Skip to playerSkip to main content
  • 4 minutes ago
Panayam kay Usec. Margarita Gutierrez ukol sa paglalagtag ng plataporma at solusyon sa nagdaang 2nd National Decongestion Summit at iba pang updates ng ahensya

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At bago tayo magtungo sa ating talakayan, humingi muna tayo ng updates sa Department of Justice mula kay Undersecretary Marge USEC.
00:07Naglatag ang DOJ ng mga platforma at solusyon sa nagdaang Jail Decongestion Summit para maibisan ang siksikan sa mga kulungan.
00:14Can you give us more details about this?
00:16Okay, tama ka dyan, Joshua.
00:18Pinangunahan ni Justice Secretary Frederick A. Vida ang pagbubukas ng Second National Decongestion Summit
00:24kasama ang mga leader ng Justice Sector Coordinating Council o JSCC
00:28na binubuo ng Korte Suprema, DILG at Department of Justice.
00:33Target ng programa na mabigyan ng kongkretong solusyon ang matinding siksikan sa mga kulungan
00:39sa pamamagitan ng diyalogo at koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno
00:44para makatulong sa pagbabagong buhay ng mga PDL.
00:48Aminado si Justice Secretary Vida na matagal ng hamon ang overcrowding at kakulangan
00:52ng mga pasilidad ng gobyerno para tugunan ang lumulobong populasyon ng PDLs
00:58pero sa determinasyon at pagsisikap ng kasalukuyang administrasyon
01:03naibsan ang overcrowding sa mga piitan ngayon at patutunayan ito
01:08ng mga statistics at report ng Bureau of Corrections.
01:11Sinamantala rin ni Secretary Vida ang pagkakataon para mailatag sa taong bayan
01:16ang mga reformang inilunsad ng DOJ mula sa unang National Decongestion Summit noong 2023
01:22kasabay ang pangako na mas pagbubutihin pa ang pagbuo ng mga polisiya
01:27at patakaran para sa mas matatag na criminal justice system sa bansa.
01:32Mga Yusek, pagdating naman sa usapin ng kalikasan, we heard na hindi titigilan ng DOJ
01:37at ang DNR, ang mga lumalabag sa batas. May kitalaman dito. Anong pong detay?
01:42Tama ka dyan, Joshua, no?
01:43Tagumpay ang tambalang Department of Justice at Department of Environment and National Resources o DNR
01:49laban sa mga umaabuso sa inang kalikasan.
01:52Ito ang ibinida ng DOJ matapos maresolba ang mahigit limangpong environmental cases
01:59na isinampa ng DNR sa Prosecutor's Office ng Aklan.
02:03At ayon sa DOJ, susi sa tagumpay nito ang pinalawig na koordinasyon ng mga prosecutors at DNR
02:10field personnel na nagpapalakas sa case build-up laban sa mga lumalabag sa batas ng kalikasan.
02:16Matatanda ang nagkaroon ng Memorandum of Agreement ang DOJ at DNR noong Pebrerong nakaraang taon
02:23na layang pagtibayin ang ugnayan ng dalawang ahensya para mas mabisang pag-usig sa environmental crimes.
02:30Nagbigay daan ang kasunduan sa mga serye ng training, workshop at matatag na sistema ng intelligence gathering
02:37para lansagin ang mga lumalabag sa batas ng kalikasan.
02:41Tiniyak ni Justice Secretary Frederick Vida ang kahandaan ng DOJ
02:44na protektahan ang kapaligiran hindi lang para sa kasalukuyang panahon
02:48kundi para sa kapakanaan ng mga susunod na henerasyon.
02:54Maraming maraming salamat, Yusek Marge, sa mga updates na ibigay mo sa amin mula sa Department of Justice.
02:59You're welcome, Joshua.
03:00Thank you, Yusek.
Comments

Recommended