00:00Lubog pa rin sa Butik at Baha ang maraming lugar sa Cebu kasunod ng pananalasa ng Bagyong Tino.
00:07Puspusan naman ang paghahanda ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan para sa Bagyong Uwan na nagbabadzang Tumama sa buong Luzon at Visayas.
00:15Yan ang ulatin Harley Valbuena.
00:17Bumungad ang isang tila sinkhole na ito sa Cebu kasunod ng pananalasa ng Bagyong Tino sa isinagawang aerial inspection sa Cebu ng Office of Civil Defense.
00:31Kitang-kita ang lawak ng pinsalang iniwan ang bagyo, napinsala ang mga bahay at nalubog sa putik ang maraming sasakyan.
00:40Ayon sa OCD, pumalo na sa kabuang 188 ang mga napaulat na nasawi dahil sa Bagyong Tino.
00:48Pinakamarami ang namatay sa Cebu na umabot na sa 139.
00:52Isang daan na tatlumput lima naman ang nawawala habang halos isang daan ang nasugatan.
00:58Nasa mahigit 2.4 milyon na katao o mahigit 680,000 na pamilya ang apektado mula sa 32 probinsya sa walong rehyon.
01:09Nakapaghatid na ang OCD ng mahigit 127 milyon pesos na halaga ng tulong
01:14habang tuloy-tuloy din ang isinasagawang search, rescue at clearing operations.
01:20Samantala, sanib pwersa na rin nagaanda ang mga ahensya ng gobyerno para sa Tropical Cyclone Fong Wong
01:27o tatawagin sa local name na Bagyong Uwan at inasa ang magiging super typhoon.
01:33Ang areas of concern natin ay talagang itong Northern Luzon, Regions 1, CAR 2, 3, Calabarzon, no?
01:41And Region 5. Kasi napakalaki po nitong bagyong ito and it might even reach, no?
01:48Yung rain bands niya kung bababa pa siya.
01:51Kaya pwede pong umabot sa Region 6, NIR 7, and Region 8.
01:57Kaya naman ang mga nasa lantan ng Bagyong Tino, pinagahanda na rin sa Super Typhoon Uwan
02:03at pinapayuan ang mga lumikas na manatili muna sa evacuation centers.
02:08Dito sa Region 7, marami pong nasiraan ng bahay.
02:12So we really have to fast track yung pag-establish ng mga evacuation centers natin
02:19that can withstand itong pag-uulan na ito.
02:24So we have already activated our camp management cluster.
02:29Ayon sa OCD, sa kasagsaga ng Super Typhoon,
02:32ay posibleng maantala ang telecommunication services at internet tulad ng nangyari sa Cebu.
02:38Sa tansya naman ng Department of Social Welfare and Development,
02:42mayigit 8.4 milyon na katao ang nakikitang maapektuhan ng Super Typhoon.
02:47Babala pa ng Department of Environment and Natural Resources,
02:51nasa mayigit 8,000 barangay ang posibleng makaranas ng mga pagbaha at landslides,
02:57lalo na saturated o malambot pa ang lupa sa maraming lugar.
03:01Bunga ng ilang araw na pag-ulan.
03:04In terms of recorded rainfall from November 1 to 6,
03:07marami po sa mga propinsya ang nagkaroon o naapektuhan ng accumulated rainfall
03:12na in excess of 150 millimeters.
03:15Hanggat meron tayong oversaturation ng mga ground,
03:18ay there's still a possibility na magkaroon ng landslides sa kanilang lugar.
03:22Bilang pag-ahanda,
03:24nagtaas na ng Blue Alert status ang Department of Health
03:27para sa koordinasyon ng lahat ng kanilang medical units sa iba't ibang regyon
03:31at nakahanda na rin ang medical supplies tulad ng paracetamol at antibiotics.
03:37Ang DSWD naman,
03:38may nalalabi pang 2.7 billion pesos na halaga
03:41ng stockpile food and done food items at standby funds.
03:46Dahil sa nagbabadyang super typhoon,
03:50pinapayuhan ng OCD ang publiko
03:52na ipagpaliban muna ang mga lakad lalo na ngayong weekend
03:55at maghanda na rin ang stock ng pagkain sa bahay
03:59na sasapat para sa tatlong araw.
04:01Gayun din,
04:02ang mga importanteng kagamitan
04:04sakaling mawala ng kuryente.
04:06Harley Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.