Skip to playerSkip to main content
  • 13 minutes ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 29, 2025


- Presyo ng lechon sa La Loma, Q.C., tumaas
- Bentahan ng mga torotot, malakas na, ayon sa ilang nagtitinda
- Paalala ng animal welfare groups: Masama sa kalusugan ng mga hayop ang sobrang ingay ng pagsalubong sa Bagong Taon
- Provincial bus, sumalpok sa mga concrete barrier sa EDSA-Pasay Southbound | Ilang lane sa EDSA, hindi muna pinadaraanan dahil sa isinasagawang asphalt overlay
- Ilang kalsada sa Bunawan District, binaha dahil sa malakas na ulan
- Mga Pinoy, balik-sinehan ngayong holiday season para panoorin ang MMFF 2025 entries
- Ilang Kapuso celebrities, nagsimula nang mag-rehearse para sa "Kapuso Countdown to 2026!"


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Let's get started.
00:30Loma, ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.
00:33Simula pa po nung biyernes, mas tumasa ang presyo ng lechon dito sa Lechon, capital of the Philippines, Loma, sa Quezon City.
00:39Ang 4 to 5 kilos, mabibili na sa 12,000 pesos mula sa 11,000 pesos noong Pasko.
00:45Ang 6 to 7 kilos naman, 13,000 pesos na mula sa dating 12,000 pesos.
00:51Habang 11 to 12 kilos ay 17,000 pesos mula sa dating 16,000 pesos.
00:56Kung may budget, may mas malalaking lechon na 21,000 pesos to 23,000 pesos.
01:01Mabenta rin daw lalo na sa bisperas ng bagong taon ng per kilo na hindi naman gumalawang presyo sa 1,400 pesos.
01:08Sabi naman nagtitinda, may mga umorder na raw at nagpareserba para sa December 31,
01:12pero hindi ito kasing dami kumpara noong nakaraang taon.
01:15Tumaas daw ang presyo ng lechon dahil mas mataas ang demand ng baboy tuwing holiday season.
01:20May mga dagdagasos din simula noong Nobyembre na nagka-issue dahil sa African Swine Fever o ASF.
01:25Bawal ka tayo ng mga baboy sa lugar at bawal na rin mag-stack ng mga buhay na baboy.
01:30Matumal pa ang bentahan pero may ilang bumili na rin ng lechon para sa party nila ngayong araw.
01:38Same procedure pa rin.
01:40Tumakati tayo sa Sluter House.
01:42Then nag-stack tayo ng buhay sa Bulacan.
01:45Yon pa rin.
01:46Sa kailangan procedure natin, same pa rin.
01:49As mula noong nagsara tayo.
01:52Tapos ano ang pupitang?
01:53Dito last year, napas malakas.
01:55Ngayon medyo mahina.
01:57Kung last year nakakatayin tayo ng 300-400, ngayon siguro kalahati.
02:00Pampasaya yan sir.
02:01Tapos minsan lang sa isang taon nyo.
02:04Sagat-sagat na.
02:05Sa Malala Ivan, ganito na yung karaniwang sitwasyon ng mga tindahan na makikita mo dito sa Laloma.
02:15Kung dati po, marami-rami talaga yung mga niluluto nila tuwing umaga.
02:18E bawas na po yan.
02:19Dahil nga dun sa tuman ng bentahan ng lechon.
02:22At meron po ilang mga mamimili na tayo na naabutan ngayong umaga dito.
02:26Yung iba ay umorder para sa party nila ngayong araw.
02:29Meron din namang iba na nag-i-inquire kung magkano yung presyo at ang kapareserba para sa bisperas ng bagong taon.
02:36Yan ang unang balita.
02:36Mula po rito sa Quezon City.
02:38Ako po si James Agustin para sa JMO Integrated News.
02:42Malakas na kayo ng bentahan ng Torotot.
02:45Lalo na marami raw umiiwas na sa mga paputok.
02:47Mula sa Maynila.
02:49Ngayon ang balita live si EJ Gomez.
02:52EJ.
02:56Ivan, good morning.
02:57Tatlong araw na nga lang ay bagong taon na.
03:01Sa pagsalubog natin sa taong 2026,
03:04pwedeng mag-ingay ng hindi gumagamit ng mga paputok.
03:07Mayroong mura at makulay na pwedeng paingayin.
03:10Gaya na lang ng mga Torotot.
03:18Tabi-tabi ang mga tindahan ng mga Torotot sa Taboras Street sa Divisores sa Maynila simula pa nitong December.
03:23Ang tinderang si Helen, labil limang taon na raw nagtitinda ng Torotot.
03:28Malakas daw ang bentahan itong nakaraang linggo.
03:31At ngayong mas papalapit na ang pagsalubong sa bagong taon.
03:34Mas maganda po yung benta namin kaysa nung nakaraang taon.
03:37May mamimili kami na marami kumuha.
03:39Misa ang boltuhan.
03:40Mga ilan po?
03:41Misa mga 15 pieces na bag na ganito.
03:45Iba-iba nga lang po ma'am.
03:47Iba-ibang klase.
03:48Misa kumukuha po sila ng mga 300 pieces.
03:50Ang magpipinsa ni si Maylin, galing pa ng siya on Quezon.
03:55Sulit daw ang kanilang biyahe dahil...
03:58Mas mura po dito.
04:00Marami siyang pagpipilian.
04:02Yung pong bibilhin po namin ay mahigit isang libong peraso.
04:05Nakakatawad naman po.
04:07Alas tres naman ng madaling araw, bumiyahe ang pamilya ni Maylin mula sa probinsya.
04:11Bultuhan din ang binili niyang mga Torotot.
04:14Galing po kami sa Imus, Cavite.
04:17Bakit dito po sa Divisoria namili?
04:19Mura.
04:19Ang binili ka po ay mga 200 piraso.
04:23Dito sa Divisoria, nasa 10 pesos lang ang pinakamurang Torotot.
04:27May mga Torotot na may characters na mabibili sa 50 pesos kada piraso.
04:31Ang Jambo naman, nasa 75 pesos hanggang 100 pesos.
04:35Kung wholesale o maramihan naman ang bibilhin,
04:38ang presyo nasa 5 pesos lang hanggang 45 pesos kada piraso depende sa uri at laki.
04:43May mga Torotot din na gawa sa plastic.
04:46Nasa 20 pesos yan hanggang 100 pesos.
04:49May airhorn din na 50 pesos hanggang 70 pesos.
04:52Kung wholesale, mabibili lang ng kalahati ng retail prices.
04:56Sa pagpasok ng 2026, dapat daw talaga umiwas sa paputok at magtorotot na lang.
05:02Mas maganda po sa mga bata ang Torotot para po iwas aksidente na rin po.
05:07Safe po sa mga bata.
05:08Siyempre, para iwas paputok.
05:10Mga hindi maputokan naman yung mga bata.
05:12E ito ang solusyon sa mga bata na hindi dapat maputokan.
05:18Mura pa, no?
05:19Mura pa.
05:19Iban, yung nakikita nyo ngayon, yan yung actual na eksena dito sa kahabaan ng Taboras Street.
05:31Yung mga namimele, maaga pa lang, no?
05:32Nandito na sila sa Divisoria.
05:34At yung iba dyan ay galing pa ng kanika nila mga probinsya.
05:38Itong mga nagtitina dito ng Torotot, magdamaga na yan.
05:41Meron dito sa kahabaan ng Taboras Street, pati doon sa May Commercial Street.
05:45Yan ang unang balita mula po dito sa Divisoria sa Maynila.
05:48E.J. Gomez, para sa GMA, Integrated News.
05:54Muling nagbabala ang mga animal lover at animal welfare group para sa ligtas sa pagsalubong sa bagong taon.
06:00Ang ingay rao sa pagsalubong sa bagong taon, malaki ang epekto sa kalusugan ng mga hayop.
06:05May unang balita si Von Aquino.
06:13Ang maingay na pagsalubong sa bagong taon, stress ang dulot sa mga hayop.
06:18Lalo na sa mga alaga.
06:19Ayon sa isang veterinaryo, mas malakas ang pandinig na mga hayop tulad ng aso at pusa kaysa tao.
06:26Kaya higit pa sa gulat ang pwedeng idulot sa kanila ng mga pagsabog.
06:30Nagtitremble sila, nangihinig, naglalaway, hingal na hingal po sila, yung iba nagtatago, yung iba naninigas na lang, yung iba sobrang aligaga.
06:41And then dahil nga sobrang aligaga nila, gusto na nila pong tumakas.
06:45Iba naman po, pag may underlying na viral condition, nagmumutate yung virus sa kanilang katawan kapag na-stress sila.
06:53Delikado rin sa mga hayop ang mga kemikal na taglay na mga paputok.
06:57May taglay na heavy metal na yung sabi, may toxic ito.
07:01Bukod dun sa pulbura, humahalo sa hangin yung harmful effects nito.
07:08Kaya muling ipinanawagan ng mga animal lover ang pag-iwas sa pagpaputok sa bagong taon.
07:20Paulit-ulit na panawagan ng mga environment at animal advocates,
07:24wag sanang isangkalan ang kalikasan, kalusugan ng mga tao maging ng mga hayop,
07:29para lang sa panadali ang kasiyahan sa darating na pagdiriwang ng bagong taon.
07:34Diba?
07:35Kung mag-iingay na lang, magpupuk na lang tayo ng kaldero natin, magtorotot.
07:41Sa community namin, nag-anak kami ng awareness na yun na nga,
07:47kung may iwasan natin dito sa area natin na huwag na tayo magpaputok.
07:51Ang ilang pet owners, sinusunod ang payo ng mga eksperto na huwag palabasin ang mga alaga.
07:56Tinatago sila sa loob ng kwarto. At the same time, nilalagyan na lang namin ng music.
08:01I-open sana namin yung gate namin for mga street dogs. Pwede silang pumasok. Walang kasi kawawa din naman.
08:08Nung second year na medyo ano pa siya, ikka-second year, bumili lang ako ng earmuffs.
08:15So yun ang medyo nakatulong sa kanyang.
08:18Bukod sa earmuffs, pwede rin suotan ang mga alaga ng coming wrap para tila niyayakap sila at mabawasan ang kanilang takot.
08:26Mag-start tayo, i-wrap yung chest. So mag-start tayo dito. Ika-cross natin sa back. Tapos we go around the girth.
08:38Hopefully, umabot siya.
08:43Okay. So ikot lang natin around the girth.
08:51Makailang beses. Kailangan nito mahigpet.
08:57Mahigpet enough na snog talaga siya, nakadikit talaga sa aso.
09:02Pero hindi naman to the point na hindi na makahinga yung aso natin.
09:05Ito ang unang balita. Von Aquino para sa GMA Integrated News.
09:16Mabigat na nga ang trapiko dahil sa ETSA Rehabilitation.
09:20Dumagdag pa sa problema ang pagsalpok ng isang provincial bus sa mga concrete barriers sa Pasay.
09:27Update tayo sa sitwasyon dyan live mula sa Pasay City.
09:29May unang balita si Bam Aleve. Bam, kumusta na ang sitwasyon ngayon dyan?
09:35Maris, good morning. Masigip. Andaloy ng trapiko ngayon dito sa ETSA Pasay Southbound.
09:41Bukod kasi sa isinasagawang ETSA Rehabilitation,
09:44meron pang isang provincial bus na sumalpok sa mga concrete barrier dito malapit sa naia flyover.
09:50Sa mga oras na ito ay nahatak na itong provincial bus nga na naaksidente dito sa bahaging ito ng ETSA Pasay Southbound.
10:00Ito ay wasak ang harapan dahil inararo ang sham na concrete barrier bago umakyat ng flyover patungong naia.
10:07Nasira rin ang fuel container nito na may labang diesel at sumaboy doon sa pinangyarihan na aksidente.
10:12Kaya yung MMDA ay naglagay ng kusot sa paligid nito para maabsorb ito.
10:17Nagmula ang bus sa Bolinaw, Pangasinan at ayon sa bus maintenance staff na nag-aasikaso sa towing nito,
10:23ginit-git daw sila ng isang kotse.
10:25Bago ang aksidente nito, limitado lang din ng mga lane na maaaring gamitin ng mga motorista.
10:30Isinasagawa kasing ngayong holiday break ang ETSA Rehabilitation mula bahagi ng ETSA sa Orense, Makati hanggang sa Pasay.
10:36Sa magdamag, hindi accessible sa mga motorista ang innermost lane ng ETSA na nakalaan para sa ETSA bus lane.
10:42Sa mga bahagi yan, Magallanes, Ayala at Bago Maguadalupe sa ETSA northbound.
10:46Isinasagawa rito ang asphalt overlay.
10:49Sa ETSA southbound din, ganito rin ang sitwasyon, particular sa bahagi ng Buendia, Ayala, Magallanes at Bago Magrojas Boulevard.
10:56May mga heavy equipment din na naka-standby sa lugar.
10:58Pakinggan natin yung bus maintenance staff kanina nag-aasikaso ng towing nitong provincial bus.
11:02Maglit-git daw sila ng isang kotse.
11:08Kaya nakapunta sila dyan. Madilim parte dyan eh.
11:17So Maris, kahit naialis na rito sa pinangyariyan na aksidente yung provincial bus, ganito pa rin yung sitwasyon ng traffic sa ating likuran.
11:24Makikita ninyo naman, mas-skip na ngayon.
11:27At ito ay may bottleneck din kasi lalo dun sa may area na yun, papunta pa further bago Magrojas Boulevard.
11:32Ito ang unang balita mula rito sa Pasay Bama Legre para sa GMA Integrated News.
11:37Binahang ilang lugar sa Davao City nitong weekend.
11:40Nagbistulang dagat ang kalsadang yan sa Bunawan District kasunod ng malakas na ulan.
11:46Pahirapan ang pagdaan ng maraming mga motorista.
11:49May ilang sasakyan tumirik dahil sa taas ng tubig.
11:52Marami rin ang stranded.
11:54Ayon sa pag-asa Easterlies, ang nagbuhos ng ulan sa Davao City at iba pang bahagi ng Mindanao.
12:08Kilig ang hatid sa fans na nananood ng romantic film na Love You So Bad
12:12saka nakabilang sa mga kasali sa 2025 Metro Manila Film Festival.
12:16Patok din sa Pinoy fans ang iba pang pelikula sa MMFF.
12:19May una chika si Athena Imperial.
12:22Balik sinihan ang maraming Pinoy ngayong holiday season.
12:27Ayon sa ilan naming nakausap, isa ito sa Christmas traditions na ginagawa nila
12:32para masulit ang pagsasama-sama ng pamilya ngayong Kapaskuhan.
12:36Pelikulang Pilipino raw ang kanilang pinanood.
12:40Mas naiintindihan mo, mas nararamdaman mo yung pelikulang pinanood mo.
12:44Kasi kauuhin niya lang galing ibang bansa.
12:47Gusto niyang mapil yung presents na Christmas.
12:50Na-miss niyo po ba yung mga pelikulang Pinoy?
12:52Oo, na-miss ko lalo. Kasi sa abroad, wala namang palabas na Pilipino.
12:56Ano yung family bonding po namin talaga.
12:58Taon-taon namang talaga ito lang yung ginagawa.
13:01Ayon kay MMDA and concurrent overall MMFF Chairman Atty. Romando Artes,
13:07ang unang araw ng screening na mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival,
13:11patok na agad sa takilya.
13:13Lahat ng pelikula, yung walong pelikula, naka more than 1 million.
13:19Na never nangyari sa history ng MMFF.
13:23Ang mga manonood na ito, kinilig sa romantic film na Love You So Bad,
13:28na pinagbibidahan ng PBB batchmates na sina Will Ashley, Bianca Rivera at Dustin Yu.
13:35Nalito raw sila kung Team Savick sila o Team Love Van.
13:39Oo, nakakilig naman talaga siya para sa mga teenager.
13:41Parang naging teenager natin ako.
13:44So ano, super effective po kasi both po talaga meron pong ano,
13:47kilig na ano, in a different way yung both na Savick and Love Van.
13:52Sulit na sulit daw ang pananood, lalo't matutunan mo rin unahing kilalanin ang sarili.
13:57At the end of the day, natutuwa ako kasi yung pagmamahal pa rin sa sarili yung pinili ni Yes.
14:03Laking pasasalamat naman ang mga bida ng pelikula sa mga natatanggap na papuri sa kanilang pag-arte.
14:10Sobrang nakakataba po ng puso na nagustuhan talaga nila yung pelikula.
14:14Hindi lang po siya tungkol sa pagmamahal sa isang tao, ito rin po ay para sa family.
14:20Papasaya sa akin ngayon is yung na-achieve namin yung isa sa mga goals namin,
14:24which is yun nga, malito sila kung sino ipiliin talaga.
14:28I'm very grateful na nagustuhan nila yung movie.
14:29Natutuwa rin ako kasi parang nabubuksan yung mata nila into loving themselves more
14:35before actually opening their hearts into new loves or getting into new relationships.
14:44Ito ang unang balita, Athena Imperial, para sa GMA Integrated News.
14:49Ang nagsimula na po ang rehearsals ng ilang kapuso celebrities para sa inaabang ang kapuso countdown to 2026.
14:57Getting ready na sa kanilang cool moves ang ilang sparkle at kapuso celebrities.
15:01Kabilang sa mga magpe-perform ang magkapatid na Braver at Rodron Cruz.
15:05Kasama din ang dating PBB housemates na sina AZ Martinez, Vince Maristela at Lee Victor.
15:10Sa December 31 na yan, till past midnight sa SMOA Seaside Boulevard.
15:15Libri po ang admission.
15:17Mapapanood din ang kapuso countdown to 2026 sa GMA at official kapuso online platforms.
15:24Ganda yan!
15:25Gusto mo bang mauna sa mga balita?
15:28Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended