00:00This is the Super Typhoon Nando.
00:30Igan, magandang umaga mula nga kagabi, alas 11 ng gabi, hanggang sa oras na ito ay inuulan at binabayo ng malakas na hangin itong Santaan na Kagayan dahil pa rin yan sa Super Typhoon Nando.
00:49Halos walang hinto ang paalala ng mga otoridad sa Santaan na Kagayan kagabi na dapat nang lumikas ang kanilang mga residente, lalo na yung mga nakatira sa coastal area.
01:00Ang iba't pwede dito ay baranda, ano mang oras kasi daraan sa Santaan ang Super Typhoon Nando bago dumiretso sa Batanes area.
01:12Nauwutan namin ang residente nito na naglalagay ng takib sa kanyang mga bintana.
01:16Pagpatak ng bandang mag-aalas 11 ng gabi, nagsimula na magparamdam ang bagyong Nando.
01:26Sa tinutuluyan naming hotel sa Santaana, ramdamang unti-unting paglakas ng bagyo.
01:30Nagsimula sa mahinang hangin at bahagyang ulan.
01:36Hanggang sa sumisipol na ang malakas na hangin.
01:43Mas lumakas na rin ang pagulan.
01:45Ang mga puno tila sumasayaw.
01:47Habang papalalim ang gabi, mas lalong lumalakas ang bagyong Nando.
01:51Sa Santaana, kagaya, tumutuloy kami sa isang hotel na malayo naman sa coastal area para mas maging safe lang itong ating team.
02:14Ito at malakas pa rin nga itong hangin dito sa kinaroroon na namin at yung pag-uulan.
02:22Napakalakas pa rin.
02:23At ayon sa PDRRMO, wala na ng supply ng kuryente sa buong Santaana.
02:29Ayon din sa PDRRMO, meron tayong mga nakuwang datos mula sa kanila.
02:34Kaugnay doon sa mga evacuees natin.
02:37Sa Santaana, meron ng 703 families na mga in-evacuate.
02:42Karamihan dyan ay yung mga nasa coastal area.
02:44Sa bayan ng Baggao ay 246 families na.
02:48Itong mga pamilya na nandun sa Baggao area naman na nasa evacuation center.
02:55Sa Pamplona ay may 304 families.
02:58Habang sa Kalayan, kung saan yung tinutumbok nitong superbagyong Nando,
03:04ay meron naman tayong 634 na families na nasa evacuation center.
03:09At live mula rito sa Santaana, kagayan.
03:12Ako si Nico Wahe para sa GMA Integrated News.
03:14Nakabantay rin ang mga otoridad sa Ilocos Norte na may nakataas na storm surge warning
03:19dahil sa Super Typhoon Nando.
03:21May unang balita live si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
03:25Sandy!
03:25Igat na rito ako ngayon sa Kapitulyo ng Ilocos Norte.
03:32At sa mga oras na ito ay tumila na yung pag-ulan na may kasamang hangin kanina.
03:37Sa ngayon isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3
03:41ang northern at central portions ng Ilocos Norte.
03:44At signal No. 2 naman sa iba pang bahagi ng Ilocos Norte,
03:48bunsod ng Super Typhoon Nando.
03:50Huspusa na rin ang pagbabantay ng Philippine Coast Guard Ilocos Norte
03:54dahil sa inilabas na storm surge warning ng mga otoridad sa mga baybayin ng Banggi,
03:59Pagudbud, Burgos, Bakara, Badok, Kurimao, Lawag City, Paway, Pasukin at Pinili.
04:07Inaasahan dito ang alon na may taas mula sa isa hanggang tatlong metro.
04:12Pusible rin ang pag-apaw ng mga ilog tulad ng Padsan River
04:15kaya naman pinag-iingat ang mga residenteng nakatira malapit doon.
04:19Samantano sa Ilocos Sur naman, mahigpit pa rin minomonitor ng otoridad
04:23ang bayan ng Bantay, particular ang mga ilog, lalo na ang Banawang Avra River System.
04:29Kasabay rin ito ang tuloy-tuloy na clearing operations na isinasagawa
04:33sa bayan naman ng Santa sa Ilocos Sur.
04:36Ngayong araw, suspendido ang klase sa lahat ng antas
04:39sa lahat ng mga probinsya sa buong Ilocos Region.
04:42Igan, paalala ng PDRRMO sa mga residente na nakatira sa low-lying area
04:48na lumikas na bago pa bumaha.
04:50I-secure na rin maging ang mga alagang hayop at yakin na nasa ligtas silang lugar.
04:55Igan.
04:56Maraming salamat, Sandy Salvasio, ng GMA Regional TV.
05:00Iginiit ng Philippine National Police na nagpatupad sila ng maximum tolerance
05:05sa mga kilus protesta kahapon pero hindi naiwasang magkaroon ng tensyon sa Mendiola sa Maynila.
05:10Arestado ang ilang kabataan dahil sa umunay pambabato at pananakit sa ilang polis.
05:15May unang balita si Athena Imperial.
05:24Nauwi sa gulo ang protesta sa Mendiola kahapon.
05:30Binato ng mga kabataan ng mga polis.
05:36Binomba ng water cannon ang mga ralihista.
05:45May nanira ng motorsiklo.
05:50At ng traffic light.
05:53Mula sa Ayala Bridge kung saan nagkagulo rin sa pagitan ng mga ralihista at mga polis,
05:58dumiretsyo sa Mendiola si DILG Secretary John Vicremulia para tingnan ang riot na nangyayari.
06:06Nagsisimula ng humarang yung mga polis, yung MPD dito.
06:09Sa bahagin ito ay huminto muna si SILG kasi baka pumunta dito yung ibang ralihista.
06:16So minamando na rin ng mga polis yung traffic.
06:18Wala na munang nakakapasok sa bahagin ito ng legarda.
06:20Secretary, ano po ang plano natin from here?
06:25Maximum tolerance pa rin. We hold the line.
06:27Hindi pwede manaig ang anarchy dito.
06:30Ang batas, batas.
06:31Napaatras ang karamihan ng mga ralihista sa Recto Avenue.
06:37Ang mga polis pinalibutan ang intersection ng mga kalien ng Mendiola, Legarda, Karasal at Recto.
06:44Sumubok pang makabalik sa harap ng Mendiola ang mga nagpo-protesta pero bantay sarado na ng MPD ang area.
06:53Maya-maya pa, inaresto na ng otoridad ang umano'y mga nanakit, ng bato at ng gulo sa rally.
06:59Kuya, ano'y ginawa mo?
07:01Wala, wala akong ginagawa ma'am. Nagkakayos ako ng kinailas ko, inuuli nila ako.
07:04Alam namin ginagawa niya ang trabaho niya pero ***.
07:07Ginagawa lang ginagawa ng kalapatan namin.
07:09Ma.
07:10Ano pala yun yun? Pinaglalaban namin yung kalapatan namin.
07:12Ninakalang awad kami.
07:14Kung ginakailangan, para lang mapakinggan tayo.
07:16Paulit ulit na tayong lumalaban.
07:18May nangyari ba?
07:20Wag labay ang kapatahan!
07:22Guys, ganito.
07:23Paulit ulit na tayong nagraralay, paulit ulit na tayong nasayagipag-usap sa kanila.
07:26May nangyari ba?
07:28Wala naman, di ba?
07:29Ito ang unang balita Athena Imperial para sa GMA Integrated News.
07:36Mugod sa Metro Manila,
07:37kabi-kabi lang kilos protesta rin ang isinagawa sa iba pang bahagi ng Luzon.
07:41Nagmarcha patungo sa tanggapan ng Bulacan First District Engineering Office
07:45ang iba't ibang grupo ng naralista sa Malolos.
07:48Kinandado pa nila ang opisina gamit ang replikang kadena.
07:51Sa harapan naman ng Malolos Cathedral,
07:52nagtipong-tipong ng grupo ng mga magsasaka at mangisda.
07:56Nag-protesta rin ang mga residente ng Kalumpit Bulacan na kadalasang nakararanas ng pagbaha.
08:01Nagsama-sama naman sa Malcolm Square sa Baguio City,
08:04ang mga residente at estudyante ng Benguet Province.
08:07Nagkaroon ng magkahiwalay na kilos protesta
08:09ang mga magsasakakasama ng kabataan pati mga polis sa Lawag, Ilocos Norte.
08:15Sa Tugigaraw City sa Cagayan,
08:16nagmarcha patungo sa Rizal Park ang mga ralista bit-bit ang kanika nilang placard.
08:23Sa Bicol Region naman,
08:25nagmarcha rin kontra katiwalian ang iba't ibang grupo ng kabataan sa Katanduanes.
08:30Idinaos naman sa First Rizal Monument ang kilos protesta sa Daet, Camarines Norte.
08:36Sa harap naman ng Sorsogon Provincial Capital,
08:39nanawagan ng pananagutan ang mga ralista sa Sorsogon City.
08:46Dumalong si Vice President Sara Duterte sa pagtitipo ng mga taga-suporta
08:51ng kanyang pamilya sa Tokyo, Japan.
08:53Pinotesta rin ng mga grupo sa Tokyo ang korupsyon sa Pilipinas.
08:57Nananawagan din sila na palayain na si dating Pangulong Rodrigo Duterte
09:00na ngayong nakakulong sa Dehague, Netherlands,
09:03para sa kasong murder as crime against humanity.
09:08Ayon kay BP Duterte, may bansanang handang tumanggap sa dating Pangulo
09:11sa kaling payagan ng International Criminal Court,
09:13ang interim release.
09:16Meron ng isang bansa na nagsabi na okay lang
09:25na dito ninyo ilagay si dating Pangulong Rodrigo.
09:30Medyo natagalan ang pag-file namin ng interim release
09:36dahil kinausap pa namin.
09:42So medyo matagal yun dahil hindi madali makipag-megusasyon.
09:47Hindi ko masabi sa inyo kung saan, pero pwede kong sabihin,
09:51hindi siya sa Japan.
09:52Bukod sa Japan, nagtipon din ang Duterte supporters sa Dehague, Netherlands
09:57at dumalaro ng ina ng visa na si Elizabeth Zimmerman
10:00at si dating presidential spokesperson Harry Roque.
10:04Dito naman sa Pilipinas, nag-rally ang Duterte supporters
10:06sa labas ng Camp Aguinaldo sa Quezon City,
10:09gaindi sa liwasang Bonipacio sa Maynila.
10:12Panawagan ng mga grupo, mag-resign na si Pangulong Bogbo Marcos
10:15dahil dismayado sila sa anilay korupsyon sa bansa.
10:19Kinukuha pa namin ng tugon ng Palacio Rito.
10:23Gusto mo bang mauna sa mga balita?
10:26Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube
10:28at tumutok sa unang balita.
Comments