Skip to playerSkip to main content
  • 10 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 17, 2025


- Sarah Discaya, inireklamo ng Malabon LGU dahil sa pagtatayo ng barangay multi-purpose building nang walang pahintulot | NBI: Walang preferential treatment kay Sarah Discaya | P40M na cash, isinuko ni dating DPWH-NCR District Engr. Gerard Opulencia sa DOJ


- Ilang Pinoy abroad, dumalo sa unang araw ng Simbang Gabi | Ilang Pinoy mula sa iba't ibang bahagi ng Europe, nagtipon-tipon para sa Christmas Gala


- Bibingka croissant at bibingka latte, tampok sa ilang cafe sa Makati


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Transcript
00:00.
00:00Nagsahuli ng P40M sa gobyerno ay isang dating DPWH NCR District Engineer
00:24na nasasangkot sa issue ng flood control projects.
00:27Si Sara Diskaya naman humarap sa City Prosecutor sa Malabon,
00:31kaunday sa isang reklamo laban sa kanya.
00:33May unang balita si Sandra Aguinaldo.
00:39Bantay sarado ang kontratistang si Sara Diskaya nang ilabas siya sa NBI headquarters sa Pasay
00:45patunggo sa tanggapan ng Office of the City Prosecutor sa Malabon.
00:50Ayon sa DOJ, humiling si Diskaya na pansamantalang makalabas para makadalo sa pagdinig.
00:55Kaugnayan sa reklamo dahil sa walang permit na pagpapatayo ng barangay multipurpose building
01:01sa lupang pag-aari ng city government.
01:04Ayon sa Malabon LGU, na naghain ang reklamo nitong Nobyembre,
01:08itinuloy umano ni Diskaya ang proyekto nang di kinokonsulta sa Malabon LGU.
01:14Nahaharap si Diskaya sa reklamong paglabag sa National Building Code of the Philippines
01:19at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
01:22Tumanggi magkomento ang kampo ni Diskaya.
01:24Ayon sa NBI, anumang oras ay pwedeng umalis si Diskaya sa NBI
01:29dahil wala namang arrest warrant laban sa kanya.
01:32Noong December 9, kusang nagpunta si Diskaya sa NBI matapos i-enunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos
01:38na magkakaroon ng warrant laban sa kanya dahil sa kinakaharap ng mga kaso
01:43kaugnay sa Ghost Flood Control Projects sa Davao Occidental.
01:47Ang DOJ, sinagot ang isyo sa paggamit ng resources ng gobyerno sa pag-escort kay Diskaya.
01:54The fact that her liberty is now being restrained despite the absence of a warrant of arrest
01:59means that the government is actually taking steps forward to be able to make sure that she
02:06or any person involved in these cases are held accountable.
02:08Wala pong preferential treatment.
02:10Iniharap din ang DOJ sa media ang 40 million pesos cash na isinuko ni dating DPWH NCR
02:17District Engineer Gerard Opulensia.
02:20Bahagi yan ng 150 million pesos na ibabalik niya sa gobyerno
02:25bilang bahagi ng kanyang pag-a-apply para sa Witness Protection Program.
02:29Makatutulong daw si Opulensia para patibayin ang mga kaso
02:33kaugnay sa mga flood control projects sa Bulacan.
02:36Lumabas po sa mga pag-uusisa ng ating prosecutors
02:39na isang elemento o isang bahagi sa mga may kinalaman at may nalalaman
02:47sa mga transaksyon na ito ay si Engineer Opulensia.
02:50Kaya sa pag-uusisa po natin na makakatulong ang kanyang testimonya
02:54para mapatibay ang kaso ng ating estado.
02:57Kasama si Opulensia sa mga pinakakasuhan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
03:04Batay sa testimonya ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
03:10si Opulensia ang naghanda ng lista ng mga proyektong pwedeng i-alok sa ilang senador.
03:15Tagakolekta rin umano siya ng kickback.
03:17Pero paglilinaw ng DOJ, ang perang ibinalik ni Opulensia
03:21ay mula umano sa iba pang proyekto ng DPWH.
03:24Actually, yung kanyang testimonya ay patungkol sa mga kaso na nangyari sa Bulacan.
03:33Pero yung pagsasauli ng pera ay base doon sa mga transaksyon na iba na kinasangkutan niya
03:39nung siya ay nasa NCR pa.
03:42At yun ang pinagbasihan ng pagsasauli.
03:44May provisional admission din si Opulensia sa WPP gaya ni Bernardo
03:49at ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara
03:53na nauna nang nagsauli ng P110 million peso sa gobyerno.
03:59Ito ang unang balita.
04:00Sandra Aguinaldo para sa GMA Integrated News.
04:04Kahit nasa ibang bansa, hindi pinalampas ng ilang Pinoy abroad
04:08na makadalo sa Simbang Gabi
04:10na puno po ang simbahan yan sa Zagreb, Croatia
04:13na mga Pilipinong Katoliko para sa visa.
04:16Kahit ang malamig ang panahon at marami sa kanilang may trabaho pa
04:19dumalu sila, lalo't ito rao ang unang pagkakataon na nagdaos ang Simbang Gabi roon.
04:25Pinamuna ni Rev. Fr. Andrew Bayal ang Misa
04:28nagpasalamat sa simbahan sa pagsuporta sa tradisyon ng mga Pinoy.
04:33Sa The Hague, Netherlands, Samaa,
04:35nagtipuntipo ng ilang Pinoy mula sa ibang-ibang bahagi ng Europa
04:38para sa isang Christmas gala.
04:42With a twist ang hatid ng ilang Pinoy
04:44sa kanilang versyon ng kakaning bibingka na patok ngayong magpapasko.
04:48Sa isang cafe sa Poblasyon, Makati City,
04:51international ang atake ng kanilang bibingka croissant.
04:55Nakapalaman sa croissant ang kanilang Salted Egg Custard.
05:00Toppings naman ang itlog na maalat at cheese.
05:03Nakaserve yan sa nakasanayang dahon ng saging.
05:07Ang bibingka naman sa isa pang cafe sa Makati,
05:10malalasap daw sa isang tasa ng kape.
05:14Yan ang kanilang special bibingka latte
05:17na may coconut syrup, queso de bola at itlog na maalat.
05:21Ang dahon ng saging tinotorch para sa aroma.
05:25Nang bibingka.
05:28Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
05:31Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel
05:34ng GMA Integrated News.

Recommended