00:00Isinusulong ng Administrasyon Marcos Jr. ang pagtatatag ng Transparency Portal sa lahat ng ahensya ng gobyerno para mapaigting ang transparency sa paggamit ng pondo ng bayan.
00:10Yan ang ulit ni Harley Valbuena.
00:15Transparency at paglaban sa korupsyon sa pamagitan ng digital governance.
00:20Ito ang pangunahing layunin sa planong paglulunsad ng Transparency Portal sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.
00:28Nauna nang nagkaroon ng Transparency Portal ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth, Social Security System o SSS, at Department of Public Works and Highways o DPWH.
00:40Ayon sa Department of Information and Communications Technology, ang Transparency Portal ay isang website na ginagamitan ng Artificial Intelligence o AI.
00:50Mayroon itong virtual dashboard kung saan makikita ng publiko ang pondo ng isang ahensya at kung saan ito ginagastos.
00:58Through DICT, through technology, we are able to communicate better ang performance and datos ho ng SSS.
01:08Mula sa kung saan ho ginagamit, saan ho iniinvest ng pondo ng SSS, kung nasan ho ang mga membro ng SSS, at kung paano ho in the future mag-avail ng different services ho ng aming ahensya.
01:21Tampok din sa Transparency Portal ang AI chatbot kung saan maaaring magpabot na mga tanong ang publiko at makauunawa ito ng wikang Tagalog, Ingles o kahit ang mga impormal na lingwahe tulad ng Taglish at mga katutubong dialekto.
01:37Halimbawa, magkano ang budget ng PhilHealth ngayong taon?
01:42Sasagod agad ng AI kasama ang breakdown at context.
01:47Hindi kailangan maging expert o marunong sa technical jargon.
01:50Hindi nyo na po kailangan maging accountant.
01:53Yung AI po tutulong sa atin para ma-figure out kung paano nagagastos ang isang bagay at ano yung impormasyon na kayang maintindihan natin pong lahat.
02:02Ang Transparency Portal ay ma-access din kahit sa basic smartphones.
02:07Tiniyak din ang DICT na walang fake news na makikita rito.
02:12Bagamat plano itong ilunsad sa lahat ng ahensya ng pamahalaan,
02:15target unahing malagyan ng Transparency Portals ang lahat ng government-owned or control corporations o GOCCs bago matapos ang taon.
02:24Sa pamamagitan daw nito, ang bawat Pilipino ay pwedeng maging watchdog o tagapagmasid ng gobyerno.
02:31Para naman po sa gobyerno, para po sa amin, nagpapalakas ng tiwala ng publiko.
02:37Mas mahirap maitago ang irregularities.
02:40Mas mabilis at standardized ang reporting sa bawat ahensya.
02:44At ito po'y panglaban po natin sa korupsyon.
02:48Sa simpleng logic, mas maraming mata sa datos, mas mahirap magtago ng anomalya.
Be the first to comment