Skip to playerSkip to main content
  • 1 week ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong January 1, 2026


- 5 nabiktima ng paputok, isinugod sa Pasig City General Hospital
- 5, isinugod sa East Ave. Medical Center matapos tamaan ng paputok o pailaw
- Boracay beachfront, napuno ng mga turista sa pagsalubong sa bagong taon
- Mabuting kalusugan at pagkakaisa ng bawat pamilya, dasal ng ilang dumalo sa New Year's Eve Mass | Ilang pamilya, nagpalaro bago magsalo-salo sa Media Noche | 20,000 piraso ng paputok, sinindihan sa pagsalubong sa bagong taon; ilang residente, gumamit ng torotot at iba pang pampaingay
- Mga taga-Tagum City, nanood ng enggrandeng fireworks display na handog ng provincial government
- Enggrandeng fireworks display, inabangan sa "Kapuso Countdown to 2026" | Ilang nanood ng "Kapuso Countdown to 2026," nanggaling pa sa probinsiya | All-out performances at production numbers, handog ng Kapuso stars at special guests sa "Kapuso Countdown to 2026"


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00.
00:00May ilan ding na biktima ng paputok na dinala sa Pasig City General Hospital.
00:17May unang balita live si Mark Makalalad ng Super Radio DZBB.
00:22Mark?
00:22Ibaan limang individuan na biktima ng paputok ang isinugod at nilapata ng paunang luna sa Pasig City General Hospital.
00:30Ito'y mula kagabing ng December 31, 2025 hanggang sa pagsalubong ng January 1, 2026.
00:37Sa panayam ng Super Radio DZBB kay Jene Rose Cruz, nurse supervisor ng ospital,
00:41kanyang sinabi na kwitis, Roman Candle, goodbye Philippines at mga hindi papukoy na paputok ang mga nakadali sa biktima.
00:49Sugat sa binti at kamay ang tinamon ng mga biktima na stable na muna ang kondisyon at nakauwi na.
00:54Palawanag di Cruz, ang mga nabiktima ng paputok sa pagsalubong ng 2026 na dinala sa PCGH ay isa sa pinakamababang kaso na naitala nila sa mga nakalipas na taon.
01:04Posible na daw kasi na may kinalaman dito ang hindi pagbigay ng special permit to sell firecrackers ng Pasig LG unitong 2025.
01:12Samantala, pagaman konti ang bilang na mga naputokan, ay punong-puno naman ang kanilang emergency room.
01:1822 lamang kasi ang bed capacity nito pero ngayon ay 48 ang sensors nito kaya lumalabas na 218% ang occupancy rate nito.
01:27Karamihan daw sa mga nasa ER ay may mga ibat-ibang mga sakit.
01:30Balik sa'yo, Ivana.
01:32Maraming salamat, Mark McAlala, ng Super Radio DZBB.
01:40Patuloy na naka-alerto ang East Avenue Medical Center para sa mga biktima ng paputok ngayong limang araw, unang araw ng bagong taon.
01:48At may unang balita live si James Agustin.
01:51James!
01:52Igang good morning sa update na nakuha natin mula sa pamunuan nitong East Avenue Medical Center dito sa Quezon City.
02:02Umabot na po sa lima yung biktima ng paputok at pailaw na isinugo dito sa ospital ngayong January 1.
02:09Kabilang dyan ang 10 taong gulang na babae na tinamaan ng luses sa kanyang mata sa barangay Old Balara, Quezon City.
02:15Ang isang 46 na taong gulang na lalaki natalsikan naman ang fountain sa kanyang braso.
02:20Ayon sa lalaki, nangyari ang insidente habang nanunood siya ng mga nagpaputok sa kalsada.
02:24Sugatan din ang muka ng isang babae matapos matalsikan ang fountain.
02:28Galing naman sa tala kalooka ng isang siyam na taong gulang na lalaki na hindi maidilat ang kanyang mga mata at may mga lapno sa mukha, matapos masabugan ng pulbora.
02:37Isinugo din sa ospital ang isang lalaki na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang binti.
02:42Iniimisikahan pa rao ng mga otoridad kung ito'y insidente ng ligaw na bala.
02:47Sa matalaigan, dun sa observation natin, dito sa labas ng emergency room nitong ospital,
02:51sa magdamag, ang pinakamaraming naging pasyente nitong ospital na ito ay yung mga nasangkot sa vehicular accident sa pagsalubong sa bagong taon.
02:59Yan po muna yung latest mula dito sa E7 Medical Center.
03:02Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
03:05Kung sa kalsan na sinalubong ng ilan ang bagong taon, beach vibes naman ang trip ng ilang bakasyonista.
03:14At live mula sa Boracay sa Aklan, may unang balita si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
03:20Kim, Happy New Year!
03:21Happy New Year, Ivan. At sa ating mga kapuso, naging masaya at memorable ang New Year salubong dito sa Boracay.
03:32Ayon sa mga otoridad ay naging matiwasay at walang naitalang major incident sa mga activities kagabi.
03:41Dalawang oras pa lang bago ang pagsalubong sa bagong taon.
03:45Puno na ng mga nakaantabay na turista ang beachfront sa isla ng Boracay kagabi.
03:49Di mahulugang karayo, magdami ng tao na nag-antay sa New Year's Countdown.
03:53May mga turotot ng naririnig na mas umingay pa ng papalapit na ang alas 12 ng hating gabi.
04:00Hanggang sa sabay-sabay na kumislap sa klangitan at umaliw sa mga bisita ang inihandang fireworks display.
04:08Manghang-mangha ang magkaklase galing Bulacan sa kanilang first time experience sa ingrandeng fireworks display.
04:15Si Marina naman, nagaling na sa malamig na bansang rasa, naramdaman ang mainit na pagsalubong sa 2026.
04:24Pagkatapos ng fireworks display, nagpatuloy ang iba sa pagpaparty by the beach, kagaya ni na Christopher at Aida mula sa Sweden.
04:32Maliban sa fireworks display, naaliw din ang mga bisita sa nag-aalab na fire dance performances.
04:38I didn't expect that there are a lot of fireworks. Great show. That was amazing, really.
04:56Fabulous fireworks. I've never seen anything like it.
04:59It's amazing. The fireworks, the people, all the Philippine people are so amazing.
05:05Ivan, kung last year na puno ng basura ang beachfront dito sa Boracay,
05:16pagkatapos ng serebrason, ngayon ay wala nang makikitang kalat.
05:23Ngayon naman, dito sa beachfront, Ivan ay walang masyadong tao dahil nga umuulan.
05:31Ivan, mga kapuso, Happy New Year.
05:33Happy New Year. Maraming salamat, Kim Salinas ng GMA Regional TV.
06:03Igan, base sa pagtaya ng PNP, payapa ang naging selebrasyon ng bagong taon dito sa Dagupan City at buong Pangasinan.
06:11Bilang bahagi ng Salubong 2026, nagsagawa ng New Year's Eve Mass sa Provincial Capital Complex sa Linggayan na Pangasinan kagabi.
06:24Sumentro ang mensahe ng Misa sa salitang pasimbalo na ang ibig sabihin ay renewal.
06:29Dalangin na mga mananampalatayang katoliko ang maayos na kalusugan at pagkakabuklod ng bawat pamilya ngayong bagong taon.
06:36Matapos ang Misa, nagningning ang kalangitan sa isinagawang fireworks display na nagmistulang simbolo ng bagong pag-asa para sa mas magandang simula ng taong 2026.
06:48Sa Santa Barbara, Pangasinan, bago magsalo-salo sa medya noche, naghatid ng fan games ang isang pamilya roon.
06:56May pabaloon popping at ang paunahang maghulog o magtanggal ng sipit na nakaipit sa damit.
07:04Simple man, ang handa sa medya noche, ang importante raw masaya at nagkakaisa ang pamilya.
07:10Pag patak ng alas 12 ng hating gabi, inihilera sa gitna ng Perez Boulevard ang nasa 20,000 piraso ng paputok at sa kasinindihan.
07:20May haba itong halos 50 meters na talaga namang inabangan ng mga residente.
07:25May mga gumamit din ng alternatibong pampaingay tulad ng busina ng sasakyan, paggamit ng torotot at malakas na tunog ng speaker.
07:35Samantala, kagabi, nadagdagan pa ng tatlo ang bilang ng mga biktima ng paputok na dinala sa Region 1 Medical Center.
07:42Hindi pa naglalabas ng karagdagang detalye ang pamunuan ng R1NC.
07:49Igan, as of December 21 hanggang kanina, umabot na po sa 24 ang bilang ng mga biktima ng paputok na dinala rito sa Region 1 Medical Center.
07:59Magtatagal ang monitoring ng R1NC sa off-line iwas paputok hanggang January 6.
08:05Yan muna ang latest mula rito sa Dugupan City. Happy New Year, Igan!
08:09Happy New Year! Marami salamat si Jay Torida ng GMA Regional TV.
08:13May sarili ring e-granding fireworks display ang mga taga-tagum Davao del Norte sa pagsalumbong sa bagong taon.
08:20May unang balita live si Argil Relator ng GMA Regional TV.
08:25Argil, Happy New Year!
08:26Happy New Year, Igan!
08:31Masayang sinalubong ang bagong taon sa Tagum City sa mga eng-granding fireworks display na handog ng mga lokal na pamahalaan.
08:40Sa big na nag-abang ang mga dumagsas sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City sa inihandang fireworks display,
08:48kagaya na lang ng pamilyang Prowas na maagang dumating upang makakuha ng pwesto na may best view.
08:54Anin na taon sa bansang Norway kaya't na-miss talaga ni Anne ang Paskong Pilipino.
08:58Lalo na ang magagarbong fireworks display, kasama rin niya ang buong pamilya.
09:03Maaga nilang sinalubong ang bagong taon.
09:06Banda alas jest ng gabi, naging makulay ang kalangitan sa Grand Fireworks Display.
09:11Inihanda ito ng Provincial Government ng Davao del Norte.
09:14Naging makulay, maingay at masaya rin ang pagsisimula ng bagong taon sa sentro ng Tagum City.
09:21Dagsa ang mga tago-menyo sa Tagum City Flyover kung saan dinanap ang eng-granding fireworks display.
09:28Tumagal ito ng labing limang minuto.
09:30Handog naman ito ng City Government of Tagum.
09:33Bago yan, alas 11 ng gabi nang sinimulan ang programa sa New Year's Countdown.
09:37Tampok dito ang iba't ibang banda at DJ na mas nagpasaya at nagpaingay sa okasyon.
09:45Masaya ang pamilya, sama-sama lahat.
09:48Looking forward for good health, more blessings to come, peaceful and quiet environment, and political stability for everybody.
10:00Masaya kasi for the longest time nakasama ko yung family ko kasi galing ako abroad.
10:05So I'm celebrating the Christmas and New Year here in the Philippines with my family.
10:10Malaking difference po talaga kasi sa ibang bansa, hindi nila masyado sineselebrate yung Christmas at New Year.
10:20Ivan, sumantala sa Davao City naman, kanya-kanyang paandar ang mga nabawenyo sa pagsalubong sa bagong taon.
10:27May mga nagsayawan, nagkantahan at gumamit ng Toroto.
10:30Yan ang latest. Ako si Argil Relator ng GMA Regional TV para sa GMA Integrated News.
10:38Maraming salamat, Argil Relator.
10:47Kasabay ng pagsalubong sa bagong taon, all-out pasabog performances at production number ang hatid ng Kapuso stars at special guests sa Kapuso Countdown to 2026.
10:58Ang ilan sa mga nakisayang fans nang galing pa sa probinsya. May unang balita si EJ Gómez.
11:06Nagliwanag ang kalangitan sa pagsabog ng fireworks display sa ingranding Kapuso Countdown to 2026 sa Pasay City.
11:15Ilang segundo bago ang taong 2026. Ganito ang eksena.
11:19Feel na feel ang good vibes dito sa SM Ball of Asia at pasabog.
11:23Ang mga performances ng sparkle artists.
11:265, 4, 3, 2, 1...
11:31Alasais ng gabi nambuksan sa publiko ang Kapuso Countdown to 2026.
11:40Libo-libo ang mga kapusong matsagang naghintay sa pagpasok ng bagong taon.
11:46Kasama nila ang kanila mga pamilya o barkada.
11:49Marami sa kanila dumating ng umaga pa lang.
11:51May mga galing pang probinsya at meron din lumipad pa mula sa ibang bansa.
11:565 ng hapon nandito na kami. Tapos galing pa ng Japan. Diretso na dito yung bagay na sasasakyan lang po.
12:05Ako naman po galing akong Quezon province. Nagbiyay pa ako ng 12am. Makarating lang ng maagap dito.
12:10Galing pa po kami Valenzuela City. So we're just here to have fun and we're looking forward for our PBB house.
12:17Maysang mga Salamanca, Kapuso Store, River Cruise and Julie Sanoses.
12:24Bali 12pm pa po kami dito kanina pa po. And then ang inaabangan namin that so positi dapat dito is yung ahok.
12:30And then yung fireworks din po.
12:32Galing pa po ako sa Mandaluyong. Kanina umaga pa po ako. May dala po akong Torotot pang New Year.
12:38Mas lalong umingay sa Mall of Asia nang magsimula ang main show ng 10.30pm.
12:48Kabilang sa host si Kapuso Comedian Betong Sumaya, Christian Bautista, Team Yap at Miss Grand International 2025 Emma Tiglau.
12:57Nagpasaya ang mga Kapuso Artists sa kanilang oh-so-good performances.
13:02Kabilang jobs si na Julian Sanose, River Cruise at ilang PBB Batsmiths gaya ni na Will Ashley, Vince Maristela, Charlie Fleming at AZ Martinez.
13:13Inabangan din sa countdown ang performance ng K-pop group na all-time Hall of Famer o Aho.
13:18Ito ang unang balita. E.J. Gomez para sa GMA Integrated News.
13:31Mga Kapuso, tumutok lang po sa mga ulat ng unang balita para laging una ka.
13:36Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended