Skip to playerSkip to main content
-DOE-OIMB: Taas-presyo sa diesel, gasoline at kerosene, nakaamba sa susunod na linggo


-Dalagita, natagpuang patay sa pinyahan; posibleng hinalay, ayon sa mga awtoridad


-Stars ng ilang Kapuso shows at ilan pang Sparkle artists, maghahatid ng saya sa Kapuso Mall Shows para sa Sinulog 2026


-Printing shop, natangayan ng mahigit P17,000 sa pamamagitan ng Q.R. Code scam


-Search, rescue and retrieval operations sa gumuhong landfill sa Brgy. Binaliw, sinuspinde dahil sa masamang panahon/Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill, nasa 27 na; 9 na iba pa, pinaghahanap pa


-Mga residente sa Guinobatan, patuloy ang paglikas dahil sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon at sa posibleng epekto ng Bagyong Ada/PCG: Mahigit 1,800 na pasahero sa Bicol Region, stranded dahil sa mga kanseladong biyahe bunsod ng Bagyong Ada


-PBBM sa ICI: They are coming toward the end. Lahat ng kailangang imbestigahan, naimbestigahan na nila


-Paolo Benjamin Guico ng Ben&Ben at si Rachel Arcilla, ikinasal na; Dingdong Dantes at Marian Rivera, kabilang sa mga ninong at ninang


CBB: Colored sisiw na inakalang pang-45 days lang daw, inalagaan ng bata at ngayo'y 10 buwang gulang na


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sa mga motorista, maghanda na po ng dagdag na budget dahil nakaamban na naman ang taas presyo sa ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
00:10Sa tansya ng Oil Industry Management Bureau ng Energy Department, base po sa 4-day trading,
00:15nasa 1 peso and 35 centavos kada litro ang inaasahang taas presyo sa diesel.
00:20Nasa 60 centavos naman sa gasolina, habang piso sa kerosene.
00:24Ayon sa DOE, nakakaapekto sa presyo ang pangambang lumalapa ang tensyon sa Iran
00:30at maapektuhan ang supply ng krudo mula sa ikaapat na pinakamalaking producer ng OPEC o Organization of the Petroleum Exporting Countries.
00:40Ito ang GMA Regional TV News.
00:46May init na balita sa Visayas at Pindanao, hatid ng GMA Regional TV.
00:50Unang inakalang manikin pero bangkay pala na isang dalagita ang natagpuan sa isang pinyahan sa Polomolok, South Cotabato.
00:58Sara, ano na rin ang nangyari dun sa biktima?
01:02Rafi, posibleng dinahasa bago patayin ang dalagita ayon sa mga otoridad.
01:09Nakahupad kasi at may mga sugat sa ulo nang madiskubre ang katawan ng 15 anyos na biktima.
01:15Isa sa ilalim pa sa mga pagsusuri ang bangkay, gayon din ang lip tint ng biktima na natagpuan sa lugar.
01:22May dalawang persons of interest na nasa kustudiyan ng pulisya.
01:26Ang isa sa kanila, kinilala ng saksina kasama raw ng biktima nitong Merkoles.
01:31Suot niya raw noon ang kaparehong jersey na natagpuan sa crime scene.
01:35May mga sugat din daw ang isang person of interest na hindi niya maipaliwanag kung saan galing.
01:41Tuloy ang investigasyon ng mga otoridad.
01:45Happy Friday mga maret pare!
01:50Makikiviva!
01:51Pitsen nyo ng ilang Kapuso Stars sa Kapuso Mall Shows para sa Sinulog 2026.
01:57Magahatid mamaya ng saya sa mga Cebuano.
02:00Sina Sparkle Stars Alfea Ablan, Sean Besagas, Alan Ansay ng Tik Tok Lock at si Larkin Castor ng Apoy sa Dugo.
02:08Bago naman ang premiere nila sa lunes sa GMA Afternoon Prime.
02:11Makikisaya muna sa Kapuso Mall Show bukas sina House of Life stars Beauty Gonzalez, Martin Del Rosario at Mike Tan.
02:20Pati ang mga bida ng hating kapatid na sina Cassie Legaspi, Vince Maristela at Cheska Fausto.
02:26Sa mismong sinulog day naman sa linggo ang Kapuso Mall Show ng stars ng upcoming serye na Never Say Die na si Nagelian Ward, David Licauco at Kim De Leon.
02:38Kung team bahay naman kayo sa linggo, pwedeng makipit senior sa live stream ng GMA Regional TV sa website, YouTube channel at Facebook pages starting at 1pm.
02:49Meron ding live stream sa social media accounts ng GMA Integrated News.
02:57Natangaya ng mahigit 17,000 piso ang isang printing shop sa Maynila.
03:02Kagawan po yan ng dalawang menor de edad na gustong magpa-cash in sa e-wallet gamit po ang QR code.
03:08Alamin ang kanilang modus sa balitang hatin ni Jomer Apresto para huwag maging biktima.
03:13Pasado alas 9 ng gabi nang huminto sa isang printing shop ang dalawang menor de edad na yan sa Valencia Street sa Santa Mesa, Maynila noong January 12, 2026,
03:26magpa-cash in daw sila ng pera sa e-wallet.
03:29Sa halip na magbigay ng numero, isang QR code ang ipinakita ng lalaking nakaputi na iniskan naman ang staff ng printing shop.
03:36Ilang saglit lang, isang text message umano ang pumasok sa cellphone ng tindahan na nagsasabing nailink ang kanilang e-wallet sa isang e-commerce app.
03:45Ayon sa staff, 47 pesos lang daw ang nakalagay sa QR code na nabawas sa balance ng e-wallet ng tindahan.
03:52Hindi raw nag-alala ang staff noong una.
03:55Sa kuhang yan, may kita na nagbigay pa siya ng sukli bago umalis ang dalawang binatilyo.
03:59Makalipas ang ilang minuto, nagulat ang staff ng tindahan nang makaltasan na raw ang kanilang e-wallet ng mahigit 17,000 pesos.
04:07Mga 20 minutes siguro, mga nakaalis na siguro sila.
04:12Saka lang po namin nakita na wala na yung pera.
04:14Meron din po kami ganyan, 30,000 din po na bawas.
04:17Pero yung pong mga yun, nanghingi naman ng OTP.
04:20Ito pong ngayon, hindi talaga nanghingi ng OTP.
04:22Kaya kampante po ako na hindi makukuha yung pera.
04:25Inireport nila sa barangay ang nangyari.
04:27Sa backtracking, nakita sa CCTV ang dalawang minor de edad na parehong nakaangkas sa dalawang motorsiklo
04:33na galing ng Magsaysay Boulevard at pumasok sa Valencia Street.
04:37Pagkahinto sa Valencia, lumapit sa isang motor ang binatilyong nakaputi.
04:41May kita pa sa CCTV na tila may itinuturo ang driver sa kanyang cellphone.
04:46Bago ito ibinigay sa binatilyon, agad namang naglakad papunta sa printing shop
04:50kasamang isa pang binatilyong nakaitim.
04:52Ayon sa barangay, yun daw ang cellphone na ginamit ng dalawa para makapanloko.
04:57Sa tulong ng social media, natukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang minor de edad na magpinsat,
05:02parehong 14 years old at nag-aaral bilang grade 7 students.
05:06Five days ago, bago nangyari ito, na-posted ito mga bata somewhere in Loreto.
05:1214,000 din naman yung nakuhang.
05:14Nakausap namin yung parents, guardian ng mga bata.
05:18Ano kung sabi nila?
05:19Nung hinahalap niyong mga bata, eh syempre hindi mo lumutang.
05:22Nangako naman daw ang tatay ng isa sa dalawang binatilyo na ibabalik ang pera sa oras na mahanap ang cellphone na ginamit ng anak.
05:29Pero ang problema...
05:30Nung tumawa ko ng polis, bigla na rin nawala yung tatay ng bata at hindi na rin nagpakita.
05:36Nung kinabukasan, nag-follow up ako doon sa barangay, hindi na rin namin nakita yung tatay.
05:40Tingin ng barangay, posibleng may sindikato na kinabibilangan ng dalawang driver ng motor at ginagamit nila ang mga minor de edad para magawa ang krimen.
05:49Nakipag-ugnayan na raw ang barangay sa polisya para masagi pa mga binatilyo at ma-aresto ang dalawang driver ng motorsiklo.
05:56Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:02Kumuha po tayo ng update sa ikasya na araw ng search, rescue and retrieval operations sa gumuhong tambak ng basura sa Cebu City.
06:09At may ulit on the spot si Marise O'Malley.
06:12Marise?
06:16Connie, inolan nga ang dapat sanay day 9 ang paghahanap sa mga nawawala pa sa pagguho ng tambak ng basura dito sa barangay Binaloy dito sa Cebu City noong January 8.
06:27Kaya pansamantalang sinuspindi yung search, rescue and retrieval operations sa ground zero mula alas 12 ng ating gabi kanina.
06:36Pero nakatanggap tayo ng impormasyon na meron pa rin ilang mga puwersa o mga units na nagtuloy pa rin ng kanilang paghahanap with extreme caution.
06:48Kabilang narito yung mga backhoe at ilan pang mga heavy equipment.
06:51Kaya ngayon ngayon lamang Connie ay nakatanggap tayo ng impormasyon na umakyat na sa 27 yung bilang ng mga nare-recover.
07:00Ibig sabihin meron pa natagpuan ngayon ngayon lamang na isa pang labi.
07:04At siyampah ang hinahanap.
07:06Walang tigil nga ang buhos ng ulan sa magdamag hanggang sa mga sandaling ito.
07:10Kaya ang operasyon ng mga responder ay pinatigil ng incident commander.
07:15Lubharaw kasing delikado kung ipagpapatuloy ang operasyon dahil posibleng magdulot-umano ng karagdagang paggalaw o pagguho ng bundok ng basura.
07:23Bagamat wala pang naitatalang panibagong pagguho, patuloy umano ang pagmamonitor ng mga field engineers sa sitwasyon sa lugar.
07:29Sa ngayon, gaya nga na nabanggit natin, 27 na ang bangkay na nare-recover habang siyam katao pa ang patuloy na hinahanap.
07:37Sinabi ni SF01 Fulbert Navarro, may sinusunod silang pattern batay sa daloy ng basura kung saan natatagpuan ang mga biktima.
07:45Ngunit aminado silang ito ay mga educated guests lamang.
07:49Bagamat inaaming pagod na mga rescuers sa ikasyam na araw ng operasyon, nananatili umanong mataas ang moral ng kanilang hanay.
07:57Humingi naman ng pasensya ang BFP sa mga pamilya sa mga pagkakataong naaantala sila.
08:01Hindi daw sila pwedeng magpabarabara, lalo't may SOP daw silang kailangan sundin at nais din daw nilang ma-preserve ang nayaahong katawan para maibigay pa rin ang respetong nauukol dito.
08:14Siniguro naman, Connie, ng mga responders na ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga kaya para mahanap pa ang siyam na natitirang nawawala sa guho,
08:24habang patuloy din namang isinasaalang-alang ang kaligtasan ng mga responder.
08:28Yan muna ang latest sa sitwasyon mula pa rin dito sa Barangay Binali o sa Cebu City. Balik sa iyo, Connie.
08:34Maraming salamat, Maris Umali.
08:38Dobling kalamidad ng pinagahandaan sa ilang bahagi ng Albay, ang nag-aalborotong Bulkang Mayon at ang posibleng epekto ng Bagyong Ada.
08:45Hingi tayo ng update mula sa ginubatan sa ulat on the spot ni Ian Cruz.
08:50Ian?
08:51Raffi, sa mga sandaling ito ay nakararanas na ng mahinang pagulan dito sa Ginubatan Albay.
08:59Patuloy nga ang paghahanda ng LGU at ng mga residente.
09:02Kakaugnay, siyempre, nung magiging epekto ng Bagyong Ada na maaaring mag-trigger ng lahar flow.
09:09Ngayong umaga, Raffi, ang mga taga-barangay, ang mga MDRRMO members at ang mga volunteers ay nasa Barangay Tandarora.
09:16At kanilang inilikas ang mga residente na ayaw matrap sa barangay sakaling wasakin ang laharang daan, papasok at palabas ng bahay.
09:24Hanggang kagabi nga ay nagpatuloy ang paglikas sa mga taga-Ginubatan bilang paghahanda sa paparating na bagyo.
09:29Tumuloy ang mga taga-barangay Maninila sa Ginubatan East Central School.
09:33Marami ang hinatid doon ng rescue vehicles. May mga nagtungo rin sakay ng sariling motorsiklo.
09:38Maga pakahapon ang simulan ang paglikas ng mga taga-barangay Maninila.
09:41Pami-pamilya ang lumikas. Ayaw doon nilang matrap sa loob ng barangay dahil may posibilidad niyang rumagas ang lahar kapag malakas ang ulan.
09:48Magkakatawang ang mga bumbero, munisipyo, barangay at force multipliers sa paglikas sa mga residente.
09:54Napapagitnaan ang Maninila at masarawag gali ang barangay na kapag tumindi ang pagulan, maaring malubog at masira ang daanan.
10:01Sa barangay masarawag naman, unang inilikas ang mga nakatira sa inaabot ng lahar na portion ng Ginubatan Mayon Road.
10:08At ayon nga kay Mayor Ann Onghoko nang ginubatan sa inisyal na bilang nasa 707 families ang lumikas.
10:15Hindi pa kasama niyang rapi ang kalilikas pa lamang mula sa barangay Tandarora.
10:20Nakapailalim sa wind signal number 1 ang buong albay kung saan nga patuloy pa rin sa pag-alborot ang bulkang Mayon na nasa alert level 3.
10:27Ngayong umaga, naglabas din ang lahar advisory ang feebox kognize sa pagdating ng Bagyong Ada na inaasahan daw na magdadala ng heavy to intense rainfall.
10:35Ito raw ang maaring mag-trigger ng volcanic sediment flows o lahars at muddy stream flows sa drainage areas ng bulkan.
10:42Kaya naman patuloy na pinag-iingat ang mga residente.
10:45At dahil naman sa umiiral na signal number 1, hindi na pinapayagan ng Philippine Coast Guard ang pagbiyahe sa anumang sea vessel.
10:51Bukod nga dito sa mga ports sa albay, apektado na rin ang malalaking port ng Matnog Sursogon na koneksyon ng Luzon sa Visayas Region.
10:59Sa inisyal na talaya ng Coast Guard, nasa 1,877 passengers, nasa 901 rolling cargos at nasa 10 vessels ang apektado ng bagyo dito sa Bicol.
11:09Yan muna ang latest mula rito sa albay. Balik sa iyo, Rafi.
11:13Maraming salamat, Ian Cruz.
11:15Malapit na raw matapos ang trabaho ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na nag-iimbestiga sa mga kwestiyonableng flood control project ay kay Pangulong Bongbong Marcos.
11:30Sabi rin ng Pangulo, hindi pa nakakapag-desisyon kung magtatalaga ng mga bagong miyembro na sa ICI.
11:56Mga tatandaan na nag-BTO sa komisyon si na Baguio City Mayor Benjamin Magalong, dating DPWH Secretary Rogelio Babe Singson at Rosana Fajardo.
12:06Ang natitira na lamang ay ang Chairman na si Retired Justice Andres Reyes Jr. at Special Advisor na si Rodolfo Azurin Jr.
12:13Sakali pong naibigay na raw ng ICI ang lahat ng impormasyon, ay mapupunta na sa DOJ at ombudsman ang focus ng imbestigasyon.
12:26A year after their engagement, ikinasal na ang Ben & Ben vocalist na si Paolo Benjamin sa kanyang non-showbiz fiancé.
12:35White bow and tuxedo ang suot ni Paolo.
12:38Terno sa gaon na ngayon, wifey ng si Rachel Arcelia.
12:42May mga pasilip sa kanilang wedding ceremony sa Batangas hanggang sa resepsyon sa Tagaytay.
12:48Courtesy ng kanilang godfather na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
12:51Kasama niyang dumalo si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na blooming sa kanilang ninong and ninang era.
12:59From one lovebirds to another, sinabi ni Dong sa mga inaanak na regalo at grace ni Paolo at Rachel ang isa't isa.
13:07At ito po ang balitang hali, bahagi kami ng mas malaking misyon.
13:12Ako po si Connie Sison.
13:13Rafi Tima po.
13:14Kasama niyo rin po ako, Obrie Karampe.
13:16Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
13:18Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Filipino.
13:21Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended