Skip to playerSkip to main content
  • 7 weeks ago
Resolusyon para maging transparent at bukas sa publiko ang pagbalangkas sa National Budget, sumalang na sa Senate Plenary | ulat ni Daniel Manalastas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sumalang na din sa plenaryo na Senado ang resolusyon na layong gawing transparent at bukas sa publiko ang pagbabalangkas sa pambansang pondo.
00:08Giit pa ng ilang senador, kailangang matiyak na magiging tama ang paggamit sa pondo ng bayan.
00:14Si Daniel Manalasta sa Sentro ng Balita.
00:19Sumalang na sa plenaryo sa Senado ang resolusyon na kay layong maging mas transparent at bukas sa publiko ang pagbalangkas ng pambansang pondo.
00:27Si Sen. Sherwin Gatchalian ang tumayo sa plenaryo para sponsoran ang Senate Concurrent Resolution No. 4.
00:34Tinukoy ni Gatchalian na dalawang dokumento lang ang maaaring makita ng publiko sa pamagitan online.
00:40Ang National Expenditure Program o ang unang dokumento sa budget process at ang General Appropriations Act o ang naisabatas ng pambansang pondo.
00:48Sa itinutulak ngayon sa Senado, pati General Appropriations Bill na pinasa sa third reading at ang bicameral conference committee report ay i-upload na rin sa websites.
00:59Itinutulak din na i-upload maging ang iba pang mahalagan dokumento tulad ng mga transcripts sa mga deliberasyon.
01:05Sa madaling salita, ang nakikita ng ating mga kababayan ay yung unang bahagi ng budget process at yung huli.
01:12Hindi nila nakikita yung produkto ng bawat stage sa proseso.
01:16Dito nagkakaroon ng pagbabawas at pagdadagdag sa budget ng mga government agencies.
01:22Si Sen. Erwin Tulfo naniniwalang may isa sa katoparan ang mga direktiba ng Pangulo.
01:27Ang kapatid niyang si Sen. Rafi Tulfo may patama naman sa anya'y nangyayari sa dulo ng budget process.
01:56Gayun din ang plenary deliberations. Napapanood din po ng publiko. Bakit natin ginagawa ito?
02:04Dahil gusto natin makita ng publiko na pinahalagaan natin ang transparency.
02:10Kaya naman po, walang dahilan bakit sa dulo ng napaka-transparent na budget process ay magiging malihim tayo.
02:19Ang ilan pang senador na tumayo, iginit na nais nilang maiwasan ang maling paggamit ng pondo.
02:24Dahil napipinsala rito ang ilang sektor tulad na lang ng edukasyon, kalusugan at marami pang iba.
02:31Bilang kanilang mga kinatawan, tungkulin natin na siguruhin ang tapat, responsable at makabulwang paglalaan ng pondo.
02:38Kung wala tayong ginagawang mali, wala tayong dapat itago sa publiko.
02:42Kailangan natin magkaisa para sigurado na ang budget na inalaan sa 2026 ay tunay na para sa lahat ng Pilipino at para sa ating bayan.
02:51Inaasahan ngayong araw o sa mga susunod na araw, pagtitibayin ng mga senador ang resolusyon.
02:57Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended