Skip to playerSkip to main content
Aired (October 18, 2025): Butas-butas at sira-sira — ito ang hanging bridge sa Sibul Springs, San Miguel, Bulacan na araw-araw tinatawid ng mga estudyante at residente. Isang maling hakbang, maaari silang mahulog sa ilog.

Sa Barangay Biak-na-Bato, sa parehong bayan, “monkey bridge” na lang ang ginagamit ng mga residente matapos masira ang dating tulay. Sa Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya, isa namang tulay ang bumigay habang tumatawid ang mga guro at estudyante, dahilan ng pagkasugat ng mahigit tatlumpung tao.

Pagbalik ng Reporter’s Notebook, muling sinuri ang mga tulay na ito. Ligtas na ba ngayon ang mga tumatawid? Ang buong detalye, panoorin sa video. #ReportersNotebook

Category

😹
Fun
Be the first to comment
Add your comment

Recommended