00:07Mga kapuso, madalas natin marinig ngayon ang mga katagang money laundering.
00:13Pero sa kasong ito, literal na sa laundry nangyari, ang nakawan.
00:18Sa Maynila, caught on cam ang isang lalaki sa loob na isang laundry shop.
00:23Ang puntirian niya, mga bagong labang damit na ready na sana for pickup.
00:28Ayon sa isang tauhan ng laundry shop, nagpanggap daw ito na hinahanap ang mga iniwang labahin at may kukuning damit.
00:36Nang makuha ang damit, agad lumalis ang lalaki.
00:40Ang tauhan, sinisingil ngayon ng may-ari, nang aabot sa 10,000 pesos na halaga ng mga damit na natangay.
00:48Ayon sa MPD, modus ito kung saan ang ninakaw nila ng mga branded na damit ay ibinibenta sa mga thrift
00:56store or ukay-ukay.
00:58Pag-usapan natin yan, ask me, ask Attorney Gabby.
01:04Attorney, ano po ang habol ng mga mananakawan ng damit?
01:09Well, generally, mahahabol ng mga may-ari ng damit ang halaga ng mga nanakaw sa kanila.
01:14Kapag nag-iwan po kayo ng damit sa isang laundry shop para palaban ito,
01:19nagkakaroon ng kontrata na tinatawag nating deposit at may obligasyon ang laundry shop na ibalik ang mga damit na ito.
01:27Failure to return ay breach ng kontratang yan at nagkakaroon ng liabilidad sa may-ari.
01:33Pero kailangan din natin po tingnan ang mga pangyayari kung bakit nga ba hindi na ibalik ang mga damit.
01:39Kung ang dahilan ay matatawag nating fortuitous event tulad ng isang armed robbery,
01:45na halimbawa nga ay tinutukan ng baril na kahit na anong pag-iingat ng shop,
01:49ay hindi talaga mapipigilan ang mga pangyayari,
01:52baka masasabi natin walang pananagutan ang shop.
01:55Pero kung may pagpapabaya ang laundry shop kaya nawala, malamang kailangan niyang bayaran ito.
02:02Actually, medyo nakapagtataka hindi po ba wala bang hiningi na claim stub ang laundry shop personnel.
02:09Usually, kailangan daladala ang claim stub o resibo bago mairelease ang mga item.
02:15Dapat merong paniniguro na may mabibigay sa tunay na may-ari ang mga damit na iniwan.
02:20Indikasyon nito ng posibleng pagpapabaya na dapat panagutan ng laundry shop.
02:26Assuming na may pagpapabaya at mabayaran ng customer,
02:30maaari ba namang habulin ng may-ari ng laundry shop ang kawawang empleyado?
02:35Kasi nga, ang hahabulin ng kliyente ay ang laundry shop.
02:39Ngayon naman, baka balikan ng laundry shop ang kanyang kawani.
02:43Well, not automatically.
02:44Sa ilalim po ng ating labor code, hindi basta-basta pwedeng kaltasan ang sweldo ng empleyado.
02:51Kailangan may tamang proseso at procedure at mga tamang gawin.
02:55Unang-una, yung empleyado ba talaga ay naging pabaya?
02:59Dapat ay masuri talaga ang CCTV at alamin ang mga pangyayari.
03:04Pangalawa, nagkaroon ba ng tamang proseso?
03:07Binigyan ba ng notice ang empleyado at nabigyan ba siya ng pagkakataon na mag-explain?
03:13Pangatlo, reasonable ba ang amount na sinacharge sa kanya?
03:18And finally, dapat ay hindi so sobra sa 20% ng kanyang sahod sa isang pay period ang kakaltasin.
03:26Kumbaga, hindi nyo naman pwedeng gawing zero ang iu-uwing sweldo ng empleyado
03:32dahil kailangan pa rin naman niyang mabuhay pati na ang kanyang pamilya na nagdedepende sa kanya.
03:38Sa panahon ngayon, kailangan maging alerto, huwag paloko, better yet, nako, huwag na po kayo manloko.
03:46Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:52Huwag magdalawang isip.
03:54Ask me, ask Attorney Gabby.
04:13Salamat ka puso!