00:00Kuno ang kalendaryo ng Senado sa mga panukalang batas na kailangan nilang talakayin at ipasa sa pagbabalik sesyon ngayong araw.
00:09Kasama naman sa pag-uusapan ay ang pagsasayayos ng party list system at ang anti-political dynasty bill.
00:16Si Luisa Elisque sa Setro ng Balita, live.
00:22Angelique, siksik ang unang araw ng pagbabalik sesyon dito sa Senado.
00:27Nakalatag na ang mga prioridad na panukalang batas na tatalakayin at ipapasa sa plenaryo.
00:36Matapos ang mahabang adjournment ng sesyon mula noong December 29 kung saan ipinasak ang panukalang pondo para sa 2026, balik sesyon na ulit ang Senado ngayong araw.
00:48Sabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, puno ang kalendaryo nila ng mga panukalang batas na tatalakayin at ipapasa.
00:54Ngayong araw, isa sa nakalinya para sa third and final reading ay ang Classroom Building Acceleration Program.
01:01Kasama ito sa LEDAC Priority Bills sa ilalim ng administrasyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:07Ito ang panukalang batas na magbibigay ng kapangyarihan sa LGU na gamitin ng national funds para magpatayo ng mga public schools.
01:15Nakalatag din para sa third reading ang panukalang batas para naman sa national health program laban sa systemic lupus at a national health service outreach program para sa senior citizens at indigent persons.
01:27May mga nakalinya rin amyendahan sa plenaryo.
01:31At isa sa isang buong linggo, maraming pag-uusapan o tatalakayin sa mga sesyon.
01:37Ayon naman kay Senate President Vicente Soto III sa isang panayang sa DWIZ News, isa rin sa priority nila sa pagbabalik sesyon ay ang pag-uusapan ng hinggil sa party list system.
01:50Sangayon din umano ang Pangulo na ayusin ito lalo na marami sa party list representatives ay mga kontratista.
01:56Mga sumasangayon siya sa amin na sinasabi ko na inabuso yung party list eh.
02:04Wala na yung walong marginalized sectors eh.
02:08Ang nangyari, mga isandaang sector yan, marginalized daw sila eh.
02:13Hindi naman tama yun.
02:1470% ng nakaupong party list sa Kongreso, magalit na sila kung magagalit sa akin.
02:20Puro kontratista.
02:20Inaasahan ngayong linggo, matatalakay na ito at isasabay din ang panukalang batas para naman sa anti-political dynasty.
02:30Matatandaang isinama ito ng Pangulo sa LEDAC Priority Bills noong nakaraang taon.
02:37Basta't bumapayag ang Pangulo, yan eh talagang ipapasaya.
02:44Pero dahil may mga isinampang impeachment complaints sa Kamara laban kay Pangulo at may posibilidad din na maghain laban naman kay Vice President Sara Duterte.
02:57Ayon kay Senate President Soto, mapipilitan silang mag-convene bilang impeachment court sakaling tumuntong ito sa Senado.
03:05Pero sisikapin nilang hindi ito makaapekto sa mga panukalang batas na kailangan nalang ipasa at talakay.
03:11Ia-adjust ko lang yun.
03:15Gawin kong alas 9 ng kumaga ang Senate session hanggang alauna and then 3pm ang impeachment court.
03:30Angelique, bagamat sinabi din ni Senate President Vicente Soto III na matatawag na nakakahiya na may dalawang impeachment complaint niya na inihahain ngayon
03:42laban sa dalawang pinakamataas na nasa posisyon sa pamahalaan ay wala silang magagawa kundi gawin o dinggin ito ng fort with o agad-agaran
03:52dahil ito nga ay nakasaad sa batas.
03:54Samadala mamayang 3pm naman, inaasahan ang simula ng sesyon dito sa Senado.
03:59Angelique.
04:01Alright, maraming salamat, Luisa Erispe.
Comments