Skip to playerSkip to main content
  • 8 months ago
Aired (January 17, 2026): May damo pala na nabubuhay sa ilalim ng dagat at hindi lang basta halaman, maaari rin pala itong gawing masarap na putahe! Ano ito, saan matatagpuan, at paano ito inihahanda? Panoorin ang video.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Ito ay kulay verde, manipis at pahaba.
00:02Ito ay isang uri ng damo na nabubuhay lamang sa ilalim ng tubig nabang.
00:07Sa ngayon, bibihira na lang.
00:09Ang mga damong espesyal daw, hinuhugot ng mga lalaking ito sa sapa.
00:15Hindi lang nila ito kinakain.
00:18Ito rin ang kanilang kinabubuhay.
00:20Yan po yung mga isang pagkain, ulam na talaga namang nagsalba sa amin.
00:27Ito ang balayba.
00:28Bakit nga ba ito kakaiba?
00:37Ang balayba ay isang uri ng freshwater eelgrass o tapegrass.
00:41Isa itong namubulaklak na halamang tubig.
00:43Ang mga dahon ay pwede humaba ng mula 6 inches o kalahating ruler
00:47hanggang 6 feet o parang matangkad para tao.
00:50Karaniwang itong tumutubo sa ilog, sapa, lawa, palaisdaan at bunganga ng ilog.
00:55Dami mong alam, Kuya Kim!
00:56Sa iba't ibang parte ng Pilipinas, may iba't ibang pagbikas ng pangalan ng damong ito.
01:01Ilan dyan ang balayba, baliba o balyeba.
01:06Pero iba-iba man ang bigkas, nagkakaisa naman silang masarap itong lantakan.
01:09Tinatawag din itong buhok ti sirena o buhok na sirena
01:12sa hilagang bahagi ng Pilipinas kung saan ito saganang tubutubo,
01:16may mga banging isna raw kasi noon na napagkamanan itong anyong tao na may buntot na parang sirena.
01:21Ang dami mong alam, Kuya Kim!
01:28Dito sa Pangasinan, taabutan namin ang mga lokal sa isang sapa
01:32na parang ang lalalim ng hugot para makakuha pala ng balayba.
01:38Mahirap po siyang punin pag mataas po yung tubig.
01:42Di rin pong pambenta, pwede rin pong pangulat.
01:44Isa po sa hanap buhay po na kinagisna namin dito sa lugar namin.
01:48Ang lokal na si Harry, naisipang ipost online ang pambihiran dahon.
01:53Mmm, yun o. Ang sarap.
01:56Panahong 90s, nahihirap po ng buhay namin noon.
01:59Yan po yung mga isang pagkain, uulam na talaga namang nagsalba sa amin.
02:05Ngayon ang pangunguhan ng balayba, hindi lang panlamantyan nila Harry,
02:08kundi pinagkakakitaan din nila.
02:11Naibibenta mo na 50 hanggang 100 pesos ang kada tali ng balayba.
02:15Siso na lang daw ito kung tumubo, tuwing four months hanggang sa simula ng taon.
02:28Pagka ganong kalalim, binubunot po namin.
02:32Saka ang kinukuha lang naman kasi dito is yung pinakatalmos niya.
02:35The best daw itong kainin ng sariwa o kilawin.
02:39Kailangan po natin hugasan ng mabuti para kahit pa paano naman,
02:43i-malinis paglinuto natin.
02:50Kailangan lang natin tigahan ng kaunting asin para matanggal din yung kanyang gaspang
02:54at para lumambu naman.
02:55Pwede rin itong isahog sa mga ulat, katulad ng tinola
03:07at sinabaw ang isda.
03:14Masarap po siyang ngayain dahil crunchy.
03:20Malinamnam.
03:20Masarap po siya. Parang siwigs lang din.
03:28Kahit na mukhang green leafy vegetable ang palaiba,
03:31wala pang sapat na pag-aaral ang magsasabing mayaman ito sa fiber.
03:34It is high in phosphorus, it is high in calcium,
03:42it is also high in iron.
03:44Ang calcium is primarily for bone structure and also phosphorus.
03:50Pero yung phosphorus nakakatulong din siya sa healthy nerves natin.
03:54So kunwari sa mga aging people,
03:57ang balaiba nakatulong din para yung kanilang nerve ay maging maayos,
04:00hindi sila masyado manginig.
04:02Ang totoo niyan, may hugot din si Harry kung bakit niya pinost ang balaiba online.
04:07Sa totoo lang po, yung baliba po sa lugar namin,
04:10hindi na po ganun karami.
04:12Kung baga, paubos na rin.
04:14Kaya naisipan ko pong i-content.
04:16Para ma-refresh po sa isipan,
04:18mga bagong henerasyon,
04:20malalaman nila na mayroon palang pagkain ng ganun.
04:24Sa pag-share ni Harry tukul sa balaiba,
04:27na ipaalala niya sa atin na may mga simpleng yaman ng ating paligid na unti-unti na nating nakakalimutan.
04:33Mga yaman na magsasalba sa atin sa oras na pangangailangan.
04:38Kaya minsan,
04:38kailangan lang ng isang tao na magkwento
04:40para ang nakaligtaan ay muling mapansin ng buong mundo.
04:45Ang dami mong alam, Kuya Kim!
05:15Ang dami mong alam, Kuya Kim!
Comments

Recommended