00:00May mga ginagawa ng hakbang ang pamunuan ng NLEX kung sakaling bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar ngayong bisperas ng Pasko.
00:07Si Luisa Erispe sa Detalye Live. Luisa?
00:11Rise and shine, Diane. Rise and shine, Pilipinas.
00:14Diane, good news para sa ating mga motorista na ngayong umaga palang babiyahe.
00:20Dito sa North Luzon Expressway ay maluwag pa ang daloy ng trapiko ngayong umaga.
00:25Partikular nga dito sa Balintawak, Tall Plaza, kung ikukumpara kahapon na halos umabot na sa mahabang pila ang mga sasakyan at namumula ang kalsada,
00:36ngayong umaga ay maluwag at tuloy-tuloy lang ang daloy ng trapiko.
00:40Kahit sa Mindanao, Tall Plaza, nakahapon umabot din hanggang Mindanao Avenue ang traffic,
00:46ngayon tuloy-tuloy din ang pasok ng mga sasakyan sa toll gates.
00:49Bahagya lang humahaba ang pila sa cash lanes para sa mga walang load o walang RFID stickers sa kanilang mga sasakyan.
00:57Maluwag din ang daloy ng mga sasakyan sa Napulang Lupa, sa Maykawayan, Bulacan,
01:03gayon din sa Bukawe, Bulacan, at tuloy-tuloy din ang mga sasakyan sa Tall Plaza.
01:08Inaasahan naman na ngayong araw, mas kakaunti na ang dadaang sasakyan sa Enlex,
01:13kumpara kahapon na talagang dumagsa ang mga biyahero.
01:16Pero kung bumigat ulit ang trapiko, ay magpapatupad naman ang counter-flow express lanes ang Enlex sa ilang mga lugar.
01:24Nag-deploy na rin ang karagdagang 1,500 na mga tauhan ng Enlex para umalalay sa pagdagsa ng mga sasakyan ngayong holiday season.
01:35Daya, na para naman dun sa mga babyahe ngayong araw o simula mamayang gabi,
01:40ay may bonus pa na good news para sa ating mga motorista dahil mamayang alas G's ng gabi ay libre na ang toll fee dito nga sa Enlex,
01:50pati na rin sa iba pa ang mga expressway na hawak ng MPTC.
01:54Ito ay ang Calax, Cavitex, at Essitex.
01:57Pero payo lang sa ating mga motorista para nga maiwasan yung mabigat na daloy ng mga sasakyan na pumapasok sa mga toll gates
02:04kung maaari ay magpalagay na ng mga RFID stickers dahil katulad nga sa nabanggit ko kanina
02:10ay humahaba lang yung pila sa mga toll gates para dun sa mga cash lanes.
02:15Ngayong araw ay bukas pa rin naman ang installation ng RFID stickers
02:20at ito ay mula nga hanggang mamayang alas 5 ng hapon.
Be the first to comment