- 4 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 25, 2025
-Ilang kabataang nagpaputok sa pagsalubong ng Pasko, sinita ng Barangay; Ilang residenteng nagreklamo, nangambang baka pagmulan ito ng sunog
- Libo-libong turista, sinalubong ang Pasko sa Boracay; Nag-enjoy sa iba't ibang water activities / Pagsalubong sa Pasko sa Boracay, naging makulay at maingay dahil sa mga party at pakulo sa isla
-Mga bato mula sa bundok, gumuho at humarang sa bahagi ng Mountain Province-Cagayan-Tabuk Road
-Mga paninda, performances at iba't ibang atraksyon, tampok sa taunang Christmas Bazaar sa Baguio City
-Mga turista, maagang pumunta sa Tagaytay para magdiwang ng Pasko
-Misang idinaos sa Cebu Metropolitan Cathedral at Basilica Minore del Sto. Niño, dinaluhan ng mga mananampalataya
-"Panunuluyan," isinagawa sa Catholic Church of Samal sa huling araw ng simbang gabi
-Computer animation ng pag-iikot ni Santa Claus sa ilang bahagi ng mundo, inilabas ng North American Aerospace Defence Command
-Away-kalsada ng mga sakay ng 3 sasakyan sa Riverbanks Ave., nag-ugat sa gitgitan sa parking lot
-Litrato ng kumpol ng mga bituin, nakunan ng webb space telescope
-Libo-libong turista at Palestinian, dumagsa sa Manger Square para sa Pasko
-SWS Survey: 68% ng mga Pilipino, naniniwala na magiging masaya ang pagdiriwang nila ng Pasko
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
-Ilang kabataang nagpaputok sa pagsalubong ng Pasko, sinita ng Barangay; Ilang residenteng nagreklamo, nangambang baka pagmulan ito ng sunog
- Libo-libong turista, sinalubong ang Pasko sa Boracay; Nag-enjoy sa iba't ibang water activities / Pagsalubong sa Pasko sa Boracay, naging makulay at maingay dahil sa mga party at pakulo sa isla
-Mga bato mula sa bundok, gumuho at humarang sa bahagi ng Mountain Province-Cagayan-Tabuk Road
-Mga paninda, performances at iba't ibang atraksyon, tampok sa taunang Christmas Bazaar sa Baguio City
-Mga turista, maagang pumunta sa Tagaytay para magdiwang ng Pasko
-Misang idinaos sa Cebu Metropolitan Cathedral at Basilica Minore del Sto. Niño, dinaluhan ng mga mananampalataya
-"Panunuluyan," isinagawa sa Catholic Church of Samal sa huling araw ng simbang gabi
-Computer animation ng pag-iikot ni Santa Claus sa ilang bahagi ng mundo, inilabas ng North American Aerospace Defence Command
-Away-kalsada ng mga sakay ng 3 sasakyan sa Riverbanks Ave., nag-ugat sa gitgitan sa parking lot
-Litrato ng kumpol ng mga bituin, nakunan ng webb space telescope
-Libo-libong turista at Palestinian, dumagsa sa Manger Square para sa Pasko
-SWS Survey: 68% ng mga Pilipino, naniniwala na magiging masaya ang pagdiriwang nila ng Pasko
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00.
00:06.
00:08.
00:10.
00:12.
00:14.
00:16.
00:18.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:34.
00:36.
00:38.
00:40.
00:42.
00:44.
00:46.
00:48.
00:50.
00:54.
00:56.
00:57.
00:59.
01:01.
01:03.
01:05.
01:07.
01:09.
01:11.
01:13.
01:15.
01:16.
01:17.
01:25Yung mga anak po nila, gabayan nila, lalo na sa pagpapaputok kasi po hindi natin maiwasan ng aksidente o disgrasya.
01:32Ayon sa Manila Police District, hindi pwedeng magpaputok kung saan saan lang base sa Executive Order No. 36 ng Maynila.
01:40Pinapayagan lang ang paputok at pyrotechnic devices sa mga community fireworks display na may kaukulang permit mula sa lokal na pamahalaan.
01:47Nagpaalala naman si Mayor Esco Moreno sa publiko na iwasan ang paggamit ng paputok para aniya masiguro ang kaligtasan ng publiko ngayong Pasko at bagong taon.
01:58Ito ang unang balita.
02:00Beya Pinlak para sa GMA Integrated News.
02:04Daging makulay at maingay ang pagsalubong sa Pasko sa Boracay Island na binisitan ng libulibong turista.
02:11Live mula sa Malay Aklaan, may unang baliba si John Sala ng GMA Regional TV.
02:15John!
02:45Libu-libong mga turista ang piniling magpasko sa isla ng Boracay.
02:52Dito lang linggo hanggang lunes, may average na 7,000 turista kada araw ang naitalang tumawid sa isla ayon sa Jetty Port Management at nadagdagan pa ito kahapon.
03:03Pagdating pa lang sa Kagban Port, mapapaindak na ang mga turista sa tugtog ng drums and pliers ng sikat na ati-atihan ng probinsya.
03:10Ang ilang turista, first time rao sa Boracay, gaya ni Mark na mula pa ng Russia.
03:17Many people told me about Boracay. This is the most beautiful place on the Philippines.
03:24Excited rin si Maria na magpasko sa isla.
03:26Sabi nila, mas masarap daw dito. Tsaka talagang yung bakasyon namin dito eh, baka kakaiba naman.
03:37Syempre, Pasko, kaya buong pamilyang isinama ni Marifel. In-enjoy nila ang malinis na tubig dagat at white sand beach.
03:45I came here with my family all the way from Beijing. Naisipan namin na pumunta dito because, number one, mas affordable yung fare compared to other destinations in the Philippines.
04:00Ayon, tapos easy access din sa mga activities especially for a family with kids.
04:05Ilan lang sa water activities na patok sa mga bisita ay ang paddle boarding, para sailing, parao sailing at mananabot.
04:15Syempre, naging makulay, masigla at merry ang Christmas night sa isla ng Boracay dahil sa kaliwat ka ng parties at pakulo ng mga establishmento.
04:23Sa ilang restaurants at bars, alasantas helpers ang costume ng mga staff.
04:29Syempre, hindi mawawala ang inaabagang fire dance.
04:33May mga piniling mag-early noche buena habang nanonood ng fire dance.
04:38Kasi sir, binibisita talaga yung Boracay sir. Kasi yung meron po tayong fire dancer dito po sa Boracay, sa VHAB.
04:46Bali, lahat po ng international, local, binibisita talaga po dito.
04:51Hindi lang mga establishmento ang may mga pakulo, pati rin syempre ang mga turista.
04:57Ang pamilya ni Simon mula United Kingdom, nakasuot ng costume ni Santa Claus.
05:02It's a Christmas experience for them which will be videoed and hopefully watched in years to come.
05:07It's such a wonderful place to come to. The Philippines, Boracay.
05:11May acoustic band naman na humarana sa mga turista by the beach.
05:15Igan, inaasahan na ngayong araw ay mas dodoble pa ang mga turistang mag-Christmas break dito sa isa ng Boracay.
05:26Inaabisuhan naman ng LGU ang mga turistang naliligo sa dagat at nagbabonding dito sa beachfront area na Claygo o Clean As You Go.
05:34At huwag lang itapon kung saan-saan na kanila mga basura.
05:36Yan ang latest mula dito sa isa ng Boracay. Balik sa inyo dyan, Igan.
05:40Maraming salamat, John Sala na GMA Regional TV.
05:45Sarado po ang ilang kalsada sa Mountain Province. Ito ang besperas ng Pasko.
05:49Patuloy kasi ang uti-unting pagguho ng mga batong yan sa bahagi ng Mountain Province, Cagayan Tabok Road.
05:55Bumubulusok din pababa ang mga limestone rock.
05:58Ayon sa DPWH Cordillera, tuloy-tuloy ang clearing operation sa lugar.
06:02Pinapayuhan muna ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta.
06:10Pasayang sinalubo ng ilang mag-anak ang Pasko sa iba-ibang bahagi ng Luzon.
06:14Sa Baguio City, kabi-kabilang atraksyon din ang pumatok sa mga namamasyal.
06:19Live na lang sa Baguio City, may unang balita si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
06:25Sandy, ano ng temperatura dyan ngayon?
06:27Happy Holidays, Igan!
06:33As of 7am dito sa Baguio City ay naglalaro na nga sa 16-17 degrees Celsius ang temperatura.
06:40Kagabi ay merry-mery naman ang naging selebrasyon ng Pasko dito sa syudad
06:44dahil sinalubong ito ng kaliwat ka ng mga fireworks display sa kalangitan.
06:49Maliban sa mga pasyalan sa Baguio City, isa rin sa mga must-top na mga bumibisita sa City of Pines
06:59ang taon ng Christmas Bazaar sa Rose Garden ng Burnham Park.
07:03Taon-taon din nag-iiba ang tema at mga paandar na mga nagbebenta rito.
07:08Sa Christmas Bazaar, hindi lang mga chan ang mabubusog
07:11dahil pati ang inyong mga mata, maaaliw sa kaliwat ka ng showstopper performances.
07:18May mga nag-alamatrix, singing performances, at marami pang iba.
07:23Ang mga bata, excited din nakipaglaro at nakipagpicture sa mga life-size mascot.
07:29Pagkatapos ng food treat, nakaabang na rin ang ilan para sa pagsalubong ng Pasko.
07:34At habang naghihintay, nabutan namin ang ibang pamilya, couples, at magbabarkada na tilang nag-early handaan na bago pa man ang Noche Buena.
07:44Mag-aalas 8 rin ang gabi, may mga maaga nang nagpailaw ng kalangitan sa pamamagitan ng fireworks display.
07:52Dumagsa naman ang mga deboto sa Christmas Eve Mass sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City.
07:59Bago ang misa, nagsagawa muna ng reenactment ng nativity scene ang ilang kabataan.
08:05Ang pamilya ng Dagupenyo si Julito sa masamang dumalo sa misa.
08:09Ang misa, tapos kunting andalang, salo-salalang, kunting andalang, hindi naman masyadong mag-aralang.
08:15Sana malasog kami lang. Tapos dito lang, yung disabayan natin yung mga walang bulog. Tapos malayo kami sa sakin.
08:26Pinangunahan ni Archbishop Socrates Villegas ang misa.
08:31Sa kanyang homily, binigyang diin ang arsobispo ang totoong kahulugan ng Pasko, kung saan, nagkatawang tao si Jesus para si San Libutan.
08:40Kailangan nating alagaan ang katawan ng tao.
08:44Halimbawa, dahil minahal tayo ng Diyos,
08:47Ang tunay na nagmamahal ay hindi pumapatay, hindi nagnanakaw, hindi nagsisinangwaling,
08:55sapagkat yung pagnanakaw, pagsisinangwaling, paluloko sa kapwa-tao, ay taliwas sa mensahe ng Pasko.
09:04Napuno naman ng saya ang pagsalubong ng Pasko ng mag-anak na Lopez Sakalasyo, Pangasinan.
09:10Bukod sa simpleng salusalo, enjoy rin ang mga bata sa mga inihandang palaro.
09:15At syempre, hindi mawawala ang exchange gift, kung saan, bawat niyembro ng pamilya ay nakatanggap ng regalo.
09:23Isa raw ito sa ipinapasalamat ng balikbayan at seafarer na si Raul Lopez,
09:28ang magdiwang ng Pasko na kasama ang buong pamilya.
09:31Being a seafarer, ito ang pinakamaligayang pagkakataon para sa amin, mga seafarers,
09:39kasi nga, I will spend my Christmas to my family, di ba? Or even New Year.
09:46Igan, pagkatapos nga ng pagsalubong ng Pasko ay nakagala mode on naman ngayon ang ating mga kapuso
09:58para samantalahin ang long vacation at habang maaliwalas pa ang panahon ngayong umaga dito sa Baguio City.
10:04Yan muna ang mga latest mula rito. Balik sa iyo dyan, Igan.
