Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 2, 2025


- LPG Price Hike


- Presyo ng lechon sa La Loma, tumaas dahil sa dagdag-gastos ng pagpapakatay at transportasyon


- 5 mambabatas, nakatakdang humarap sa ICI ngayong linggo; mga pagdinig, ila-livestream na simula ngayong araw


- Malakas na ulan, nagdulot ng baha na may kasamang mga bato at lupa | Mga motorista, hindi nakadaan dahil sa pagragasa ng baha sa highway


- Sen. Gatchalian: budget deliberations ng Senado, papaspasan na para maiwasan ang reenacted budget sa 2026 | Bicameral conference, nakatakdang simulan sa Dec. 11; General Appropriations Act, target papirmahan kay PBBM sa Dec. 29 | Bicam conference para sa 2026 budget, ila-livestream ngayong taon


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).




For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Let's get started.
00:30At 2 pesos per kilo ang itinaas sa presyo ng LPG ng Petron, habang 1 peso at 64 centavos naman ang kada kilo ng LPG ng Solain. Yan po ang mga dagdag presyo.
00:45At bunsot po yan ng paggalaw daw ng international contract price ng LPG.
00:51Sa mga nagtataka naman po mga kapuso kung bakit sa kabila ng pagdadeklara ni Pangulong Bombong Marcos ng State of National Calamity noong November 6,
01:01ay bakit may pagtataas pa rin sa presyo ng LPG?
01:04Dahil noong November 21 po ay nagwakas na yung 15 araw na price freeze para rito.
01:11Kaya naman ngayon, kukumustahin na natin kung ano ba ang mga sentimiento ng ating mga kapuso kaugnay dito sa panibagong pagdataas naman ng presyo ng LPG.
01:20Makakausap po natin ang isa sa mga bumibili, consumer ng LPG na si Ginuong Reynaldo Berkasha.
01:25Magandang umaga po sa inyo, sir.
01:26Alright, naku, nagtaas na naman po ang presyo ng LPG, no?
01:31Gaano po kayo ka-apektado nitong panibagong pagdataas?
01:34Kasi 2 pesos kada kilo para sa Petron, tapos 1 peso 60% tapos 7 kada kilo ng Soleil.
01:41Bali Bob, talagang sobrang malaking apektado sa aming lalo nata sa mga aming household at budget.
01:49Sa mahalin din ng mga bilhin, talagang mahira po talagang iano natin yung aming...
01:55Pagtitipid na lang siguro.
01:57Araw-araw po ba kayo nagluluto?
01:59Bali, mostly sa amin, sa isang buwan namin, yung LPG namin, hanggang isang buwan mahigit lang po.
02:05Ah, ganun, mabilis din o.
02:07O po mo.
02:08Tapos, kumbaga, yun, sinabi nyo, mahigit isang buwan lang.
02:14Yung ganitong sitwasyon, ano po ang magiging diskarte ninyo?
02:17Lalo na, magno-noche buena, maraming lutoan yan.
02:20Kumbaga, merong noche buena, maraming mga handaan pag Pasko.
02:23Ah, paano po magiging diskarte ninyo?
02:26Bali, siguro, ma'am, yun talaga.
02:28Bali, siguro, start ngayon.
02:30Siguro, mag-iipon kami ng 50-50 o 100 bawat sa isang pamilya namin para bunuhan namin yung aming loche buena.
02:39Sa tingin nyo naman po, mapapag-cash na nyo yung budget nyo para sa Kapaskuhan?
02:43Siguro, pwede. Kung, ano, share-share kami.
02:46May bonus na ba?
02:48Wala pa.
02:48O, sige pa. Marami-marami pong salamat. Good luck na lang po sa inyong diskarte, ha?
02:52Thank you, ma'am.
02:53Alright, salamat po.
02:54Samantala, mga kapuso, sa punto pong ito, tanungin naman po natin yung may-ari mismo ng tindahan ng LPG na si Yaginoong Jason Cabral.
03:05Magandang umaga po sa inyo, Sir Jason.
03:06Magandang umaga po. Magandang umaga din sa unang hiling.
03:09Alright, pumusta po yung bentahan?
03:11Kasi nag-anunsyo na naman po ng pagtataas ng presyo ng LPG, no?
03:15Tayo po ba, naramdaman nyo na kahit na medyo nagsisimula pa lang, no?
03:19Nararamdaman nyo na po ba yung etekton nito sa inyo pong pagkipinda?
03:22Ramdam po namin ang pagtaas, lalo na pag regular na buwan.
03:29Pero ngayon po kasing holiday season, inaasahan po namin na tataas yung benta namin dahil nga mga okasyon.
03:34Pero yun nga, sumabay po yung pag-increase ng LPG na nasa P22 pesos per cylinder.
03:43Nakikita ko naman, hindi naman siguro po masyadong makaka-apekto sa amin yung dahil nga kahit mahal,
03:48bibilihin pa rin po ng mga end user or consumer.
03:50Dahil kailangan pa rin naman nila magluto.
03:51Apo, magluluto ng mga panghanda po kasi.
03:53Alam nga naman mag-uling sila. Pwede rin, pero matagal.
03:56Pero ganun din po eh, mahal din po kasi yung uling eh.
03:58Oo, pero talagang ine-expect nyo, karaniwan na po ba yung ganito kapag panahon na nga pagpapasko,
04:03sasabay talaga yung pagtataas ng presyo?
04:05Opo, taon-taon naman po nangyayari yan.
04:07At yung December, nagbabago talaga yung presyo at kumataas po talaga.
04:10So paano nyo po kinukumbinsin?
04:11Kahit na, of course, alam na nga natin na yung mga kababayan natin,
04:15yung mga kapuso natin talagang bibili at bibili pa rin sila.
04:17Pero paano nyo kinukumbinsin talagang ituloy pa rin nila yung pagbili nila?
04:23Pinapaliwanag po naman namin na talagang tumaas po sa international market na yung presyo ng LPG.
04:28Kaya, no choice din sa lamang bumili kasi nga kailangan po nila.
04:32Ganitong holiday season, yan po.
04:35O, kailangan syempre maghanda para mas maging masaya pa rin ang pasto natin.
04:39Marami-marami pong salamat, Sir Jason.
04:41Yung may-ari nitong tindahan ng LPG na atin pong kinaroroonan ngayon.
04:47Dahil sa mga pagbabago yung pinatutupad matapos maapektuhan ng African Swine Fever,
04:51ang maraming tindahan ng lechon sa La Loma, Quezon City,
04:54tumaas na ang presyo ng mga lechon doon.
04:58May unang balita live si James Agustin.
05:00James, magka na itinaas?
05:01Doon saan, good morning.
05:07Dalawang libong piso na yung itinaas noong lechon dito sa La Loma
05:10matapos nga yung issue doon sa African Swine Fever o ASF.
05:14Karamihan, Susan, doon sa mga tindahan ng lechon dito sa La Loma
05:17ay nagbukas na ulit matapos yung mahigit dalawang linggo na pagsasara
05:20dahil nga sa ASF.
05:22Gaya ng isang tindahan, nandito lang weekend, nagbalik operasyon.
05:25Matuman daw talaga ang bentahan ng pagbabago.
05:27So, bawal na katayin ang mga baboy sa lugar
05:29at bawal na rin mag-stack ng mga buhay na baboy.
05:32Sa slaughterhouse na kinakatay ang mga baboy
05:34at dinadala na lang dito sa La Loma para lechonin.
05:36Sabi naman, nagtitinda dagdag gastos ito
05:38mula sa pagbabayad sa slaughterhouse
05:40sa transportation costs ng mga baboy.
05:42Ang epekto nga nyan, ngayon pa lang
05:44nagtaas na sila ng presyo ng lechon.
05:46Alimbawa, yung 6 kilos na lechon
05:48ay 10,000 pesos na mula sa dating 8,000 pesos.
05:52Mabibili naman ang 7 to 8 kilos na lechon
05:54sa 12,000 pesos habang ang 9 to 10 kilos na lechon
05:57ay 14,000 pesos.
05:59Tumaas na rin ang per kilo na mabibili sa 1,400 pesos
06:02mula sa dating 1,200 pesos.
06:05Umaasa naman ang mga nagtitinda
06:06na makakabawi sila ngayong magpapasko.
06:08Pagsisiguro nila sa mga consumer,
06:10ASF free ang mga lechon dito sa La Loma
06:12at ligtas itong kainit.
06:14Matumal po ang bintahan ngayon, as in sobra.
06:19Dito na dati na,
06:21kung alimbawa, sampo ang kakataya namin,
06:23ngayon,
06:24nag-adjust muna kung
06:28ilan ang kakataya namin
06:30kasi medyo matumal talaga
06:31pagpasok ng December na ito.
06:34Sana lumakas.
06:36Makabawi man lang.
06:36Samatala, Susang,
06:43karaniwan na yung ganitong sitwasyon
06:44dito sa mga tindahan ngayon sa La Loma.
06:46Dati hilera yung mga lechon.
06:47Halimbawa, dito sa isang tindahan na ito,
06:49dati sampo daw talaga
06:51yung inisyal na kinakatay nila
06:52tuwing umaga.
06:53Pero ngayon,
06:54ay lima na lamang
06:55dahil tinatansya nila
06:56yung dating ng mga mamimili
06:57dahil sobrang tumal.
06:58At ang observation natin,
07:00simula na dumating tayo dito sa La Loma,
07:02kung dati po ay hindi pa maliwanag,
07:04meron na mga mamimili dito
07:05at may mga nagtatanong na
07:07ng presyo ng lechon.
07:08Pero ngayon,
07:09ay hindi po ganyan yung sitwasyon.
07:11At talaga naman wala ka makikita
07:13ng mga mamimili dito.
07:15Kaya umaasay mga nagtitinda na sanay
07:16bumalik yung sigla
07:17ng mga nambentahan ng lechon
07:19dito sa La Loma.
07:20Yan mo na ilitas,
07:21wala dito sa Quezon City.
07:22Ako po si James Agustin
07:23para sa Gemma Integrated News.
07:25Ilang mababatas ang nakatakdang humarap
07:37ngayong linggo sa ICI.
07:39Sila ay sina Presidential Sun
07:40at House Majority Leader
07:41Congressman Sandro Marcos,
07:43Davao City First District Representative
07:45Paolo Duterte,
07:47Laguna Fourth District Representative
07:48Benji Agaraw Jr.,
07:50Bulacan First District Representative
07:52Danny Domingo
07:53at Benguet Loan District Representative
07:55Eric Yap.
07:57Imbitahan din ng ICI
07:58ang ilang kinatawan
07:58ng Land Bank of the Philippines.
08:00Simula ngay araw,
08:01ilalivestream na ng komisyon
08:03ang mga pagdinig
08:03sa kanilang social media page.
08:06Sa kaling humiling ng
08:07Executive Session
08:08ang kanilang mga inibitahan,
08:09titignan daw nila
08:10kung pasok sa kanilang guidelines
08:12ang basihan ng healing.
08:16Nakaranas na naman
08:17ang malakas na ulan
08:18at pagbaha
08:18ang probinsya ng Sarangani kahapon.
08:21Rumagas sa
08:21sa kalsada ng barangay Malbang
08:23sa bayan ng Maasim
08:24ang baha
08:24na may mga tipak
08:25ng bato at lupa.
08:27Ayon sa mga otoridad,
08:28walang nasaktan
08:29o nasawi sa insidente.
08:30Agad silang nagsagawa
08:31ng clearing operations
08:32sa lugar.
08:33Nahirapan din
08:34ang mga sasakyan
08:35na tumawid
08:35sa National Highway
08:36sa barangay Lagisan
08:38sa bayan naman
08:38ng Quiamba
08:39dahil malakas din
08:40ang ragasa ng baha.
08:41Ang pagulan sa Sarangani
08:42at iba pang bahagi
08:44ng Mindanao
08:44ay dulot
08:45ng Intertropical Convergence Zone
08:47ayon sa pag-asa.
08:48Papaspasan na raw
08:52ng Senado
08:52ang budget deliberations
08:53para maiwasan
08:54ng reenacted budget
08:55sa 2026
08:57ayong ka-Senate
08:57Finance Committee Chairman
08:58Sen. Sherwin Gachalian.
09:00Ang by-Cameral Conference
09:01para sa 2026 budget
09:03ilalive stream daw
09:04para transparent
09:05at iwas kontrobersya.
09:07May unang balita
09:08si Maki Pulido.
09:09Gipit na nga
09:13ang schedule
09:14na suspindi pa
09:15ang Senate session
09:16matapos magkasunog
09:17sa 3rd floor
09:18ng Senate Building.
09:19Nag-inspeksyon
09:20si Senate President
09:21Tito Soto
09:21para alamin
09:22ang tindi ng pinsala
09:23ng sunog.
09:25Iniimbisigahan pa
09:26ang sanhinang sunog
09:27sa 3rd floor
09:27ng Senate Building.
09:29Kahit na holiday
09:30pa sa City
09:31dahil pa sa Day
09:32papasok ang mga Senador
09:33para sa pagpapatuloy
09:34ng period of amendments.
09:36Paspasan na
09:37ayon kay Senate Committee
09:38on Finance Chairperson
09:39Sen. Sherwin Gachalian
09:40para maiwasan
09:42ang re-enacted budget.
09:43Kung wala ka beriya,
09:44inaasahang simulan
09:45ng by-Cameral Conference
09:46sa December 11
09:47at mapirmahan
09:48ang by-Cam Report
09:49ng December 16
09:50o isang araw
09:51bago ang Senate Christmas Break.
09:53Target mapirmahan
09:54ni Pangulong Bombo Marcos
09:55ang General Appropriations Act
09:57sa December 29.
09:59Very tight
09:59to be honest about it
10:01kasi like
10:01pag titignan mo nga
10:02yung by-Cameral
10:03na mention ko
10:043 days lang
10:05yung binigay namin
10:06sa really namin
10:07so we have to really
10:08work fast
10:10and find
10:11a common ground.
10:13Kung dati,
10:13sarado sa publiko
10:14ang by-Cameral Conference,
10:16ngayon naka-live stream ito.
10:18Sa by-Cam,
10:18pag-iisahin
10:19ang Senate
10:19at House version
10:20ng panukalang budget
10:21at isang yugtong ito
10:22sa budget process
10:23kung saan
10:24nagkakaroon noon
10:25ng budget insertions.
10:26Inaasahan ni Gatchalian
10:27na magkakaroon
10:28ng mainit na debate
10:29sa ilang issue.
10:30Isa ang unprogrammed budget
10:32lalo't tinapyas ito
10:33ng Senado
10:33sa P170 billion
10:35mula sa P230 billion
10:37Pusible ring
10:39pagtalunan
10:40ang dagdag na budget
10:41para sa rehabilitasyon
10:42ng mga probinsyang
10:43na salangta
10:43ng mga bagyo.
10:44Para matapos
10:45ang by-Cam
10:46sa loob
10:46ng tatlong araw,
10:47gusto ni Gatchalian
10:48limitahan
10:49ang diskusyon
10:50sa mga pagkakaiba lang
10:51ng House
10:51at Senate version.
10:52So I would suggest
10:56dahil naka-upload
10:59naman na ito
11:00sa website
11:00at yung
11:01senator greeting version
11:05at kung ano
11:05yung mga
11:05differences doon
11:07yun na lang
11:07ang pag-uusapan.
11:08I would propose
11:09na ganoon na lang
11:10na wala na tayong
11:12pag-uusapan
11:12outside of those
11:13kung hindi talagang
11:14magiging unwieldy.
11:15Bukas na mga ilaw
11:17sa session hall
11:17at meron na rin
11:18air conditioning.
11:19Pinatutuyo na lang
11:20ang carpet
11:21at sinicheck
11:22ang mga nabasang
11:23electrical wiring.
11:24Ito ang unang balita
11:25Mackie Pulido
11:27para sa GMA Integrated News.
11:29Igan,
11:30mauna ka sa mga balita,
11:31mag-subscribe na
11:32sa GMA Integrated News
11:34sa YouTube
11:34para sa iba-ibang ulat
11:36sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended