Skip to playerSkip to main content
Aired (October 31, 2026): Noong 2023, natuklasan ng Reporter’s Notebook ang mga butong inilagay sa sa mass vault sa Tala Cemetery, Caloocan City. Ang mga ito ay mula sa mga nitso na hindi na nababayaran ang renta ng mga kaanak ng mga nakalibing.

Makalipas ang tatlong taon, binalikan ang sementeryo upang alamin kung ano na nga ba ang lagay ng kalakaran nito. Panoorin ang buong ulat. #ReportersNotebook



Category

🎈
Fun
Transcript
00:01Ito naman ang naabutan naming sitwasyon sa Tala Cemetery sa Kalooka noong 2023.
00:08Nakalatag sa bubong ng tinatawag na mass vault ang mga butong hinukay mula sa mga nichong hindi na nabayaran ang
00:15renta na mga kaanak na mga nakalibing.
00:17Sa mga public cemetery, ang tawag sa mga ito ay apartment.
00:23Magbabayad ka ng 3,000 pesos pero yung 3,000 pesos na yun ay para lang mailagak ang labi ng
00:29mga mahal mo sa buhay sa loob lamang ng limang taon.
00:33Kailangan mo nang tanggalin yung labi pagkatapos ng limang taon dahil kung hindi ay itatabi ito ng pamunuan ng sementeryo.
00:40Pero para sa mga butong hindi na naklaim ng kanilang mga pamilya makalipas ang limang taon,
00:46dito pang samantalang inilagay ng pamunuan ng Tala Cemetery ang mga hinukay na buto.
00:52Halos isang daang kumpol ng skeleton o mga buto ng tao ang nakalatag sa bubong ng vault.
00:57Katabi ang kanilang mga labida.
00:59Yan yung mga labi ng mga tinatawag na abandoned sa apartment.
01:04Mga hindi na naklaim ng kanilang mga kamag-anak pagkatapos ng limang taon doon sa apartment.
01:09Nilalagay daw yung mga buto sa ibabaw nitong vault.
01:12Pinibigyan yung mga pamilya ng tatlong taon para iklaim yung labi.
01:16Tapos pag hindi pa rin nakliklaim sa loob ng tatlong taon, saka na ihuhulog yung mga buto sa loob ng
01:23mass vault.
01:26Makalipas ang tatlong taon, muli naming binalikan ang Tala Cemetery.
01:32Wala na ngayon ang mga butong nakalatag sa bubong ng mass vault.
01:35Yung mga remains na tinatanggal sa mga walang claim,
01:39lahat ay doon siya nilalagay sa ibabaw ng mass vault.
01:43Tapos habang hinahanap yung mga annex of in.
01:46Pero since nagbago yung process natin, hindi na tayo nagtatanggal.
01:51Hindi na-inform yung annex of in.
01:53Hindi na ngayon nagdi-display sa ibabaw.
01:55So kung may mapatunayan na po na wala na talagang claimant,
01:59pagkatanggal po, doransyo na po siya sa loob ng vault.
02:01Isa rin sa kinahaharap na problema ng Tala Cemetery,
02:04ang overcapacity ng sementeryo.
02:06The total land area po is about 7 hectares.
02:10Pero ang nagagamit po ng sementeryo is about more than 4 hectares na lang.
02:17Since meron pong mga natayuan na rin ng residential area.
02:21And as you can see po, medyo overcapacitated na po talaga ito.
02:26Kasi wala naman po siyang naging major renovation ever since na itinayo ito.
02:31Sa ngayon kasi, umabot na raw sa mahigit kalahating milyon ang nakalibing dito.
02:38That's included yung mga undocumented na po na dati pang nandito.
02:43And yung mga nilabas na rin.
02:45At mga pinasok na nilipat na lang po dito from other cemetery.
02:49Kaya malaking hamon para sa pamunuan ng Tala Cemetery,
02:52ang mga susunod pang mga taon.
02:54Unang-una po sa lahat, syempre walang space.
02:57Hindi magiging maayos yung pagbisita ng mga kamag-anak.
03:03Sa datos mula sa Housing Land Use Regulatory Board o HLURB,
03:09kabilang ang Kaloocan City at Malabon City sa mga syudad,
03:12nakaunti lang ang inilaang lupa para sa mga simenteryo.
03:16Sa Kaloocan, umabot sa mahigit 5,000 hektarya ang kabuang lawak ng lupa ng syudad.
03:23Pero sa lawak na ito, 72.26 hectares lang ang inilaan para sa mga libingan.
03:30Samantala, ang Malabon na may kabuang land area na mahigit 1,500 hectares,
03:35mahigit 6 na hektarya lang ang nakalang lupa para sa mga simenteryo.
03:40Sa buong Metro Manila na mahigit 61,000 hectares,
03:44mahigit 800 hektarya lang ang mga simenteryo.
03:49Para sa isang eksperto, mahalagang maging bahagi ng pagpaplano ng bawat lokal na pamahalaan,
03:55ang paglalaan ng sapat na espasyo para sa mga libingan.
03:58Lalo pat sa huling pag-aaral ng Philippine Statistics Authority,
04:02halos kalahating milyon ang namamatay sa Pilipinas bawat taon.
04:07Kapag halimbawa hindi nakapaglaan ng maayos na bilang o lawak,
04:13halimbawa ng lupa para sa mga labi,
04:19ay magkakaroon ng sanitary concern doon sa mismong sudad.
04:23So, kailangan ay pantay hanggat maaari yung bilang noong populasyon doon sa lawak na ilalaan na sementeryo para rito.

Recommended