Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago

Aired (March 29, 2026): Para sa mga deboto, ang pabihis sa Poong Nazareno ay simbolo ng kanilang pananampalataya. Tuwing Semana Santa, mayroon ding tradisyon na kung tawagin ay Caridad. Panoorin ang video.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Ang imahe ng poong Nazareno ng Quiapo, inilalabas sa kanyang dambana para iprosisyon sa Biyernes Santo.
00:09Kahit larawan ito ng paghihirap at pagpapakasakit,
00:15kailangan itong bihisa ng maganda.
00:18Jesus Nazareno kasi is always related to the passion and death of our Lord.
00:23There are two colors kasi related to that.
00:26It's always the violet, but also kasama din yung pula.
00:32Sa Sibaan ng Quiapo, isang sagradong ritual, ang pabihis.
00:37Ibus mo ang iyong pagbabas pa sa damit na ito.
00:40O pagbibihis sa poong Nazareno.
00:43Ang poong Isus Nazareno ay binibihisan kapag merong mga mahalagang araw na pesta ng Panginoon.
00:52Ito rin ay muli pasasalamat ng mga deboto.
00:57Ito yung paraan kung saan nila makikita, nagbibigay pag-asa sa kanila.
01:11Sa isang sulok ng Maynila, matatagpuan ng aristocrata dekorasyon sagrada.
01:18Ang bawat damit ng poong Nazareno ng Quiapo, nagawa nila bungaraw ng isang malalim na debosyon.
01:26I wonder, gaano ba katagal ginagawa ang detalyadong damit ng poong Nazareno?
01:31Mga tatlong buwan, kung synthetic thread.
01:34Pero kung gold thread, minsan inaabot kami ng five months.
01:38Kailangan sa malayo, sa malapit, maganda tignan ng senior.
01:44Ang panata ni Jaycee na pananahin ang damit ng Nazareno, bungaraw ng isang himala.
01:52Nagkaroon ako ng cranial nerve neuritis, pamamaga ng isang ugat na dapat sa utak, pero tumama sa mga mata.
02:02Dobli na yung paningin ko, tumabingi na yung mukha ko.
02:06Isang gabi, nagdasal ako sa kanya.
02:08Sabi ko, mahal na senior, marami pa akong tatapusin proyekto sa'yo.
02:13Buhay na totoo raw ang kanyang buhay sa mapaghimalang poong Nazareno.
02:17Matutuloyin kong milagro kasi isang madaling araw, nagising na lang ako.
02:23Nakakalakad na akong mag-isa eh, papunta sa banyo, na hindi ko na ginagawa yun.
02:27May tumabi sa akin sa kama ko.
02:30Haba ang buhok na nakakulay marun.
02:33At tuluyan po akong gumaling araw ng Biyernes Santo.
02:37I wonder, sa dami ng damit ng Nuestro Padre ng Kiapo, saan kaya napupunta ang nagamit na nito?
02:47Ang mga damit ng poong Nazareno, itinuturing na relik o banal na alaala.
02:53Ang ilan, maingat na itinatago sa simbahan ng Kiapo.
03:03Ang iba naman, ipinamimigay sa mga simbahang may malalim ding debosyon sa poong Nazareno.
03:09Tulad ng simbahan ng San Roque sa Samar.
03:14Nakilala rin Diocesan Shrine of Nuestro Padre Jesus Nazareno sa kanilang lalawigan.
03:21Paniwala kasi ng mga deboto kung malayo sa poong Nazareno,
03:25ang senyor mismo ang bibisita sa mga mananampalataya.
03:30Isang bahagi ng poong Nazareno ng Kiapo na naglalapay para magbigay pag-asa sa mga tunay na nananalig sa kanya.
03:46Ang bahay na ito sa kahabaan ng Kalya Bautista sa Kiapo.
03:50Agaw pansin, hindi lang dahil tila na paglipasan na ng panahon,
03:54kundi maging sa makukulay na kwentong nananahan dito.
04:02Sa makasaysayang bahay na Kpil Bautista na nirahan,
04:05ang mga revolusyonaryong si na Julio Nacpil at Gregoria de Jesus na byuda ni Andres Bonifacio.
04:12Dito nagpupulong yung mga revolusyonaryo, mga katipunero, mga ano ni Andres Bonifacio.
04:17Place of social confluence talaga yung bahay na Kpil Bautista.
04:22Pero ang hindi alam ng marami, bukod sa mga katipunero,
04:25minsan na rin daw tumira rito ang poong nasareno ng Kiapo.
04:30Ang gera, panahon ng Japon, dito siya tinago.
04:34And dito din siya dinadala kapag madaling araw bago yung pista ng January 9
04:39para i-restore ayusan, dihisan.
04:41Mahalaga yung bahay na Kpil sa Kiapo.
04:45Muli rin binubuhay ang ilang tradisyon tuwing Semana Santa sa bahay na Kpil Bautista.
04:53Kaya muli silang nagsasagawa ng pabasa.
05:05Isip kami ng paraan na bukod sa pagsalba sa bahay physically,
05:09kailangan din natin isalba yung mga hindi natin nahawakang pamana,
05:13yung intangible heritage.
05:14So isa yun yung oral tradition pag Semana Santa which is yung pabasa.
05:18Itong Panginoon natin, padlang tao'y umumirin.
05:24Kung tutuusin bago mamandaw tayo nasakop ng kristyanismo,
05:28malaking bahagi na raw ang pag-awit sa buhay ni Juan
05:31mula sa mga pagdiriwang hanggang pagluluksa.
05:35May mga chants din in the past sa mga katutubo natin.
05:40Sa ipugaw, may hudhud.
05:42Ito yung mga mournful chants.
05:43Sa Benguet, may bangil.
05:45Pero dahil sa pinapractice pa natin ngayon,
05:50nire-replicate niya yung bayanihan, yung tulungan, yung samahan.
06:02Kasabay ng pag-alingaungaw ng mga verso ng pasyon,
06:05may isa pang tradisyon sa Kiyapo,
06:07hindi lang tuwing Semana Santa na buong puso nilang itinataguyod.
06:12Ang karidad o masaganang pakain parang sa mga deboto.
06:18Sa katahimikan ng dilim,
06:20habang mahimbing pa ang malaking bahagi ng Maynila,
06:33Abala na sa pagluluto ang mga volunteer ng Simbahan ng Kiyapo.
06:38Tuwing Huwebes kasi,
06:39mission nilang magpakain sa mga nangangailangan,
06:43na tinatawag din nilang I-Thursday.
06:52Ang layun na ito ay hindi lang magsilbing parang isang feeding program,
06:57nakagaya ng iba't iba.
06:59Binibigyan ang halaga din na ang uhaw,
07:03ang gutom na nais na matugunan dito sa I-Thursday
07:08ay uhaw at gutom din para sa karanasan sa Diyos.
07:14Kilala ang gawain ito noon bilang karidad,
07:18kahit sino basta nagugutom, pinakakain.
07:25Ganyan din daw ang paniwala
07:27ng matagal ng deboto ng Nazareno
07:29at volunteer ng Simbahan ng Kiyapo na si Jenny.
07:34Mga 15 years na akong nag-volunteer ng Kiyapo,
07:37dito sa karidad naman is magti-3 years na ngayong March 23.
07:42Higit sa obligasyon,
07:43ang pagiging volunteer ni Jenny
07:45ay paraan daw niya ng pasasalamat.
07:49Ang tunay na kayamanan ay hindi raw nasusukat
07:52sa kung ano ang laman ng bulsa,
07:54kundi sa kung ano
07:55ang kayang ibahagi sa iba
07:57kahit naghihirap din.
07:59Kung magkahirap man kami sa buhay,
08:00meron pang mas higit na nangailangan.
08:02Kahit nasabi mo na yung ibibigay namin
08:04oras lang, napakahalaga
08:06naman ang kapag-share ka sa iba.
08:13Kapag napasyal ka sa Kiyapo,
08:15ngayong Simbahan na Santa
08:17at nakita mo ang imahe ng Jesus Nazareno,
08:20mabuti sigurong tanungin mo rin
08:22ang iyong sarili.
08:24Kaya ko rin bang pumasa ng cruise
08:26para sa iba?
08:28Mahirap di ba mga ka-wander?
08:31Pero sa bawat kamay na pilit
08:33na umaabot sa puon,
08:37bukod sa malalim na debosyon
08:39at pagsunod sa mga tradisyon,
08:43ang pagsasabuhay ng misyon
08:45ng ating Panginoon,
08:48ang nais ituro sa atin
08:50ang imahe ng Jesus Nazareno,
08:52ang pananampalatayang
08:55may kakambal na pagkilos.
08:57Ngayong Miss
09:19Ngayong Miss
Comments

Recommended