00:00Mga kapuso, patuloy po ang pabigayan ng ayuda sa mga driver.
00:04Ang tanong, maayos na ba ang mga abiria sa distribution?
00:09Isinisisi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa listahan
00:14na isinumite ng Transport Network Companies o TNCs
00:18ang nangyaring abiria sa payout ng ayuda sa Metro Manila noong nakaraang weekend.
00:24Napakarami daw discrepancies dahil may mga duplicate ito.
00:29Sabi pa niya, humaba ang pila kasi yung mga nakakuha na,
00:33pumunta pa rin kahit alam nila na nakakuha na sila.
00:37Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:40Ask me, ask Attorney Gabby.
00:45Attorney, sakaling may discrepancy nga sa listahan at na doble ang nakuha mong ayuda,
00:51ano ba ang sinasabi ng batas?
00:53Required bang ibalik gayong di mo naman kasalanan?
00:56At paano naman ang mga poster?
00:58Well, obviously naman, kuminsan malinaw na bawal ang dobleng pagtanggap ng ayuda
01:03at ito ay magkakaroon ng obligasyon na ibalik ang natanggap.
01:08At hindi sapat na sasabihin nyo na hindi nyo kasalanan at bigay lang sa inyo.
01:13Sa ilalim ng ating batas, ito ay tinatawag na solution in debity.
01:18Sa ilalim ng Article 2154 ng Civil Code.
01:21Ito ang obligasyon na magbalik ng kahit na anuman na inyong natanggap na wala kayong karapatan na hingin nito in
01:28the first place.
01:29Hindi nyo demandable ito.
01:31Kasi nga, hindi talaga ito para sa inyo.
01:34Mga halimbawa nito, pagkakamali ng banko na naglagay ng deposit na pera sa inyong bank account.
01:41Yung boss ninyong matanda at makakalimutin, binayaran kayo ng sweldo ng dalawang beses.
01:48Yung nagkamali nga sa listahan ng DSWD at nabigyan kayo ng ayuda ng dalawang beses din.
01:56Dapat ibalik po yan, ito ay bahagi ng batas against unjust enrichment.
02:02Hindi makatarumang pagpapayaman.
02:06Tumanggap kayo ng pera na dapat ay ibigay sa iba.
02:09Tumanggap kayo ng pera na hindi naman dapat sa inyo.
02:12Tumanggap kayo ng pera na napa sa inyo lamang dahil merong pagkakamali.
02:17Or even worse, tumanggap kayo ng pera na dahil sa pananamantala o panloloko.
02:23Yung mga poster naman na nagkukunwari na beneficiary sila para makatanggap ng ayuda.
02:28Maaari itong krimen ng estafa kung tumanggap kayo ng ayuda.
02:32Halimbawa, using a fake name or using fake documents.
02:36Ito ay estafa using false pretenses sa ilalim ng revised penal code.
02:41Yung pumirma kayo ng mga government document na alam ninyo na peke ang impormasyon na nilagay doon para makakuha kayo
02:48ng benepisyo.
02:49Yung mga halimbawa, fake intake form para sa 4Ps or para sa pagkuhan ng PWD card.
02:57Ito ay mga kaso ng falsification of public documents.
03:01At huwag baliwalain ang mga ganitong kaso.
03:03Sabi ng DSWD na hahabulin talaga nila ang mga manloloko na ito at kakasuhan talaga.
03:10Kapag nahuli kayo, of course, may fine at kulong ang mga kasong to.
03:15Maaari din kayong perpetually disqualified na magkaroon ng benepisyo mula sa DSWD.
03:21At kapag nag-apply kayo ng NBI clearance, nako, check na magkakaroon kayo ng hit
03:26at baka mahirapan kayong makakuha ng trabaho na gustong-gusto nyo sana.
03:31Tandaan, crime does not pay.
03:34Bago gumawa ng hindi nararapat, magdalawang isip.
03:41Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kakayipaan ng pag-iisip.
03:46Huwag magdalawang isip.
03:48Ask me, ask Attorney Gabby.
Comments