Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Nauwi sa sigawan at sabunutan ang ilang manonood sa isang basketball liga sa Pangasinan matapos magkapikunan. Ano ang posibleng kaso sa ganitong insidente lalo na kung may sangkot na menor de edad? Alamin sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, ngayong summer vacation, usong-uso ang mga liga.
00:05Pero cool lang po kayo para hindi mauwi sa ganito.
00:09Sa Magaldan, Pangasinan, nagkasigawan at nagsabunutan ng ilang kababaihan
00:15matapos umanong magkapikunan habang nanonood ng Liga ng Basketball.
00:22Ayon sa punong barangay, nauwi sa kantsawan ang noong unay
00:26simpleng cheer sa isang basketball match sa Liga.
00:30Labindalawang babae kabilang ang apat na menorde-edad ang sangkot sa sigawan at sabunutan.
00:36Yan ang pag-uusapan natin. Ask me, ask Atty. Gary.
00:44Atty. Ano ba ang sinasabi ng bata sa ganito mga gulo, lalo at mayroong mga kabataan na sangkot?
00:51Well, sigawan at sabunutan sana ay hindi maging bagong sport sa mga paliga kung ngayong summer vacation.
01:00Krimen ba ito? But of course.
01:02Ang mga physical na panghihimasok ngayon ay krimen ng physical injuries sa ilalim po ng revised penal code.
01:09Ang krimen naman na ito na physical injuries maaaring slight, less serious, at serious physical injuries.
01:17Siyempre, mas grabe ang injury, mas mataas ang penalty.
01:21Yung sabunutan na nangyari definitely ay krimen ng slight physical injuries at ang krimen naman na yan, may tatlong klase
01:28pa.
01:29Kung yung pananakit ay nagresulta sa hindi makapagtrabaho ang biktima o magawa,
01:34ang usual activities, or nangailangan ng medical attendance for 1 to 9 days,
01:39yan po ang slight physical injuries na isang kaso.
01:43Yung isa naman, slight injuries din, pero yung nasaktan ka, pero hindi ka naman naapektuhan at hindi nang nailangan na
01:50magpatingin sa doktor.
01:52Meron din yung nasaktan ka, pero halos walang epekto.
01:55Ang tawag dyan din ay pagmamaltrato or maltreatment.
01:59Ang pananabunot ng buhok, malamang, ay maltreatment or pagmamaltrato lamang.
02:04So ano ang penalty? Kung pagmamaltrato or pananakit na hindi nang nailangan ng medical attendance,
02:11arresto minor o kulong ng 1 to 30 days, pero pwedeng fine lamang ang penalty.
02:17Kung apektado at hindi nakapagtrabaho ng 1 to 9 days, kulong ang penalty.
02:24Kung may minordeedad na sangkot naman, dito papasok ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.
02:30Ang mga minordeedad na 15 anyos at pababa ay walang criminal liability,
02:35pero maaaring mapasailalim sinatawag nating intervention program
02:40para naman mapayuhan ng maayos at maturuan ukol sa maling nagawa at para hindi na maulit muli.
02:48Summer na at napakainit ng panahon.
02:51Huwag na po nating samahan ng init ng ulo.
02:55Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:00Huwag mag-dalawang isip, ask me, ask Atty. Gaby.
03:06Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
03:09Bakit? Mag-subscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
03:16I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
03:19Salamat ka puso!
Comments

Recommended