Naghain ng sariling bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill si Presidential Son at House Majority Leader Sandro Marcos. Nililimita nito ang mga kamag-anak na puwedeng tumakbo ng sabay sa isang eleksyon. Pero ang ilang kongresista at eksperto, may puna.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nagain ang sariling versyon ng Anti-Political Dynasty Bill si Presidential Son at House Majority Leader Sandro Marcos.
00:08Nililimitan nito ang mga magkakaanak na pwedeng tumakbo ng sabay sa isang eleksyon.
00:13Pero ang ilang kongresista at eksperto may puna.
00:15Nakatutok si Tina Paganiban Perez.
00:20Kasunod ng anunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na isa sa apat niyang priority legislation
00:26ang para sa Anti-Political Dynasty, naghain si Presidential Son at House Majority Leader Sandro Marcos
00:34ng panukalang batas para rito.
00:37Kasama niya naghain si House Speaker Faustino D. III.
00:41Dito, pinagbabawalan ang mga magkakamag-anak hanggang fourth degree of consanguinity at affinity
00:47na tumakbo ng sabay sa isang eleksyon.
00:51Halimbawa nito ang asawa, kapatid, magulang at anak.
00:55Kung ang miyembro ng pamilya ay incumbent o kaya ay kandidato sa isang national position,
01:01ang kanyang kaanak ay hindi pwedeng mahalal sa isa pang national position.
01:06Halimbawa, bawal na ang magkapatid na parehong senador o kaya magkapatid na presidente at vicepresidente.
01:14Bawal ding umupo ang magkakamag-anak ng sabay sa posisyon sa parehong probinsya, syudad, munisipalidad o barangay.
01:22Pero sabi ng isang political scientist, kung susuriin ang mabuti ang panukala, may mga butas daw ito.
01:30Ang aking nakikita ay may kakulangan ito dahil hindi niya sinasabi kung ilan sa magkakamag-anak ang pwede at hindi pwedeng tumakbo.
01:41Sa mga ibang version ng batas na minumungkahi, ay sinasabi ng diretsyo na no two members of the same family within the fourth degree can run and hold office.
01:58Dito, ang kanilang version ay if a person, ang kanilang definition.
02:06So, hindi malinaw kung ilan at kung paano.
02:12Malam niya at tila nagpapanggap lang daw na kontra-political dynasty sa panukala
02:17dahil pinapayagan pa rin ito ang magkakamag-anak na sabay-sabay tumakbo sa magkakaibang posisyon at lugar.
02:24Tapos, ang isa pa, ang kanilang pagkakalatag ng kanilang listahan ng bawal tumakbo
02:33ay ayon sa teritoryo or hierarchical territory, national, sa local, whether provincial, municipal, city or barangay.
02:51Kaya lang, hindi maliwanag paano kung may overlapping constituency.
02:59Halimbawa, hindi ka nga tumakbo sa isang distrito, bilang kongresista tatakbo ka naman dun sa ibang distrito, sa ibang probinsya or sa ibang jurisdiction.
03:12So, kailangan linawin ito kung hindi, iisipin ng mamamayan at mga nagmamasib na ito'y mga loophole.
03:23At ito ay, again, isang malaking pagpapanggap lamang na merong tinutulak na anti-political dynasty.
03:36May gitis ang dosenang panukala contra-political dynasties ang inihain na rito sa Kamara
03:42at ang ilang may akda na kukulangan sa panukalang inihain nina Speaker D. at House Majority Leader Marcos.
03:51Sabi ni House Deputy Minority Leader Laila Delima, pwede nga magresulta sa Fat Dynasty ang panukala nina D. at Marcos.
04:00Ibig sabihin, ang isang pamilya, posibleng may nakaupong miyembro sa lahat ng posisyon mula national hanggang barangay level.
04:09Tinawag ng makabayan block ang panukala na kapos, mapanlinlam at malabnaw dahil pwede pa rin sabay-sabay na tumakbo at manalo
04:18ang mga magkakabag-anak sa iba't ibang posisyon, gaya ng may senador, may kongresista, may gobernador at may mayor.
04:26Pangamba ni House Senior Deputy Minority Leader Edgar Erice, baka lalo pang palakasin ng panukala ang mga political dynasty.
04:35Under their proposal, a family can have five sitting officials, public officials, simultaneously.
04:45So it's not an anti-political dynasty bill.
04:52It's a bill that legitimizes the existence of political dynasties.
04:59And I think it is against the provisions of Article 2, Section 26 of the 1987 Constitution.
05:12Hinihinga namin ang pahayag si Nadie at Marcos.
05:16Para sa GMA Integrated News, Tina Panganibad Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment