00:00Samantala, inanunsyo na ng Malacanang ang mga bagong presidential appointees
00:03kasama na ang bagong Chief Presidential Legal Counsel
00:06at iba pang Deputy Executive Secretaries, si Harley Valbuena sa detalye.
00:14Nagtalaga si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga bagong opisyal sa Malacanang
00:19ilang linggo bago matapos ang 2025.
00:23Una rito, pinangalanan ng palasyo ang kapalit ng Pumanaw
00:27na si former Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponsenrile.
00:32Chief Legal Presidential Counsel, Atty. Ana Liza Logan.
00:38Bago ito, si Atty. Ana Liza Logan ay nagsilbing Deputy Executive Secretary
00:44for Legal Affairs ng Office of the President.
00:48Miembro rin siya ng Board of Directors ng Philippine National Railways.
00:52Mahigit isang buwan ding naging bakante ang posisyong Chief Presidential Legal Counsel
00:57kasunod ng pagpanaw ni Enrile noong Nobyembre.
01:01Samantala, kinumpirma rin ng Malacanang ang pagtatalaga
01:05kay Department of Justice Undersecretary Attorney Jesse Germujanes Andres
01:09bilang Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.
01:13Nagtalaga rin ang Pangulo ng iba pang Deputy Executive Secretaries
01:17tulad ni Atty. Maria Lualhati Chuseco bilang Senior Deputy Executive Secretary
01:23Atty. Daniel Marie Rieza Culangin bilang Deputy Executive Secretary for General Administration
01:29at Joseph Irvin Obenza bilang Deputy Executive Secretary for Financial Affairs.
01:35Nangyari ang pagtatalaga ng Bagong Deputy Executive Secretaries
01:39kasunod ng naunang pag-appoint kay Executive Secretary Ralph Recto.
01:44Pinangalanan ding Undersecretary for Economic Affairs o OES
01:47si Atty. Irwin Santa Ana
01:49at Assistant Secretary for OES si Atty. Alemar Mosquito.
01:55Harney Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments