00:00Hindi pa rin naka-livestream at limitado pa rin sa executive session ng pagharap sa ICI ngayong araw
00:06ng dalawang kongresista ng Quezon City na idinadawit sa Flood Control Scam.
00:11Inang ulat ni Harley Valbuena.
00:14Humarap sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure
00:19ang ilan pang kongresista ang idinadawit sa manomalyang flood control projects.
00:24Si na Quezon City 6th District Representative Marivic Copilar
00:28at Quezon City 5th District Representative Patrick Michael Vargas.
00:33Kabilang sila sa mga pinangalanan ng mag-asawang kontraktor na si Nazara at Curly Diskaya
00:39na umanoy kumikikback sa flood control projects.
00:43Pero dahil pinagbigyan muli ang hiling na executive session ng dalawang kongresista,
00:48naging closed door na naman ang mga pagdinig at hindi ito naka-livestream.
00:53Tumanggiling magbigay ng pahayag sa media si Congressman Vargas.
00:57Pero sa inilabas niyang statement, sinabi nitong nagpakita siya sa ICI
01:01ng mga dokumentong nagpapatunay na walang proyekto ang mga diskaya sa kanyang distrito.
01:08Nagbahagi rin daw ito ng iba pang impormasyong makatutulong sa investigasyon ng komisyon.
01:13Ang ICI matipid pa rin sa pagalabas ng mga detalye hinggil sa ginanap na executive sessions.
01:20I cannot share with you the details because these were all in executive sessions.
01:24But basically, this has something to do with our ongoing investigation on the flood control projects,
01:31kung paano ito na-fund, how the budget process is being conducted.
01:36Ngayong linggo, kabuhuang anim na kongresista ang humarap sa ICI
01:40at lahat sila ay kabilang sa mga pinangalanan ng mga diskaya.
01:46Lahat din sila ay sumalang sa pribadong executive session.
01:50Sa ngayon, ay hindi pa rin makapagbigay ng eksaktong petsa ang ICI
01:55kung kailan nga ba talaga masisimulan ang pag-livestream ng mga pagdinig
02:00dahil halos lahat ng iniimbitahan resource persons ay humihiling ng executive session.
02:07Harney Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments