00:00Iniimbestigahan na ng Department of the Interior and Local Government
00:03ang pagiging missing in action ng ilang lokal na opisyal
00:06sa kasagsaga ng pananalasa ng mga bagyo sa bansa.
00:09Samantala, muli namang kinilala ng Malacanang
00:12ang kahalagahan ng maagap na paghahanda sa panahon ng sakuna.
00:16Si Kenneth Pasyente sa report.
00:20Nasa labas na ng bansa ang bagyong uwan
00:22habang puspusan ng relief at restoration operations,
00:26lumutang ang tanong,
00:27nasaan ang ilang lokal na opisyal nang tumama ang bagyo.
00:30Ayon sa Malacanang, iniimbestigahan na ng DILG
00:33ang mga ulat hinggil sa mga local officials
00:35na umano'y missing in action sa gitna ng kalamidad.
00:38Bagaman wala pang malinaw na paglabag sa batas,
00:41sisilipin ng kagawaran kung katanggap-tanggap
00:43ang magiging paliwanag ng mga ito.
00:45Gayon man, isa lang daw ang tiyak ayon sa palasyo.
00:48Ayaw ng pangulo sa mga lider na
00:50pachil-chil lang kapag may kalamidad.
00:52Hindi po niya gusto to.
00:53Hindi niya po gusto na ang mga liderato ay chill-chil lang.
01:01So, dapat ang trabaho ay para sa taong bayan
01:05kasi ang taong bayan umaasa po sa gobyerno
01:07lalo na sa mga gintong klaseng sitwasyon at kondisyon.
01:11So, hindi pwedeng sabihin lang na chill-chil lang palagi
01:14dahil dapat trabaho-trabaho, hindi bakasyon.
01:17Although hindi ko sinasabi nagbabakasyon sila, still,
01:21sasabi ko lang natin, iwasan natin na umalis ng bansa,
01:25tumugon sa kalagayan ng ating mga kababayan,
01:28lalo na kapag mayroong sakuna o dilubyong ganito.
01:31Muli namang binigyang diin ng Malacanang
01:33ang kahalagahan ng preemptive measures na ipinatupad
01:35bago pa man maramdaman ang matinding hagupit ng bagyong uwan.
01:38Sa pamamagitan ng maagap na preemptive evacuation
01:41at koordinasyon ng iba't ibang ahensya,
01:43nailigtas ang maraming pamilya mula sa peligro,
01:45isang hakbang na mismong kinilala ni Pangulong Marcos Jr.
01:48Yung mga paghahanda po na ipinapakita ng mga agencies
01:53na nakakapagsagip ng mga tao mula sa peligro,
01:58nakikita po ng Pangulo ang magandang ginagawa ng ating mga ahensya.
02:03Sa tulad po nang nireport natin ka po,
02:06426 families ang nailikas agad
02:10at ito ay naiwas sa anumang peligro.
02:14So malaking bagay po iyan.
02:15Ayon pa sa Palacio, patuloy ang pagpapatupad ng mga preemptive measures
02:19lalot batay sa forecast ng pag-asa,
02:21posibleng bumalik pa ang bagyong uwan.
02:23Patuloy namang umaarangkada ang mga hakbang
02:25para sa agarang pagbabalik ng servisyo sa mga apektadong lugar.
02:28Batay sa ulat ng DOE,
02:30454 sa 712 na munisipalidad na tinamaan ng bagyo
02:34ang agad na nagkaroon muli ng kuryente,
02:36habang ang DICT naman ay puspusan sa pagpapanumbalik
02:39ng signal ng komunikasyon.
02:41Sa report ng DICT kaninang alas 8 na umaga,
02:44nasa 82% ng nakabalik ang signal ng SMART,
02:4977% sa GLOBE,
02:5163% sa DITO,
02:53at 79% naman sa CONVERGE.
02:55Nagpapatuloy ang restoration ng signal sa mga apektadong lugar
02:59upang masiguro ang agarang pagbabalik sa normal ng komunikasyon doon.
03:04Patuloy namang pinatututukan ng Pangulo
03:06ang kalagayan ng mga apektado ng nagdaang dalawang bagyo.
03:09Sabi ng Malacanang buong pwersa ng administrasyon
03:11ang gumagalaw para aksyonan ang pangangailangan
03:14ng mga sinalantanang kalamidad.
03:15Nakita rin daw ng Pangulo ang naitulong ng Sierra Madre
03:18sa panahon ng Super Typhoon U1.
03:20Hintayin na lang ayon sa Malacanang
03:22ang pronouncement o pahayag ng Pangulo ukol dito,
03:24particular sa anumang hakbang para ito ay maprotektahan.
03:27Sa gitna ito ng pagnanais ng ilang environmentalist
03:30na magkaroon ng mas malakas na hakbang
03:32upang mabigyan ang nasabing bundok
03:34ng kailangang proteksyon.
03:35Kenneth Pasyente
03:37Para sa Pambansang TV
03:38sa Bagong Pilipinas