00:00Iginit ng ilang kongresistang hindi dapat nakabatay sa political pressure o sabi-sabi
00:05ang anumang hakbang para sa isang impeachment complaint.
00:09Yan ang ulat ni Vel Custodio.
00:12Dapat suportado ng ebidensya at hindi lamang press release.
00:17Giit yan ni House Deputy Speaker Paulo Ortega V.
00:21Kasunod na pinaplano umanong impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:26Kaugnayan ang binanggit ni Caloocan 2nd District Representative Edgar Erize
00:31na may ilang mga kongresista ang susuporta umano sa impeachment complaint sa Pangulo.
00:36Ani Deputy Speaker Ortega,
00:38Anumang aligasyon ay dapat may kaakibat na makatotoha ng impormasyon, sworn statements at credible documentation.
00:45Susuriin na mababang kapulungan ang mga reklamo ng naayon sa konstitusyon at ebidensya.
00:50Aniya, itinuturing ang isang impeachment complaint bilang constitutional mechanism
00:55at hindi pang mumuliti ka.
00:58Ayon sa kanya, kagaya ng ibang opisyal ng pamahalaan,
01:01kinakailangan ng due process kung sakaling magkakaroon man ang impeachment laban sa Pangulo.
01:07Ayon naman kay Bataan 1st District Representative Tony Roman,
01:11walang bulong-bulungan o haka-haka patungkol sa pinaplano umanong impeachment complaint
01:16ng ilang mga kongresista laban kay Pangulong Marcos Jr.
01:20Walang bulungan sa hahanay ng mga congressman eh.
01:24This is just my personal take ano.
01:26I would rather focus on work.
01:29Focus on work that we need to do in Congress.
01:32This is legislate.
01:33Aniya, tibay na ebidensya ang magdidikta sa magiging kahihinat na na impeachment complaint
01:38kung sakaling mang may maghain nito.
01:40Gayunpaman, hindi yan hadlang sa sino man gusto mag-file ng impeachment complaint.
01:45In the end, yung lakas na isang impeachment complaint ay nakabatay sa ebidensya.
01:51Kung walang ebidensya, eh walang pupunta yung impeachment.
01:53Binigyang diin naman ni House Committee on Higher and Technical Education Chairperson Jude Asidre
01:59na ang anumang tangkang impeachment laban sa Pangulo
02:02ay dapat na mahigpit na nakabatay sa konstitusyon
02:05at hindi sa mga espekulasyon o naratibong may bahit ng politika.
02:09Ayon kay Asidre, kinakailangan tumugon sa mahigpit na pamantayang konstitusyonal
02:14at ebidensya ang impeachment sa Pangulo.
02:17Paglilinaw niya na walang formal na impeachment complaint na inihain
02:22o pinag-uusapan sa House of Representatives.
02:24Paalanan ni Representative Asidre na iwasan ang mga haka-haka
02:28at tumalakay lamang sa mga verifikadong dokumento at tamang proseso.
02:33Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments