00:00Mga kapuso, pasensya na po kayo at mukhang mag-iinit naman ang ulo ninyo ulit dito.
00:08Sa Bacolod City, caught on cam ang pamamalo ng lalaking yan sa isang batang babae.
00:14Makikitang nakaupo sa gutter ng lalaki sa public plaza at ang batang babae nakatayo sa harapan niya.
00:21Biglang pinalo ng lalaki ang ulo ng bata at napaupo ang bata at tinamaan din sa hita at batok.
00:30Ayon sa LGU, mag-ama ang dalawa at nagalit daw ang tatay sa anak dahil kakaunti lang daw ang kita
00:38nito sa panlilimos.
00:40Gagamitin naman daw yun ng tatay sa pagsusugal.
00:44Naku, talaga namang iinit ang ulo ninyo.
00:46Kalaunan ay inaresto ang lalaki, nasagip na ang bata at nasa kustodiyan ng Bacolod City Department of Social Services and
00:53Development.
00:54Ang insidente niyan, pag-uusapan natin, Ask Me, Ask Atty. Gabby.
01:06Atty. Gabby, parang classic plot ng telesery ito.
01:10Ano ang sinasabi ng bata sa mga magulang na ginagamit ang anak sa panlilimos at sinasaktan pa?
01:17Naku, kamusta na po kayo?
01:19Diyan sa nakita ninyong video na yan, talagang nakakainit po ng ulo, no?
01:24Well, wala na sigurong hihigit pa sa isang magulang na siyang nagmamaltrato sa kanyang anak.
01:29At sa kasong to, di lamang pinipilit na mamalimos ang bata.
01:33Sinasaktan pa kapag di nakakakuha ng sapat para matustusan ang kanyang pagkalulong sa sugal.
01:40Kaya naman medyo mabagsik din ang batas sa pagpaparusa sa isang magulang na tulad nito.
01:46Sa ilalim ng batas natin, on anti-trafficking of persons,
01:50matuturing na ang pagpilit at paggamit sa isang bata para mamalimos
01:55ay isang form of forced labor or involuntary servitude.
01:59At yan ay isang form of child trafficking na pinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 9208
02:05as amended by Republic Act 10364.
02:08Sa ganitong mga kaso po, kung ang traffic ng isang trafficking ng isang bata
02:13ay ginagawa ng isang magulang, nagiging qualified trafficking
02:17na ang penalty ay life imprisonment o panghabang buhay na kulong
02:22at may fine ng 2 million pesos hanggang 5 million pesos.
02:26Maaari na ito maging kaso sa ilalim ng child abuse law natin
02:30o Republic Act 7610
02:33na siyang nagsasabi na kahit na sinong tao
02:35na siyang mamimilit sa isang bata na mamalimos
02:38ay may penalty ng prison correctional in its medium period
02:43to reclusion perpetua.
02:46So ano ba ang prison correctional medium?
02:48Ito ay kulong ng 2 years and 4 months and 1 day
02:52to 4 years and 2 months.
02:55So parang mababal po lamang, di ba?
02:57Pero ito ay kung sinong tao lamang.
03:00Pero again, kung ang magulang ang siyang gagawa nito sa sariling anak,
03:05nagiging qualified at mas mabigat ang penalty
03:08at magiging maximum penalty.
03:11At ang maximum penalty na yan ay reclusion perpetua
03:14o hanggang 40 years na kulong.
03:17So mas grabe siyempre kung ang sariling magulang
03:19ang siyang gagawa ng masama sa sariling anak
03:22dahil ito ang tinitingnan natin
03:24na siyang magpoprotekta sa kanilang mga sariling anak.
03:28Dagdag pa rito ay malamang matatanggalan ng parental authority
03:31ang magulang na ito,
03:32isasurrender ang bata na ito sa DSWD
03:35or sa Social Welfare Division ng LGU
03:38at usually ang bata will be involuntarily committed
03:41to the care of the Social Welfare Department.
03:45Kung magkakaroon ng determinasyon
03:47na hindi talaga nararapat na ibalik ang bata
03:50sa kanyang mga magulang
03:51at kung walang mga pamilya o kamag-anak
03:54na kukup-kup dito,
03:55baka mapilitan na ipaalaga sa ibang nais
03:58na tumayong magulang sa batang ito
04:00through adoption.
04:02So kawawa naman niyang batang yan.
04:04Sana ay hindi na maulit.
04:06Yung init ng ulo,
04:08sa init ng panahon,
04:09ay nako, tigilan na po yan.
04:10Kasama na dyan,
04:11ang pagsusugal,
04:12walang mabuting mangyayari.
04:14Ang mga usaping batas,
04:15bibigyan po nating linaw.
04:17Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:19huwag magdalawang isip,
04:21ask me,
04:22ask Atty. Gabby.
04:26Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe
04:28sa GMA Public Affairs YouTube channel?
04:30Bakit?
04:31Pagsubscribe ka na,
04:32dali na,
04:32para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:36I-follow mo na rin ang official social media pages
04:38ng Unang Hirit.
04:40Salamat ka puso.
Comments