00:00Let's go!
00:30Let's go!
01:00Let's go!
01:30Let's go!
02:00Christmas tree, ayan, nandito.
02:03At may mga Santa Claus pa, ayan, diba?
02:07Ang gaganda ng mga makikita nyo po rito, iba-iba rin po, pwede pa tayong tumawad.
02:11At ito namang isang tindahan na ito, kilala raw ito dahil iba-iba yung mga designs nila medyo unique.
02:16Katulad nito, yung mga pansabit, mga pang-decor, mga ice cream, donuts, yan, candy, lahat yan, nasa 50 pesos per piece lang po yan.
02:27Tapos ito namang house lights, nasa 1,200 po yan.
02:30Pampadagdag ng kulay sa inyong mga buhay ngayong Pasko, no?
02:34At syempre may mga Santa Claus din tayo na pansabit at kung ano-ano pa mga kapuso.
02:39So, ang sinasabi po sa atin, eh, stable naman na ang kanilang mga presyo hanggang sa magpasko.
02:45So, dapat, hindi na sila magtataas.
02:47Kaya kapag medyo nagtas po sila, eh, sabihin nyo, dati sabihin nyo, stable na ang presyo.
02:52So, yan daw po ang pangako nila, magiging stable na yung mga presyo.
02:55At sa lahat pa ng mga kababayan natin, napupunta pa ngayon dito sa Devesoria,
02:59huwag nyo pong kalimutan na magdala ng inyong mga panangga sa ulan o di kaya sa araw.
03:03Dahil kahit na ano naman, umaraw man o umulan, eh, maganda, meron kayong dalang mga payong
03:08para hindi kayo magkasakit, no? Sa mga ibat, pang bago-bago ng panahon.
03:12So, yan muna ang latest na sitwasyon. Napakaraming tayong mga kababayan dito
03:16na talagang ang saya, nage-enjoy sa kanilang pamamasyal at pamimili.
03:21So, yan muna ang latest na sitwasyon. Mula pa rin dito sa Devesoria. Balik muna sa studio.
03:25Pagbabago sa Pilipinas at makayos sa kalusugan ng kanilang mga mahal sa buhay.
03:30Yan ang dasal ng ilang deboto ng Inang Birheng Maria, ngayong Feast of the Immaculate Conception of Mary.
03:36Live mula sa Maynila, may unang balita si Bea Pintla.
03:39Bea!
03:42Ivan, kahit paambon-ambon, marami ng katoliko rito sa Manila Cathedral
03:47para sa unang misa, ngayong Feast of Immaculate Conception.
03:53Mariyang puno ng milagro, karamay sa kagipitan at katuwang sa buhay.
03:58Ito ang Birheng Maria para sa ilang katolikong nakausap natin ngayong umaga.
04:02Ang ilan sa kanila matagal at malalim ang tauspusong pasasalamat kay Maria.
04:07Hindi raw kumpleto ang December 8 nila kapag hindi nadadalaw at nakapagpapasalamat sa kanya.
04:13Bilang paggunita sa Immaculate Conception, halos 60 imahen ni Birheng Maria ang inikot sa Intramuros para sa Grand Marian Procession kahapon.
04:22Bukod sa 8 a.m. mas, magkakaroon pa ng misa rito sa Manila Cathedral mamayang 10 a.m., 12.10 p.m. na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at may misa rin ng 4 at 6 p.m.
04:37Ivan, ang dalangin ng mga deboto ni Maria na nakausap natin, mapabuti pa ang kinabukasan na ipapamanan nila sa kanilang mga anak at mga apo.
04:48Special non-working holiday po ngayong Feast of Immaculate Conception at suspendido ang number coding sa Metro Manila.
04:55Yan ang unang balita mula rito sa Manila.
04:57Bea Pinlac para sa GMA Integrated News.
05:00At salipin natin ang sitwasyon sa Paranaque Integrated Terminal Exchange Show PITX ngayong Holiday Monday.
05:08Ngayon ang balita live si Pam Alegre.
05:11Pam!
05:15Ivan, good morning. Long weekend. Kaya may ilang mga pasahero dito sa PITX na nagmula sa bakasyon.
05:20Nakausap natin yung pasahero na si Karen Sinosin na kakagising lang at kakababalang ng bus mula sa biyahe niya sa Bicol dito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
05:33Banayad at mabilis daw ang kanilang biyahe ngayong Holiday.
05:36Nakausap din natin ang isa pang turista, si Vilma Osorio na nakarating naman mula katanduanes.
05:41Isinakturo talaga niya na ngayon bumiyahe habang wala pang maraming kasabay.
05:45Hindi rin siya nakaranas ng anumang aberya.
05:46On schedule, lahat ng mga biyahe sa PITX at nakaalis on time ngayong umaga ang mga biyahe mapanorte tulad ng Baguio, Nueva Ecija at Olongapo o mapasout katulad sa Batangas at Cavite ayon sa pamunuan ng PITX.
06:00Nananatili ang kalidad ng seguridad sa busport kabilang na ang baggage check at routine patrols.
06:05Pakinggan natin ang pahayag ng mga nakausap nating mga pasahero.
06:11Kasi po, ubusan po ng ticket ngayon eh.
06:13Yun po, para hindi nang papasad ng traffic.
06:17Kamas na yung biyahe?
06:18Ay, ayun po, okay naman po yung biyahe. Hindi naman po siya super traffic.
06:22Kakagising?
06:23Kakagising lang din.
06:24Medyo okay pa po, hindi pa crowded.
06:27Magkulang pa ang pasahero.
06:29Okay.
06:30Kaya nga sabi ng ano doon sa amin,
06:32ano, magbiyahe ka na kasi yung para yung pamasahe,
06:36medyo mababa pa.
06:38So Ivan, daman-dama yung holiday vibe dito sa ating likuran.
06:47Wala gaano masyadong pasahero sa ngayon.
06:50And patuloy rin yung pagdating ng mga biyahe na galing sa kanika nilang mga destinations.
06:54Ito ang mga balita, malarita sa PITX, Bama Lagre, para sa GMA Integrating News.
06:59Mga kapuso, nasa 1,500 po na special bus permits ang in-issue ng Land Transportation Franchising
07:05and Regulatory Board o LTFRB para sa holiday exodus.
07:08Ito'y para matiyak na sapat ang mga bumabiyahing bus mula December 15 hanggang January 16, 2026.
07:20Ayon sa LTFRB, nagdagdag din sila ng Transportation Network Vehicle Service o TNVS
07:26sa mga paliparan para may masakyan agad ang mga pasahero.
07:29Nauna nang iniutos ng Department of Transportation sa LTFRB na dapat pagmultahin ang mga taxi at TNVS drivers
07:37na magkakansela ng booking ng mga pasahero sa kasagsaganang holiday rush.
07:42Hindi raw dahilan ang matinding traffic at malayong pick-up o drop-off points para magkansela ng booking.
07:48Isang incumbent senator ang isa sa dalawang big fish na malapit na raw kasuhan kaugnay sa isyo ng flood control.
08:03Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulia, sumulat na siya kay Senate President Tito Soto
08:08para pigilang makalabas ng bansa ang hindi pa tinutukoy na senador.
08:13May unang balita si Jonathan Andal.
08:18Kasunod din na Zaldico at Sara Diskaya, may dalawa pang malaking isda ang malapit ng sampahan ng kaso ng Ombudsman
08:27dahil sa isyo ng korupsyon sa flood control projects.
08:30Sinabi yan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia sa kanyang radio program.
08:34Of the big fish, may isa tayong tingin ko hinug-hinug.
08:39Papasok.
08:39Papasok na.
08:40Papasok.
08:40May isa pa na yung PI na delay ng konti pero malapit na rin yun.
08:46Marami pa tayong ibang inaay ng ibang cases kaya within the next few days marami ipofile.
08:54Sandigan tsaka sa RTC.
08:56Regular.
08:56RTC, RTC.
08:57Magaya yung RTC kaya.
09:00Walang binigay na pangalan si Remulia pero sinabi niyang sumulat siya kay Senate President Tito Soto
09:05para pigilang makalabas ng bansa ang isang senador.
09:08Simulat din ako kay Tito Sen na huwag nabigyan ng travel authority.
09:13Ibig sabi yung senador yan.
09:14Isang nakaupo.
09:15Isang nakaupo.
09:17Ano pa ang pulo mo?
09:19Ano ang pulo?
09:19Tatlo.
09:20Kaya lang, yung isa kasi mahihinug na eh.
09:23Wala muna.
09:23Wala muna.
09:24Pero yung isang nakaupo, hinug na hinug na.
09:27Oo.
09:27Pero sabi ni Senate President Soto, hindi niya pa natatanggap ang sulat ni Remulia.
09:33Hindi ang niya required kumuha ng travel authority ang isang senador kung personal ang biyahe.
09:39Sabi ni Soto, sa polisiya ng Senado, official travel lang daw ang kailangan ng approval ng Senate President.
09:45Pero iba ang opinion dyan ni Remulia.
09:47When you join government, you surrender your right to travel.
09:52And even your personal travel, you need the travel authority.
09:54Si dating Senador Bong Revillia na iniimbisigahan din ang ICI, sinabi naman sa isang pahayag na ginagamit daw ang kanyang pangalan para malihis sa katotohanan.
10:04Hindi raw siya umurong noon at hindi uurong ngayon.
10:07Aniya, nasa panig niya ang katotohanan.
10:10Sinabi rin ni Remulia na under investigation si dating Undersecretary Terrence Calatrava.
10:16Wala siyang binigay na detalye kaugnay nito.
10:19Nag-resign si Calatrava bilang Undersecretary ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas.
10:24Na idinawit din ang mga diskaya sa pagkubra ng kickback sa mga flood control project.
10:29Kay Terrence Calatrava po, nag-usap po kami nito sa kanyang kondo po sa Makati.
10:36Tapos ang inuutusan na lang po niya na kumuha po ay si *** at saka yung kasama po po si ***.
10:43Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Calatrava.
10:47Itong unang balita, Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
10:51Kasado na ang NCAA Season 101 Men's Basketball Finals sa pagitan ng Sanbeda Red Lions at Letra Knights.
11:06Pagkatapos yan ang comeback win ng Red Lions laban sa Benil Blazers kahapon.
11:10Sa Game 3 ng kanilang semi-finals matchup, humabol ang Red Lions sa 4th quarter hanggang magwagi sa score na 84-81.
11:18Sa Merkoles, December 10 ang Game 1 sa pagitan ng Red Lions at Knights.
11:24Mapapanood yan sa GTV at Heart of Asia, pati sa social media channels ng NCAA at GMA Sports.
Comments