water daw itong matatagpuan.
07:22Magbigay ng mga bodies of water.
07:25Ilog.
07:26Ilog, correct.
07:26Batis.
07:28Lake.
07:29Lawa.
07:30Okay.
07:31Correct.
07:32False.
07:34Correct.
07:34Bukal.
07:36Ang gagaling!
07:38Ito ang Abatan River.
07:39Pagsapit na dilim, dito na nagpupulong-pulong ang mga alitap-tap.
07:43Kaya mga turista bet na bet ang firefly watching activity sa tabi.
07:47Pero hindi lang alitap-tap ang matatagpuan sa Abatan River.
07:52Sa haba nito na 20 kilometers, hindi nakapagtataka na kung ano-anong organismo ang nakatira dito.
07:58Isa rin dito ang Antingao, na sa buong mundo, dito lang sa Abatan River matatagpuan.
08:04Kapabili ng Antingao ang tamilok at ugaok na nakasalayan ng kainin ng mga lokal.
08:08Ang tamilok nakatira sa kahoy.
08:10Ang ugaong naman nakatira sa putik.
08:12Pero ang Antingao, ang kauna-unahang freshwater sheepworm na nadiscovering kumukutkot at naninirahan sa bato ayon sa UP Marine Science
08:20Institute.
08:21Nang suriin nilang Antingao, nakita na hindi lang pala nito binubutas ang bato, kundi kinakain din nila.
08:26Ang dami mong alam niya, Kim!
08:29Dahil sa discovery na ito, binabuti ng UP Marine Science Institute na ilahok ang Antingao sa International Mollusk of the
08:36Year 2026, organized by Sankenberg Institute sa Germany.
08:40Napaka-unique niya talaga.
08:42Noong una, sa Pilipinas lang siya nahahanap.
08:45Ang mula namin ay very unique din yung kanyang way of life at marami tayong matututunan pagpag-aralan natin ang
08:53mas malalim yung genome niya.
08:55Nang matapos ang online voting sa kompetisyon, nakuha ng Antingao ang second place.
09:00Merong element din ng Filipino pride na oh, let's be proud of yung anong unique sa atin at yung mga
09:06kailangan protektahan.
09:07Kung may bato sa loob ng katawan ng mga Antingao, ligtas kaya itong kainin.
09:12Ang content creator na si Johnny.
09:14Isa raw ito sa mga gusto niya ng lantakan.
09:16Pag naliligyo kami ng ilo, may nakikita kating bato na may patas, may laman na parang late.
09:22Tapos tinanong namin yung mga nakatanda sa amin.
09:25Tapos ang sabi nila ay pwede itong lukuin at pwede kainin kaya sunupan namin.
09:33Kabisado na raw niya kung saan ito hitik dito sa Abatan River.
09:51Dito na yun yung mga nakuha namin.
09:55Dito na rin ang ginagawa namin ang ulam.
09:57Pag niloto namin ito nilalagyan din namin ng buko.
10:01Pag nilalagay na rin natin yung sabaw ng buko.
10:07Ito yung Antingao na naluto na.
10:11May halong tamis at saka may humalat punte.
10:15Ayon sa eksperto, ligtas na mga kainin ang Antingao.
10:18Parang gulaman guys.
10:22Pero dahil bagong discovery pa lang ang species na ito, marami pang dapat pag-aralan.
10:27Ang pag-harvest po niyan, kinukuha yung mga malaking kaprasong bato.
10:31So eventually, siyempre, ang bato naman ay hindi dumadami ulit.
10:35Pag inubos yung mga bato, baka maubos na rin sila.
10:39So kailangan ng nakatutok na pag-aaral kung gaano nga baka sustainable yun.
10:48Pag-aaral ang pwede.
10:50Pakitang gilas naman siya.
10:54Na-amaze po sila.
10:55Camping lang sana ang balak ng pamilyang ito.
10:58Pero may nakigulo raw sa kanilang campsite.
11:02Ang ginalang na naka-enquentro.
11:05Isang otter.
11:06First time po, encounter in the wild.
11:08May otter o.
11:09Ayan, babalik na naman.
11:11Kukuha na naman yan dito.
11:12Ayan, kukuha na naman.
11:16Ang galing o.
11:19Kiyot mang tignan, may dala rin ng peligro ang paglapit sa mga otter.
11:22Dahil sa kanilang malakas na panga at batalas ng ipin.
11:28Pero mga otter kung minsan, nasa panganib din.
11:33Narinig po ng mother ko yung pagsisigaw ng otters.
11:38And nakita po nila na nasa snare trap na po sila.
11:42Ano kahinat na ng enquentro ito ng otter at tao?
11:45Kinain niya yung binigay natin.
11:47Ay, ay, ay, ayun na lang.
11:49Ayun o.
11:55Habang nagbabanding ang pamilya sa camping.
11:57May otter o.
11:59Isang hindi inaasang nila lang ang nakijoin daw sa kanilang agahan.
12:04Ang maliit at bibong otter daw umaali-aligid sa kanila para maghingi ng pagkain.
12:09Kinain niya, kukuha siya.
12:11Yan.
12:11Nang mga pagkain din dadalhin niya sa tubig.
12:15Ayun o.
12:17Ang video na yan, tinost ni Rinuel, isang Pilipino na based sa Thailand.
12:21Tabang naghahanda po kami ng aming almusal, bigla siya lumapit at paikot-ikot sa aming paligid.
12:27Unang reaksyon, nagulat po ako dahil alaki.
12:30Ang otter tila friendly parao at sanay na rin sa presensya ng mga tao.
12:34Babalik-balik dahil binibigyan ko na po siya ng pagkain.
12:37At badang huli, yun niya, naging playful, nakipaglaho na siya sa amin.
12:41So yung otter na yun, usually sila yung, ano natin, yung Asian small clod otters.
12:46Common sila sa Southeast Asia.
12:47Most likely yung gano'ng encounter kasi ibig sabihin yung otter is sanay sila sa tao.
12:51Common sa kanila na pinapakain, in-handle.
12:54Yung mga otters natin is very social sila, kaya madali silang ma-encounter.
12:58Very playful talaga sila by nature.
13:00Ang Asian small clod otter na may scientific name na Ionix cinereus,
13:05ang pinakamalit na species ng otters sa buong mundo.
13:11Dito sa Pilipinas, sa palawan lang naninirahan ang Asian small clod otters.
13:16At dito, tinatawag itong tungon.
13:19Sa Puerto Princesa, nakilala namin ang 18 years old na si Alicia,
13:23na ngayon ay nag-aalaga ng tungon.
13:25Ang mga otter na inaalagaan nila, baby otters pa lang nang may turnover sa kanila.
13:30Napunto pa sila sa amin mga 2012 or 2011.
13:34May mga locals po dito na alam na nag-reski yung mother ko.
13:38So, accidentally po na patay nila yung mother ng otters.
13:43Yung mga otter pups or yung mga baby otters,
13:46malikot sila, lagi sila naglalaro.
13:47Pero as they got older, parang nagchitchill na po sila.
13:51Minsan nilang maglaro.
13:54Ayun.
13:54Ang ginagawa na lang po namin is yung mga ibang animals namin,
13:58yung pinapalaro namin sa kanila.
13:59Parang sila mga pusa.
14:01Pag gin-rub yung tummy, masyado parang kinakagat nila kayo.
14:09So, kaya we just warn people not to make them giggle.
14:12Hindi na siya takot sa tao.
14:14Wild animals yan.
14:15So, hindi natin masasabi na mabait sila palagi.
14:19Considering na yung characteristics nga nila is for hunting.
14:21So, may mga cases na nagsasnap yung otters, nananugod ng tao, nangangagat.
14:27Pagdating naman daw sa pagkain, ayon kay Alicia,
14:30isda ang madalas nilang ipakain sa mga otter.
14:37Hindi lang pala cute ang mga otter.
14:39Matatalino rin sila.
14:41May mga otter na gumagamit ng bato para masagi ng mga shell o matitigas na lamang dagat
14:44na hindi nila makagat.
14:46Parang may sarili silang tools para makakain.
14:48Ang dami mong alam, Kuya Kim!
14:51Ang mga otter sa pangangalagaan ni na Alicia,
14:54sinubukan din nilang ibalik sa wild noon.
14:58Pero dalawang beses na daw sinanabdigo sa pag-release.
15:02Nalinig po ng mother ko yung pagsisigaw ng otters.
15:06Nakita po nila na nasa snare trap na po sila
15:08at may lalaki na naghahawak-hawak.
15:11May hawak-hawak na net na dun yung isang otter
15:15and yung isa naman,
15:17kinachine niya po kagat-kagatin yung lalaki
15:19para ma-rescue niya yung sister niya.
15:21So ever since then,
15:23narealize namin na masyadong maraming poachers
15:27dito sa Palawan
15:28trying to get the otters.
15:30Kaya decision na po namin na huwag mo na lang i-release
15:34kasi delikado.
15:35Sa kabila ng kakulitan at kakyuta namang otter,
15:38hindi pa rin sila ligtas sa banta ng illegal wildlife trade.
15:41Kinuhuli kasi sila para maging exotic pet,
15:44para sa kanilang fur
15:45o di kaya para sa traditional medicine.
15:48Sa atin sa Pilipinas,
15:49protectado sila ng Republic Act 9147
15:52o yung Wildlife Resources Protection and Conservation Law.
15:55So pwede kang mamultahan at pwede kang makulong
15:57depende sa severity ng ginawa mo.
15:59Mahalaga raw ang mga otter sa kalikasan
16:01dahil tumutulong sila kontrolin ang dami ng mga alimango,
16:04shellfish at malilit na isda sa mangrove ecosystem.
16:08Nakakatuwa naman po.
16:09Kaya naman para kay Rinwell,
16:10hindi matatawaran ang encounter nilang ito sa otter.
16:13Isang moment na hindi madalas mangyari sa wild.
16:16Galing!
16:17Napakasaya po, lalo na sa aking mga anak.
16:20Once in a lifetime experience.
16:24Sa huli, maayos na naghiwalay
16:25ang landas ng pamilya ni Rinwell
16:27at ang bago nilang kaibigang otter.
16:30Ayun o!
16:33Dami mong alam Kuya Kim.
16:35Para sa mas mahabang kwentuhan at dagdag kaalaman,
16:37panoorin ang Dami Mong Alam Kuya Kim extended episodes
16:40sa GMA Public Affairs YouTube channel.
16:43May mga kwento rin ba kayong viral worthy?
16:45Just follow our Facebook page Dami Mong Alam Kuya Kim
16:48at is-share nyo doon ang inyong video.
16:49Anong malay nyo?
16:50Next week,
16:51kayo naman ang isasalang at pag-usapan.
16:53Hanggang sa muli,
16:54sama-sama nating alamin ng mga kwento at aral
16:56sa likod ng mga video nag-viral
16:58dito lang sa
16:59At Dami Mong Alam Kuya Kim!
17:02At Dapat KB!
Comments

Recommended