00:00Sa gitna ng gumugulong na deliberasyon ng Bicameral Conference Committee o Bicam hinggil sa proposed 2026 national budget,
00:08ipinaalala ng isang House Leader na bukod sa pagpasa sa panukalang pambansang pondo, mahalaga rin ang mismong implementasyon nito.
00:17Kaya naman tiniyak nila ang patuloy na pagbabantay rito, lalo pat mainit ang usapin ngayon ukos sa transparency at accountability.
00:25Si Mela Lesmora sa Sentro ng Balita, live!
00:31Ngayong ibat-iba nga ang pananaw ng mga kongresista sa nagpapatuloy na paggulong ng deliberasyon ng Bicam hinggil nga sa proposed 2026 national budget.
00:42Sa ngayon, hindi pa matukoy kung hanggang kailan magtatagal ang Bicam pero malinaw ang target ng kongreso.
00:48Yan nga ay maratapikahan ang panukalang pambansang pondo bago magpasko.
00:53Ayon kay House Committee on Basic Education and Culture Chair Roman Romulo, masaya siya na isa sa mga binigyang prioridad sa deliberasyon ng Bicam
01:05So, ito ay mga binigyang prioridad sa Kameral Conference Committee o Bicam hinggil sa proposed 2026 national budget ang sektor ng edukasyon.
01:12Sa unang araw pa lang kasi ng Bicam, inaprubahan na nila ang halos isang trilyong pisong alokasyon para sa Department of Education at attached agencies nito.
01:21Sabi ni Romulo, bagamat mahalaga ang budget, dapat ay bigyang pansindin ang mismong implementasyon nito.
01:28Kaya't patuloy rin itong babantayan ng kongreso para matiyak na tunay na mapapakinabangan ng publiko ang inihatid nilang pondo.
01:36Pero kung si Acti Chair Spartelist Representative Antonio Tino naman ang tatanungin, may mga kakulangan pa rin siyang nakikita sa sistema.
01:44Kaya't hindi anya nila supportado sa makabayan block ang kasalukuyang budget bill.
01:48Nakapanayam ng media si Romulo Atino kasabay ng pagdinig dito sa Kamara ukos sa National Student Allowance Program Bill.
01:55Kung ano nga ba ito, pakinggan natin sa bahagi ng pahayag ni Congressman Romulo.
02:00Yung National Student Allowance Program na covered ng bill, ang gusto sana natin makabigay ng allowance sa bawat studyante sa basic education at sa tertiary level
02:10para masigurado natin na hindi maging balakid ang kahirapan na matapos sila.
02:14Ang issue na lang na naiiwan talaga, sino yung magpaprioritize ba tayo?
02:19Meaning, may mauuna ba at meron bang o sabay-sabay na lahat?
02:23Example, iko-cover na ba lahat-lahat yung both public and private?
02:28May mga pananaw, naunahin muna natin yung nasa DepEd schools natin kasi mas nangangailangan ng turo yun.
02:34Naomi, sa ngayon, bukod nga sa BICAM at mga pagdiniig dito, committee hearings dito nga sa Kamara, ay tuloy-tuloy rin yung plenary session.
02:42At inaasahan natin na bago magtapos yung taon, may mga ipapasa pa sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang Kamara, lalo na yung mga priority bills ng administrasyon.
02:52Naomi?
02:53Maraming salamat, Mela Alas Moras.