Skip to playerSkip to main content
  • 6 months ago
Sugatan ang tatlong estudyante matapos mabagsakan ng LED wall sa isang prayer rally sa Naga City na bahagi ng programa para sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Sino ang maaaring managot sa ganitong insidente? Alamin ang sagot sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, kahapon, ginunita po ang EDSA People Power Anniversary.
00:05At sa Naga City po, sa gitna ng prayer rally para dyan,
00:10tatlong estudyante ang nabagsakan ng lead wall.
00:14Sa video, makikita ang babaeng estudyante na naglalakad sa gilid ng lead wall.
00:20Maya-maya pa, bumagsak na ang lead wall
00:22at tinamaan ang nakatayong tent at ilang estudyante ang malapit dito.
00:27So, agad namang rumesponde ang mga medical personnel sa insidente.
00:31Inalis din ang mga organizer ang lead wall bago magsimula muli ang programa.
00:37Yan ang pag-uusapan natin ngayon.
00:39Ask me, ask Attorney Gabby.
00:49Attorney, ano ang sinasabi ng batas tungkol sa mga ganitong insidente
00:53sa mga pagtitipon lalo na at estudyante ang mga involved?
00:58Well, dahil ang mga lead wall ay hindi basta-bastang nahuhulog ng walang dahilan,
01:03masasabi natin na malamang merong naging pabaya sa mga pangyayaring tulad na ganito.
01:09At sa ilalim ng Article 2176 ng Civil Code,
01:13ang sino mang tao na nagdulot ng pinsala sa iba dahil sa pagpapabaya
01:18ay obligadong bayaran ang pinsalang nagawa.
01:21So, kailangan natin suriin kung sino ba ang may responsibilidad dito.
01:26Sino ang may duty of care?
01:28Ika nga, yung negligence o pagpapabaya at ang liabilidad para dito
01:33ay palagi din namang matter of time, place, and circumstance.
01:38So, masasabi natin maraming posibilidad.
01:41Halimbawa, ang unang titignan ay sino ba nag-install nito?
01:44May human error ba?
01:45Mali ang installation ng mga manggagawa.
01:48Hindi sinunod ang load-bearing instructions.
01:51Well, ang mga manggagawa at ang kanilang boss o employer
01:55ay maaaring managot dito dahil ang kanilang obligasyon ay solidarity o iisa lamang.
02:01Maaari ding habulin ang event organizer.
02:04Madalas, depende sa mangyayari,
02:06ang mga event organizer ay may posibleng pananagutan.
02:09Sila ang typically responsible para sa overall safety ng isang event.
02:14Baka nagtipid at hindi pumili ng magaling na service provider.
02:18Baka nagbigay sila ng utos o may pinagawa
02:20na sinunod lamang naman nag-i-install.
02:23Halimbawa, at ito ang naging dahilan kung bakit nahulog ang lead wall,
02:27well, in that case, maaari din silang managot.
02:29Sa ibang pagkakataon, pwede rin tingnan kung may pagkukulang
02:32ang may-ari o tagapamahala ng premises
02:34kung meron mang parabadong may-ari nito.
02:38Kung ang sanghi pala ng aksidente ay dahil sa wall o pader
02:43kung saan nakakabit ang lead wall.
02:44Halimbawa, mahina palang istruktura dahil hindi maintained.
02:49Maaari silang magkaroon ng pananagutan.
02:52Maaari din sabihin naman,
02:54naku, hindi naman namin kasalanan yan.
02:57Aksidente lamang yan.
02:59Pero ang isang bagay po,
03:00ay hindi maituturing na aksidente
03:02kung sinasabi natin,
03:04foreseeable o nakikita natin ang pangyayari
03:07pero nagkulang sa diligence para maiwasan ito.
03:11Tulad sa setup na nakita natin,
03:13open air,
03:14maaaring mahangin,
03:15tapos magtatayo na isang mabigat na lead wall.
03:18Kailangan talagang siguraduhin
03:20na hindi mahuhulog tilo
03:21dahil medyo obvious ang risk
03:24o posibilidad na mahuhulog
03:26at may mahuhulugan nga ito.
03:28So, hindi madali ang pag-aaral ng issue
03:31uko sa pagpapabaya
03:32at ang liabilidad para panagutan
03:34ang danyos o damages na kailangan bayaran.
03:37Pero definitely,
03:39meron dapat talagang managot
03:41dahil nga,
03:42hindi nahuhulog mula sa langit
03:44ang mga lead wall na tulad nito.
03:46At definitely,
03:48hindi ito kasalanan
03:49ng mga kawawang nasa ilalim nito
03:51nang ito ay nahulog.
03:53Bato-bato sa langit,
03:54ang tama ay huwag magali.
03:57Mga usaping batas,
03:58bibigyan po nating linaw
04:00para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:03huwag magdalawang isip,
04:05Ask Me,
04:05Ask Atty. Gabby.
04:09Wait!
04:10Wait, wait, wait!
04:11Wait lang!
04:13Huwag mo muna i-close.
04:14Mag-subscribe ka na muna
04:16sa GMA Public Affairs
04:17YouTube channel
04:18para lagi kang una
04:19sa mga latest kweto at balita.
04:21I-follow mo na rin
04:22ang official social media pages
04:24ng unang hirit.
04:26Thank you!
04:26O sige na!
04:30O sige na!
Comments

Recommended