Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong October 28, 2025


- Ombudsman: Mag-asawang Discaya, wala nang pag-asang maging state witness sa issue ng flood control projects


- Prof. Monsod sa DBM: Bakit hindi na-monitor ang pagdami ng flood control projects sa Nat'l budget?


- Paghahanap sa mga labi ng missing sabungeros sa Taal lake, sinuspinde


- Quo Warranto petition laban sa isang nakaupong senador, nakabinbin sa electoral tribunal


- Ilang uuwi sa mga probinsiya para sa Undas, maagang pumunta sa bus terminal para makaiwas sa dagsa ng tao


- GMA Employees, nag-donate ng dugo sa Kapuso Bloodletting Day


- Ilang puntod sa sementeryo, nasira at nahulog sa dagat dahil sa nasirang seawall
- Ilang puntod sa Corazon Cemetery na napinsala ng lindol, ipinaaayos na


- Mga cheesemaker mula sa 13 bansa, nagtagisan ng galing sa paggawa traditional Swiss dish na "Raclette"


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Music
00:00Wala nang pag-asa maging state witness sa mga asawang kontratistang Pasifiko at Sara Diskaya sa issue ng flood control projects
00:25ayon sa Office of the Ombudsman.
00:26Kasunod yan ang pagsabi ng mga diskaya na hindi na sila makikipagtulungan sa imbisigasyon ng Independent Commission for Infrastructure.
00:34Wala pa pahayag ang mga asawa tungkol sa sinabi ng Ombudsman.
00:37May unang balita si Salimarefran.
00:39Sarado na ang pinto sa mag-asawang kontratistang Curly at Sara Diskaya para maging state witnesses sa mga kaso sa manumalyang flood control projects.
01:05Kasi lahat po talaga ng kabalastugan ng DPWH pinasukan na talaga ng diskaya eh.
01:12So I don't think they're in any position to bargain with the government, especially with their status as state witness.
01:20Git ng Office of the Ombudsman, paano rong magiging state witnesses ang mga taong nasa sentro mismo nang naging operasyon para commit back sa mga proyekto ng DPWH?
01:30Alam naman ho natin na higit 4,000 po ang sinalihan nilang bids around the country.
01:39And kahit anong scheme or scam na nakita natin sa DPWH, kasama sila.
01:49Because of their statement that they are uncooperative, then they are deemed to be hostile witnesses and can only be charged as respondents and in the future accused in the case of malversation of public funds, falsification of public documents, and all the other crimes that they were a part of.
02:15Tingin ng Office of the Ombudsman, sa simula pa lang, wala naman talagang intensyong tumulong sa gobyerno ang mga diskaya.
02:23Nakikita na lang daw nila nakaharap sa kanila ang mga diskaya pag gumulong na ang preliminary investigation.
02:29Sa ngayon, nakaharap ang mga diskaya sa mga reklamo ng DPWH at Commission on Audit para sa limang flood control projects sa Bulacan na nagkakahalaga mula 39 million hanggang 96 million pesos.
02:42Kapwa respondent nila sa mga reklamong ito, ang Sims Construction at Wawa Builders, at ang mga opisyal ng DPWH First Engineering District of Bulacan.
02:53The wheels of justice will turn on the diskayas if they refuse to cooperate.
02:57Tingnan na lang ho natin kung hindi pa rin sila magko-cooperate kung nakakulong na sila.
03:01Samantala, inaasahang haharap naman sa fact-finding investigation ng Ombudsman, si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, lalo na sa partisipasyon ng mga mambabatas.
03:14Si Yusek Bernardo, gusto natin siyang kausapin din para doon sa ating, yung mga above the salary grade of the district engineer.
03:26We want to clarify with Yusek Bernardo kung ano ba talaga ang naging sistema dyan sa taas.
03:33Inatasan naman ang Ombudsman ng Department of Justice na ituloy ang fact-finding investigation sa mga dating DPWH personnel na si na District Engineer Henry Alcantara at Assistant District Engineers Bryce Hernandez at JP Mendoza.
03:49Ito ang unang balita sa ni Marafran para sa GMA Integrated News.
03:56Kirasyon ni University of the Philippines School of Economics Professor Emeritus Solita Munson,
04:00ang Department of Budget and Management kung bakit hindi raw agad nakita mga red flag sa national budget.
04:07Sabi ni Munson, bakit hindi namonitor ng DBM ang pagkakaroon ng mga flood control projects sa mga lugar na hindi naman kinakailangan?
04:15Sinabi ni Munson sa DBM Fiscal Policy Conference sa UP College of Law.
04:20Pinunarin niya ang pagtaas ng unprogrammed appropriation sa budget.
04:25Ayon naman kay DBM Undersecretary Margo Salcedo, may mga hakbang silang sinusulong para malimitahan ang pagkaroon ng unprogrammed plans sa national budget.
04:34Where was the DBM in all this?
04:39Did they not see that all of a sudden flood control projects were the favorite of all the congressmen?
04:47If they could not see it, who could?
04:50There has been a proposal to come up now with a Philippine Budget Code,
04:55Specifically also addressing unprogrammed appropriations
05:00Setting a limit to set a cap for unprogrammed appropriations
05:05Sirius Pindian at Philippine Coast Guard
05:16Ang paghanap sa labi ng mga nawawalang samungero sa Taal Lake
05:20Ayos sa Department of Justice
05:21Ito'y dahil sa masamang panahon at pag-aalboroto ng Balkan Taal
05:25Itong weekend
05:25Ipagpapatuloy na lang daw ang operasyon kapag bumuti na ang sitwasyon
05:29Ayos sa DOJ, as of October 12, meron ng 887
05:34Nang hinihinalang buto ng tao na narecover sa Taal Lake at Sinusuri
05:38Noong July 10 na magsimula ang paghahanap sa mga labi ng mga nawawalang samungero sa lawa
05:43Doon daw kasi tinapan ng mga labi
05:45Kaya sa whistleblower na si Julie Dondon Patidongan
05:50Naungkat sa pagdinig ng budget ng Senate Electoral Tribunal
05:54Ang nakabinbing co-warantong petisyon laban sa isang nakaupong senador
05:58Bagamat hindi binanggit ang pangalan sa pagdinig
06:01Sinabi ni Senador Erwin Tulfo na handa siyang harapin ng petisyon
06:05May unang balita si Rafi Tima
06:07Sa pagharap ng kinatawan ng Senate Electoral Tribunal sa pagdinig ng Senate Committee on Finance
06:14Kaugni ng budget nito, lumabas na merong nakahain ditong petisyon laban sa isang senador
06:18We have a petition for co-warant against one of the members of the Senate
06:23Filed on July 15, 2025
06:27On the ground of alleged ineligibility due to citizenship
06:33Ang co-warantong petisyon ay isang legal na aksyon para kwestiyonin ang legalidad ng paghawak sa pwesto ng isang pampublikong opisyal
06:39Sa kaso ng senador, tungkol na ito sa kanyang citizenship
06:42Hindi na nagbigay ng detali sa anonsasyon at hindi niya rin niya pinangalanan ang senador
06:47Pero sa isang slide na ipinakita sa pagdinig habang tinatalaki ang accomplishments ng tribunal
06:52Nakasaad na nakatanggap sila ng petisyon laban kay senador Erwin Tulfo noong July 2025
06:58Pending daw ito ngayon sa tribunal at ginagawa ng sekretaryat ang lahat ng preliminary actions
07:02Nang naaayon sa kanilang panuntunan
07:05Itong nakafile ngayon
07:06Yes po
07:07Pending pa po
07:09In one year mariresolve na yan
07:11Hopefully po
07:14Kaya ba?
07:15Kaya naman Your Honor
07:16Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Tulfo na alam niya ang tungkol sa nakabimbing co-waranto case
07:20At handa raw siyang harapin ito
07:22Sabi ni Tulfo, ang petitioner siya rin daw nagharap ng disqualification case laban sa kanya noong kampanya
07:28Lahat daw ng disqualification case laban sa kanya ay dismissed na
07:32Matatandaan noong panahon ng kampanya
07:35Kinwestyon sa Comelec ang citizenship ni Tulfo
07:37Dahil hindi raw niya umano na renounce ang kanyang US citizenship
07:40Dinismiss kalauna ng Comelec ang petisyon
07:43Yan ang unang balita
07:45Rafi Tima para sa GMA Integrated News
07:47Nagtsatsaga sa paghintay ng masasakyan ng mga chance passenger na uuwi sa kanika nilang probinsya para sa undas
08:02Ilang kasi na makabiyahin ng bus fully booked na
08:05Mula sa Kansas City, may unang balita
08:07Si James Agustin
08:09James
08:10Igang good morning, ngayon pa lamang ay marami na mga biyahe yung fully booked na patungo sa Bicol Region at sa Ilocos Sur sa ilang bus terminal
08:22Dito po sa Cubao sa Quezon City
08:24Yung mga chance passenger, may meron naman sila mga masasakyan ng mga extra buses
08:27Yun nga lang talagang tsagaan sa paghihintay
08:30Alas 3 pa na madaling araw dumating sa bus terminal sa Cubao, Quezon City, si Gina kasama ang kanyang mga kaanak
08:39Ngayon lang sila ulit makakauwi sa Camarines Norte matapos ang halos tatlong taon
08:44Kung may mga pauwi sa probinsya, si Marilu naman kababalik lang dito sa Metro Manila kanina madaling araw
09:02Mas inagahan niya kasi ang pagdalaw sa kanyang yumaong mahal sa buhay sa Camarines Norte
09:07Eh hirap kasi pag yung dagsaan ng tao, yung aras-hour ka nang hirap din
09:13Kaya mas okay lang yung mauna ka nang umuwi
09:16Hindi ka maha-hustle
09:19Experience ko na kasi yan eh
09:20Kaya ayaw ko nang maulit
09:22Maghihintay ka pa ng ilang oras
09:24Fully booked na ang mga biyahe ng mga air-conditioned buses na patungo dahil Camarines Norte
09:29Mula ngayong araw hanggang October 31
09:31Ang mga chance passenger may masasakyan naman
09:34Pero tsagaan sa paghihintay
09:36Meron naman po kami niya extra buses na ordinary na maraming pambakante
09:40At may extra pa dyan na aircon kung sakali mang dadagsapa uli ang pasahero
09:46Sa bus terminal namang ito, fully booked na rin sa October 30
09:50Ang mga biyahe ng air-conditioned buses na patungo ang La Union at Ilocos Sur
09:54Si Josefina kasama ang kanyang dalawang apo
09:57Galing pa silang Camarines Sur at pabiyahe ngayong araw patungo ang Ilocos Sur
10:01Baka mahihirat ng pagbiyahe sa kasi marami ng pasahero
10:05Kaya ngayon sinamantala ko na kasi kukunti pa lang ang pasahero
10:09Si Raul galing namang Camarines Norte at pauwi sa La Union
10:12Nasa uwi kasi ang kanyang nanay noong linggo
10:15Habang maluag pa po, hindi nagpaalam na muna ako sa trabaho
10:19Ayon sa pamunuan ng bus terminal
10:23May extra buses naman silang babiyahe para matugunan ang dagsa ng mga pasahero para sa undas
10:28Sa matalaigan, yung mga inabutan natin na mga chance passenger
10:36Kanina madaling araw dito sa bus terminal na ito sa Cubao
10:38Ay kasasakay lamang nila sa bus at makakabiyahe sila bago mag-alas 8
10:43Ngayong maga patungo sa Bicol Region
10:44Kanyang nga lang, ito yung mga ordinary non-airconditioned buses na dahil fully booked na nga po yung mga airconditioned buses
10:50Yan ang unang balita, mula rito sa Quezon City
10:52Ako po si James Agustin para sa GMA Integrated News
10:55Dinagsana ng GMA employees ang Kapuso Bloodletting Day ng GMA Kapuso Foundation
11:02At Philippine Red Cross itong biyernes
11:04Sinagawa yan para sa mga biktima ng lindol sa Cebu at Dabao
11:08At para sa iba pang lugar na nangangailangan ng dugo
11:11Presa sa Bloodletting Day si GMA Kapuso Foundation
11:14Executive Vice President
11:16And Chief Operating Officer Ricky Escudero Katibog
11:19It's really a united effort
11:23From GMA Management
11:25Its employees
11:27And even GMA's cooperative
11:30So talagang lahat sama-sama
11:32To make this bloodletting successful
11:34Nasira at nahulog sa dagat
11:46Ang ilang puntod sa isang sementeryo sa Marangay Manihakan sa Zamboanga City
11:50Ayos sa Marangay, nasira kasi ang seawall sa lugar
11:53Dahil sa malalakas sa hampas ang alon tuwing high tide
11:55Inabisuhan na nila mga kaanak na mga nakalibing doon
11:59Na ililipat ang mga buto malayo sa dagat
12:01Ininspeksyon na rin ang mga taga City Engineering Office
12:04Ang pinsala sa seawall
12:05Na isa sa ilalim sa rehabilitasyon
12:08Sa Bugo, Cebu naman
12:11Sinimulan nang ipagawa ng ilang kaanak
12:13Nasira ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay
12:16Sa Corazon Cemetery
12:17Kasama yan sa mga napinsala ng magnitude 6.9 na lindol
12:20Noong September 30
12:21Nasira rin ang bone chamber dahil sa lindol
12:24Kaya ang mga butong laman nito
12:26Inilipat muna sa tinatawag na payag-payag
12:29O makeshift na nicho
12:30Isa rin ang Corazon Cemetery
12:32Sa mga pinaglibingan ng mga nasawi
12:34Sa malakas sa lindol
12:35Nabilang sampung magkakaanak
12:37At magkapit bahay
12:38Na nadaganan ng mga gumuhong bato
12:40At lupa
12:41Sa Marangay Binabag
12:43Nagpaligsahan ng mga cheesemaker
12:47Mula sa 13 bansa
12:48Sa Raclette World Championship
12:51Sa Morgan, Switzerland
12:52Ang raclette ay isang traditional swish dish
12:55Na ginagamitan ng masarap na melted cheese
12:58Mahingit 150 klase ng cheese
13:01Ang sinuri ng mga hurado
13:02Base sa appearance, texture at lasa
13:06Ayon sa isa sa mga judges
13:08Layon ng kompetisyon na
13:09Ma-promote ang cheesemaking
13:11Ang mapipili ay siyang tatanghaling
13:13World's Finest Raclette
13:16Igan, mauna ka sa mga balita
13:18Mag-subscribe na
13:20Sa GMA Integrated News
13:21Sa YouTube
13:22Para sa ibang-ibang ulat
13:24Sa ating bansa
13:25Halda
13:26Sa выход
13:27M生 conscienq
13:29Ho
13:30Mua
13:30Mua
13:31Mua
13:34Mua
13:36Well.
13:37Sorry
Be the first to comment
Add your comment

Recommended