00:00Ikinadismaya naman ng ilang kongresista ang pag-archive ng Senado sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:07Pero sa kabila nito, tiniyak ng Kamara na magpapatuloy ang kanilang laban para dito.
00:12Si Mela Les Mora sa Sentro ng Balita, live. Mela?
00:18Joshua, hindi patapos ang laban. Yan nga ang iginigit ng ilang kongresista matapos i-archive ng Senado ang Articles of Impeachment.
00:26Lubos na ikinadismaya ng ilang kongresista ang pag-archive ng Senado sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:37Ayon kay House Impeachment Prosecutor Joel Chua, hindi patapos ang laban at hindi sila magpapatinag,
00:44lalo pat may nakabimbin pa silang motion for reconsideration sa Korte Suprema.
00:49Sangayon din dyan si Akbayan Partili's Representative Percy Sendanya.
00:53Nakakahiya ang desisyon ng Senado patungkol sa impeachment complaint laban sa Vice Presidente.
00:59This may have delayed our hopes for accountability and justice, but it has not ended it.
01:06Sa dulo, hindi pa nakakataka si Vice President Sara Duterte sa kanyang mga pananagutan.
01:12Patuloy na magbabantay at maniningil ang taong bayan. Tuloy ang laban.
01:17Ang Makabayan Block naman, maghahain din daw ng bagong MR.
01:21Sasabayan din ito ng patuloy nilang pagkilos.
01:24Para sa Makabayan Block, magpafile tayo ng motion for reconsideration.
01:30Today ay i-efile na natin itong motion for reconsideration.
01:34At bukas ay physically i-file ito sa Korte Suprema.
01:39At sa Agosto 12 ay patuloy natin yung mga pagkilos ng mamamayan.
01:49Binigo na tayo ng Senado kagabi.
01:52Inunahan na nga ang Supreme Court.
01:55So saan patatakbo ang taong bayan na humingi ng pananagutan?
02:01Kaya nga, kailangang i-consider ito ng Supreme Court sa pagharap sa mga petisyon.
02:11Git naman ni ML Partylist Representative Laila de Lima.
02:14Hindi na naman siya nakatulog kagabi dahil sa ginawa ng Senado.
02:18Pero sang-ayon siya sa mga pahayag ng ilang legal luminaries na may pag-asa pa.
02:23I agree with what Justice Tony Carpio, former Justice Tony Carpio said na at least in-archive lang.
02:33So hindi na pwede basta-basta nalang i-dismiss ng Supreme Court o i-deny ng Supreme Court yung motion for reconsideration on the ground of being moot and academic.
02:43Kasi kung dinismiss, yun ang posibleng dahilan ng Supreme Court na i-deny yung motions for reconsideration on the ground of mootness.
02:53But since in-archive, so pwede pa to really resolve the motion for reconsideration.
03:01Joshua, sa ngayon ay nakabang naman tayo dito sa Kamara para sa iba pang panayam at press conference dito nga sa ilang kongresista
03:09para sa kanilang mga karagdagang reaksyon, hinggil nga sa nangyari sa Senado at yung sa mga magiging hakbang pa ng Kamara ukol sa impeachment.
03:17Joshua?
03:18Maraming salamat, Mela Les Moras.