Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 8, 2025


- Christmas shopping sa Tabora Street sa Divisoria


- PNP, tutulong para masugpo ang hoarding at profiteering sa mga produkto ngayong magpa-Pasko


- Bahagi ng spillway, bumigay dahil sa malakas na ulan | Brgy. Santa Rosa, binaha dahil sa tubig mula sa spillway | Bahagi ng kalsada sa Brgy. San Miguel, gumuho | Ilang bahagi ng Southern Luzon, binaha | Bahay, natabunan ng lupa; nakatirang pamilya, nakaligtas


- Resulta ng medical evaluation ni FPRRD, natanggap na ng kaniyang defense team


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Welcome to Taboras Street, here at the Divisoria of Manila.
00:17Ito is one of the things that is really a lot of Christmas decorations.
00:25So, ayan, nag-ilaw na yung mga Christmas decorations dito.
00:27At syaka, of course, marami rin po rito mga Christmas lights, mga panregalo.
00:33At sa mga sandali pong ito, eh dahil nga po maagaaga pa, eh nagsisimula pa lang magbukas ang mga tindahan.
00:41Pero katulad nga po nitong tindahan na ito, makikita natin, ayan, yung mga iba't ibang mga Christmas lights na mabibili,
00:46yung mga garland, yung mga pang-decor sa Christmas tree, yung mga bulaklak na yan.
00:50And of course, mabibili po natin ang mga Christmas balls ng 200 pesos for 20 pieces na po yan.
00:57Yung mga Christmas lights naman po, nasa 150 to 200 pesos po ang kadatay, no,
01:01tsaka yung Christmas tree ay nasa 2,000, ayan, mga 2,500 to 3,500, depende sa size.
01:11May mga maliliit, may hanggang sa pinakamalaki.
01:13And of course, may mga Christmas garland na tatlong piraso, eh nasa 100 piso po yan.
01:22So nakikita po natin, nagkalat po rito.
01:24I mean, nakahilaya-hilera na rito yung mga tindahan na mga iba't ibang mga dekorasyon na talaga namang makakapagpasaya ng ating mga Pasko
01:32dahil sa ganda ng mga disenyo.
01:34So sa punto pong ito, eh mga kapanayan po natin, ang isa sa mga nagtitinda po rito, tayo alika rito.
01:41Kasi busy pa po si tatay sa pagbubukas ng kanya mga tindahan.
01:46Dito po tayo.
01:47So matanong ko lang po muna sa inyo, no, kumusta na po yung mga namimili sa mga panahon ito?
01:53Two weeks to go before Christmas.
01:55Marami-rami na po ba?
01:56Marami, mas marami nung nakarang linggo. Marami isang tao kaysa ngayon kasi medyo nakabili na sila nung unang pa lang bago pumasok ang Disyembre.
02:05Ah, so mas maagaaga silang namimili ngayon?
02:07Oo, mas maagaaga silang namili.
02:08Pero kumusta naman po ang bentahan? Mas nagtaas po ba ng presyo o ganun pa rin?
02:13Medyo tumasang konti.
02:14Ay, bakit?
02:15Kasi nga medyo, siyempre, pamahalang bilhin.
02:18Oo, pero ano po ba ang trending na mga tinitinda ngayon na decoration, pati na rin na pang regalo?
02:27Ito ma'am ito.
02:28Ano ba ang tawag sa ganyan?
02:30Ito yung cherry.
02:32Ah, cherry.
02:33Ito yung garland na may design.
02:35Oo, maganda nga talaga siya. Maganda talaga siya.
02:38Tapos mukhang mamahalin.
02:40Pang regalo naman, ang trending ngayon yung nakaset siyang tawel.
02:44Oo, nakaset.
02:44130 pesos per sip.
02:47Nakabak siyang huli orange.
02:49Wow.
02:50O, sige tayo. Magkani mga ganyan?
02:52Ito, nasa 120 to.
02:54120 lang ah?
02:54Oo.
02:55O, pero, ayan mga kapuso, murang-mura.
02:58Pero, ang ganda, mukhang mamahalin.
03:00Thank you po, ah. Thank you po.
03:02Ayan, sa punto naman pong ito, maghahanap tayo ng namimili.
03:07Ayan.
03:08Sige. Ah, ito, may nakita ako. Namimili rito.
03:11Ayan, si nanay, parang ang dami lang napamili.
03:14Oo, aga-aga pa lang.
03:16Nay, maganda umaga sa inyo. Ano pong pangalan ninyo?
03:18Alika, dito kayo.
03:19Lota na lang po, nickname ko.
03:20Ah, Lota.
03:21Opo, ah, kumusta naman po ang inyong pamimili?
03:24Ano po ba ang binibili ninyo?
03:25Pang Christmas gift, saka pang mga candy giveaway sa mga bata.
03:29Hmm, kumusta ang budget?
03:32Mas nagmahal ba ngayon? Mas lumaki ba ang budget nyo ngayon?
03:35O katulad pa rin dati?
03:36Medyo, katulad pa rin dati, medyo nag-increase lang yung mga bilihin.
03:40Kailangan iba budget lahat.
03:42Ah, iba budget. Pero, okay naman.
03:45Okay naman.
03:45Kaya naman.
03:46Kaya naman.
03:46Kumusta naman po yung inyong pamimili?
03:51Mukha bang makukompleto na ang inyong Christmas list?
03:53Kasi parang, ang aga-aga, ang dami nyo na napamili, ha?
03:56Kailangan kasi po, konti-konti lang.
03:58Hindi mo pwedeng isasabay lahat yung mga pangregalo mo sa mga family mo.
04:03Saka yung sa mga bata.
04:04Taon-taon po ba kayo namimili dito sa Divisoria?
04:07Bakit dito?
04:08Kasi mas mura po dito.
04:09Tsaka, hindi ka na makikipagsabayan.
04:11Kailangan mas maaga ka.
04:12Ah, mas maaga.
04:14Kasi pagtanghali na, wala ka na.
04:16Marami ng tao.
04:17Alright.
04:18Ate Lota, maraming maraming salamat.
04:19At gunlak sa inyong pamimili.
04:20Sana makompleto nyo na yan.
04:21Ang dami nyo pong pinamili.
04:22O, tingnan mo.
04:23Meron po siya dito parang mga hairband pa.
04:27Mga uso pang buhok.
04:30Tapos dito, mga merong pang balot.
04:34Tsaka kung ano-anong mga pangregalo pa yan.
04:36So, maraming maraming salamat, Ate Lota.
04:38Ingat po kayo sa inyong pamimili.
04:40Samantala mga kapuso, sinabi po ng Tupi National Police
04:43na tutulong din po sila sa pagbabantay
04:45para maiwasan yung hoarding o labis na pag-iimbak.
04:49Pati na rin po yung profiteering
04:51o yung pagpapatong ng sobrang taas na presyo
04:54sa mga bilihin ngayon pong magpapasko.
04:57Nag-talaga ang Philippine National Police
05:02ng dagdag na mga tauhan sa mga palengke at supermarket
05:05para maiwasan ang mga ganitong gawain
05:08at iba pang pananamantala sa mga mamimili.
05:11Nakipagugnayan din ang PNP sa Department of Trade and Industry
05:14kaugnay sa tamang galaw ng presyo na mga bilihin
05:16at sa pagsasagawa ng inspeksyon.
05:19Karaniwan nang tumataas ang presyo na mga bilihin
05:21tuwing bago magpasko.
05:22Pinahaang iba't ibang bahagi ng Bicol Region
05:27at Quezon Province itong weekend
05:28dahil sa ulang dulot ng shear line at low pressure area
05:31na dating Bagyong Wilma.
05:34Ilay struktura pa ang nasira tulad ng spillway at kalsada.
05:37Narito ang unang balita.
05:38Sa tindi ng sama ng panahon,
05:46bumigay ang bahagi ng isang spillway sa Virac Catanduanes.
05:50Rumaragas ang tubig habang patuloy ang ulan.
05:55Dahil hindi madaanan ng mga motorista,
05:58tulong-tulong ang ilang residente
06:00na maitawid ang maliliit na sasakyan.
06:03Panawagan ng ilang lokal na opisyal,
06:05mapaayos sagadang nasirang spillway.
06:09Tila nagkaroon naman ang waterfall
06:12sa barangay Santa Rosa sa bayan ng Viga.
06:14Dulot yan ang tubig mula sa spillway
06:16na umabot na sa mga kalsada
06:18dahil sa malakas na ulan.
06:22Sa panganiban Catanduanes,
06:24gumuho ang bahagi ng kalsada sa barangay San Miguel
06:27dahil din sa malakas na ulan.
06:30Pinag-iingat ang mga motoristang daraan doon.
06:32Patuloy ang pagkukumpuni sa nasirang bahagi
06:35at maglalagay ang lokal na pamahalaan
06:37ng early warning devices
06:38sa paligid.
06:41Bumaha naman sa iba't ibang bahagi
06:44ng Karamuran, Catanduanes
06:45dahil din sa masamang panahon.
06:48Pinasok na ng tubig ang ilang bahay roon.
06:50Patuloy ang pag-monitor
06:52ng Municipal Disaster Risk Reduction
06:54and Management Office
06:55sa sitwasyon ng mga residente.
06:57Natabu na naman ang isang bahay sa barangay Buhatan
07:02sa Santo Domingo Albay
07:03dahil sa landslide.
07:05Kita sa lugar ang maputik na daan
07:07at mga nabual na puno.
07:10Walang nasaktan sa insidente
07:11dahil nakalikas agad ang mga nakatira
07:13sa natabu ng bahay.
07:16Nalubog naman sa baha
07:17ang isang paaralan
07:18sa Santa Elena Camarines Norte.
07:20Ayon sa ilang grupo,
07:21maraming gamit doon
07:23ang napinsala.
07:25Bumaha rin sa iba't ibang bahagi
07:26ng Quezon Province
07:27tulad sa bayan ng Pitogo,
07:29Lopez
07:31at Gumaka.
07:34Nasira pa ang isang hanging bridge doon
07:36matapos tumaas ang level ng tubig
07:39sa ilog.
07:40Ang masamang panahon
07:41na naranasan sa ilang parte
07:42ng Southern Luzon
07:43ay dulot ng shear line
07:45pati ng Bagyong Wilma
07:47na ngayon'y humina na
07:48bilang isang low pressure area.
07:50Ito ang unang balita.
07:52Bea Pinlak
07:53para sa GMA Integrated News.
07:56Natanggap na ng kampo
07:57ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
07:59ang resulta ng kanyang medical evaluation
08:01ayon kay Atty. Nicholas Kaufman.
08:04Hindi sinabi ni Kaufman
08:05kung ano ang laman nito
08:06dahil ito raw ay confidential.
08:08Ibinigay lang daw ang kopyo nito
08:10sa defense team ng dating Pangulo
08:11at sa International Criminal Court.
08:14May hanggang December 12
08:15ang kanilang kampo
08:16pati ang prosecution
08:17para magbigay ng komento
08:18sa korte tungkol dito.
08:21Ginawang medical evaluation
08:22kasunod ng request
08:23ng defense team
08:24na huwag nang ituloy
08:25ang mga pagdinig
08:26dahil na hindi na umanofit
08:28to stand trial
08:29ang dating Pangulo.
08:31Si Duterte ay naharap
08:32sa Kasong Crimes
08:33Against Humanity
08:34sa ICC.
08:35Gusto mo bang mauna
08:38sa mga balita?
08:40Mag-subscribe na
08:41sa JMA Integrated News
08:42sa YouTube
08:42at tumutok
08:43sa unang balita.
08:45A falling isla
08:53sa ima balita.
08:58Sa ima balita?
09:00Sa ima balita?
Be the first to comment
Add your comment

Recommended