10:07Maraming salamat, Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
10:11Maaga naman umakyat sa Tagaytay ang mga turista at kanilang mga kaanak para doon magdiwa ng Pasko.
10:19At may unang balita live si James Agustin.
10:22James, gaano naman ka lumig dyan?
10:24Ay, ginaw na ginaw, oh.
10:28Maris, good morning at Merry Christmas.
10:30Nasa 23 degrees Celsius yung temperatura dito sa Tagaytay City ngayong umaga
10:35at ramdam na ramdam yung malamig na panahon.
10:38Kanina, kahit hindi pa bukas po yung mga sikat na pasyalan dito,
10:40maraming mga turista na nagtungo na dito kanina madaling araw para dito ipagdiwang ang Pasko.
10:46Ang iba, galing pa nga po sa mga malalayong lugar.
10:50Hindi pa man bukas ang picnic grove sa Tagaytay,
10:53pila na ang mga sasakyan ng mga turista na dito magdiriwang ng Pasko.
10:56Si Dennis kagabi pa nagtungo rito kasama ang kanyang mag-anak at mga pamangkin.
11:01Galing silang kalookan.
11:02Madaling puntahan, at yung ibang lugar kasi sobrang traffic.
11:07Eto, sobrang lamig po.
11:10Kahit naka long sleep ko na, sumatagos eh.
11:17Maaga rin ang buong angka ni Bong na bumiyahe mula sa Muntinlupa.
11:21Daladalan nila ang mga pagsasaluhang pagkain.
11:23Bahagi na raw ito ng tradisyon ng kanilang pamilya.
11:26Feel na feel mo yung pagka-desembre kasi ang ganda ng simoy ng hangin.
11:30O malamig ang simoy ng hangin, saka ramdam na ramdam mo yung Pasko talaga.
11:36Ay kasama yung mga pamilya, mga kaibigan.
11:40Dito rin pinili ni Norman at kanyang mga kaanak na magdiwang ng Pasko.
11:43Inagahan na raw nilang biyahe dahil siguradong maraming turista mamaya.
11:47Gusto rin po namin mauno sa parking kasi medyo mamaya punuan na talaga siya.
11:54Kahit paano, yung lamig dito, ano rin, nalalangkap mo rin ng medyo sariwa rin talaga.
12:02Like bagyo, parang style bagyo na rin kasi dito.
12:06Alas dos naman na madaling araw umalis sa Angonuriza si Jen.
12:09Kasama ang kanyang boyfriend para maaga rin makapag-enjoy sa Tagaytay.
12:12Naisip lang po namin kasi po malamig. Magta-try lang po namin yung picnic groove.
12:18Tapos after po nun, kakain lang po. Tapos uwi na po kami.
12:22Hindi po kami maabutan ng traffic.
12:25Third wheel sa magkasintahan ang kanilang kaibigan na si Richard.
12:28Malamig po eh. Dito lang po nagpahain lang po. Kasi stress din po eh.
12:34Pilari ng mga sasakyan paakyat ng People's Park in the Sky.
12:37Maaga ang mga turista. Gaya ng magkakaibigan ito na galing pang Santa Cruz, Laguna.
12:42Nagka-ayal lang po. At maganda daw po yung pasyalan dito eh.
12:47Sa lamig ng panahon, mabenta ang taho. Lalo na ang strawberry flavor.
12:52Nangangalahati ng antinda ni Nelson Pasadola 5 pa lang ng umaga.
12:55Kapasko talaga ngayon. Araw ng Pasko eh. Marami talaga ang mga masyal.
13:00Talagang maywasan mong mawalang na ano man lang na makakabinta naman. Kahit kunti naman.
13:04Samantala Maris, ito yung sitwasyon dito sa labas ng People's Park in the Sky.
13:14Walang pati yung pagdating ng mga turista dito.
13:17At may mga nagsiselfie po dito. Magkakaibigan yan. Mga magkakamag-ana.
13:21At ito pong People's Park in the Sky ay bukas kaninang alas 6 ng umaga hanggang mamayang alas 7 ng gabi.
13:27Alasahan na po ng mga kapuso natin yung matinding traffic dito sa Tagaytay City sa dami ng mga turista na nakita natin sa mga pasyalan dito sa lugar.
13:34Yan mo na po yung latest. Mala po dito sa Tagaytay City.
13:37Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
13:40Kahit puyat sa Noche Buena, nagsimbat, dumalo sa Misa de Aguinaldo, mga Cebuano, sa dalawang malalaking simbahan doon.
13:48Live mula sa Cebu City, may unang palita si Alan Domingo ng GMA Regional TV.
13:54Alan?
13:57Malipa ang Pasko, Igan. Mapayapang ipanag-diwang ng mga Cebuano ang Pasko.
14:03Simula kagabi sa pamagitan ng Misa de Aguinaldo.
14:07Isang Misa rin ang ipinagdaos dito sa Cebu, Metropolitan Cathedral at sa katabing Basilica Minor del Santo Niño.
14:16Kahit po yata mga tao sa pagsalubong ng Noche Buena, nagsimba pa rin ang ilan na hindi nakapagsimba sa Christmas Eve mas bilang pasasalamat sa mga biyaya mula sa Maykapal.
14:28Higit sa pagdiriwang, ang malaking pasasalamat nila sa ligtas mula sa mga sakuna na tumama sa Cebu ang Lindol noong September 30 at ang Bagyong Tino noong November 4.
14:42Mahigpit naman ang siguridad na ipinatupad ng kapulisan sa mga simbahan lalo na sa mga major churches sa lungsod at bayan ng Cebu Province.
14:52Nasa 10,000 na kapulisan ang idineploy sa Central Visayas para sa siguridad ng publiko sa Pasko at magtuloy-tuloy ito hanggang sa pagsalubong ng bagong taon.
15:03Sa initial assessment ng Cebu City Police, wala namang naitalang major problem sa Pasko pero patuloy ang kanilang assessment.
15:12Igan.
15:12Maraming salamat!
15:15Alan Domingo na GMA Regional TV
15:17Sa Samal Bataan, nagdaos ng panunuluyan o dula tungkol sa paghahanap ng matutuluyan si na Birheng Maria Atuse.
15:26Sinagawa yan, isang oras bago ang huling simbang gabi sa St. Catherine of Siena Parish Church o Catholic Church of Samal.
15:33Pinakita dyan kung paano i-binalita ng anghela si Gabriel na magiging ina siya ng anak ng Diyos at ang paglalakbay nila para makahanap ng matutuluyan sa Bethlehem.
15:44Ang Catholic Church of Samal ay isa sa pinakapatandang simbahan at binansangang isa sa pitong pilgrim churches ng Bataan.
15:52Ngayong Pasko, on his way na rin si Santa Claus kasama ang kanyang reindeers para mamigay ng regalo sa iba't ibang bahagi ng mundo.
16:01Batay po yan sa computer animation ng North American Aerospace Defense Command o NORAD.
16:07Pwedeng matrack daw riyan si Santa Claus.
16:11Sinimulan nilang gawin yan noong 1955 nang may tumawag sa kanilang bata at nagtanong kung nasaan si Santa Claus.
16:21Huli ka ang isang insidente ng road rage sa Marikina City.
16:25Sa viral video makikita ang komprontasyon sa pagitan ng mga driver na magkatabing pickup at kotse sa Riverbanks Avenue.
16:35Ilan sa dalilang lumabas ang isang lalaki mula sa puting sasakyan sa harap ng kotse at sinunggaban niya ang pickup driver.
16:41Sunod na lumabas ang isang babae mula sa pickup at nakisali rin sa away.
16:46Natigil lang ang gulo ng pumagit ng isa pang pasahero ng pickup.
16:49Batay sa embesikasyon, magkakamag-anak pala ang sakay ng kotse at puting sasakyan sa harap nito.
16:55Na kaaway nila mga sakay ng pickup dahil sa gitgitan sa parking.
16:59Ay sa polisya nagkaareglo na ang mga sangkot.
17:01May nauna pang sakyan sa kanila na nakapasok na.
17:06Ngayon, sumusunod po itong pickup natin yung nasa left side.
17:11Then from there po, hindi po na po sila makapasok din kasi nga po,
17:15nakaharang na rin po yung, hindi na nagbigay yung nasa white kasi nahiharang niya na yung sasakyan niyang nauna.
17:23Then hanggang nagkatapat po yung bios at yung pickup.
17:27Nakamamangha at pambihira ang litrato ng kalawakan na isinapubliko ng National Aeronautics and Space Administration o NASA.
17:38Yan po ang kumpol ng napakaraming bituin sa loob ng isang napakalaking nebula.
17:43Ang kulay red at orange ay clouds of gas and dust.
17:47Yan ay bahagi umano ng Westerland 2, isang kilalang star cluster sa loob ng Milky Way.
17:53Ang litratong yan ay nakunan ng James Webb Space Telescope.
18:03Festive fields na ang ramdam sa Bethlehem kung saan pinaniniwala ang pinanganak si Jesucristo.
18:08Libo-libong turista at Palestinian ang dumagsa sa Major Square dahil sa iba't ibang atraksyon at Christmas market.
18:16Isa na gawa yan dahil sa nagpapatuloy na ceasefire sa pagitan ng Gaza at grupong Hamas.
18:21Dalawang taon niyang hindi naidaos dahil sa gulo.
18:26Para sa mga ilang kapuso natin sa kalye, paano nga ba masasabing maligaya ang Pasko?
18:31Para kay Nick Orozco, Health is Wealth.
18:34Wala, malungkot ang Pasko ngayon. Sobrang hirap ng buhay.
18:39Masaya ang Pasko, basta malakas lang ang katawan. Healthy, yan lang.
18:44Kung si Gandara Luna naman ang tatanungin, kapag hindi tayo tinitipid daw bilang mamamayan, masaya na ang Pasko.
18:50Magiging masaya ang Pasko kung nagpapatutok ko sa sarili mo.
18:54Kung nagsaselebrate ka po kasama ang pamilya mo, lalo na po ng mga mahal mo sa buhay nyo po.
19:00Sapat na yun.
19:02Pero hindi magiging sapat ang Pasko kung tinitipid mo yung sarili mo ng 500 pesos.
19:07Iba't iba ang pangangailangan ng mga Pilipino para makamit ang maligayang Pasko.
19:13Pero base sa bagong survey ng Social Weather Station o SWS, marami pa rin ang naniniwala na magiging masaya ang Pasko nila.
19:2168% ng mga respondent ang nagsabi na happy pa rin ang Pasko.
19:253% ito mas mataas noong nakaraang taon.
19:2765% lang ang naniniwala na merry ang Christmas noong 2024.
19:31Pero mas mataas ang happiness sentiment na mga na-survey noong 2023 at 2022 na 73% ang resulta.
19:39Ano pa nga ba magpapasaya sa ilan nating kapuso ngayong Pasko?
19:42Si Eyalaw may panawagan.
19:44I, kulong na yan mga kurakot. I, kulong na yan mga kurakot.
19:52Balansin daw dapat ang sweldo at gastusin, sabi ni Jay Batag.
19:55Kahit hindi naman ganong katakasan ang sweldo, okay lang at hindi ganong katakasan.
20:01Basta yung presyo ng bilhin, hindi ganon rin kamahalan.
20:04At syempre, iwas stress.
20:07Basta peace of mind, yun lang talaga mas mapagahan.
20:12Marie Service, ano nga ba yung most thankful ng mga Pilipino, kalahadi ng mga respondent,
20:17nagsabi na yung good health at one third naman ng mga respondent,
20:21nagsabi yung kanilang family at yung maayos na gumikising bawat umaga.
20:25So Merry Christmas and Happy Birthday sa aking cameraman ngayon, si Eman Almeda.
20:28It's all free here at Bamalegro para sa GMA Integrated News.
20:32Mga kapuso, tumutok lang po sa mga ulat ng unang balita para laging una ka.
20:37Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Be the first to comment