00:00Ipinaalalaan ng Department of Agriculture ang mga posibleng parusa sa mga vendor na lumabag sa kasong profiteering.
00:07Ayon sa DA, bukod sa multa, makukulong ang mga vendor na sobra kung magtaas ng presyo ng mga paninda.
00:13Si Harley Valbuena sa Detalye.
00:18Tuwing sumasapit ang kapaskuhan, normal na ang pagtaas ng presyo ng ilang bilihin dahil sa paglobo ng demand.
00:26Pero ayon sa Department of Agriculture, kwestyonable at pwedeng maituring na profiteering o pananamantala kapag ang pagtaas ng presyo ay aabot na sa 10% o higit pa.
00:40Paliwanag ng DA, papayagan naman ang mga taas presyo basta't ito ay justifiable o may katanggap-tanggap na rason.
00:49Pero babala ng DA, ang mga labis na price increase at profiteering ay may kaakibat na parusa kabilang ang 5,000 hanggang 2,000,000 piso multa at hanggang 15,000 pagkabilanggo.
01:03Under the Price Act po, may prima facie profiteering kung ang presyo po ng isang gulay ay 10% higher than the previous month.
01:14Lalo na kung wala naman pong pause or reason.
01:18Kasi kailangan pa naman natin malay mo may justification niya.
01:21But yun po yung prima facie, ibig sabihin still can be disputed.
01:26Ngayong holiday season, ay mas dadalasan pa ng Agriculture Department ang pag-inspeksyon sa mga pamilihan at palengke upang mabantayan ang presyo ng mga bilihin.
01:38Samantala, sinigundahan din ang DA ang naunang pahayag ng Department of Trade and Industry at iginit nito na sasapat ang 500 piso para sa noche buena ng isang pamilya.
01:50Ayon sa DA, kasha na ang 500 pesos kung simple lamang at hindi naman mag-arbo ang noche buena.
01:58Depende po kung ano yung gusto natin ihanda.
02:02Like for example, ngayon ang isang kilo po ng manok ay nasa 182 to 200 pesos.
02:09So at least pasok pa siya.
02:10Ang pork naman natin, 330 ang MSRP natin sa Liempo.
02:17Kasi Mang Liempo ay nasa 370, pasok pa rin naman.
02:21Bigas natin, lalo-lalo na may 20 pesos, may 35 pesos na local, 40 pesos.
02:27So tingin po namin, basta maayos lang po yung pagbabudget.
02:31Kaya naman po.
02:32Dagdag pa ng DA, pwedeng bumili ng pang-noche buena sa kadiwa outlets at pop-up stores sa halagang 20 hanggang 30% mas mababa
02:43kumpara sa regular na mga presyo ng mga produkto, direkta mula sa mga magsasaka.
02:49Yung ating mga gulay, like yung repolyo, mura po ngayon ng repolyo.
02:54Kung do-20, nasa 50 pesos per kilo lang kung gusto niyo magpansit.
02:57Karot din natin, medyo mura po yung local ngayon.
03:01Yung kahapon sa kadiwa natin, 50 pesos per kilo ang karot.
03:06Yung sayote din, nasa 50.
03:09Patatas, 60.
03:11So definitely po, nakatulong pa na sa farmer, mura pa yung mabibili mo.
03:17Harley Valwena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments