00:00Pinunaan ni Sen. Ping Lakson ang paglobo ng pondo para sa ayudang assistance to individuals in crisis situations tuwing may eleksyon.
00:08Ngayong taon, pinakamalaki raw ang nakuhan ng dalawang distrito sa Davao.
00:12Pero sabi ni Vice President Sara Duterte na gamit ang naturang pondo para sa congressional candidates ni dating House Speaker Martin Romualdez.
00:21Nakatutok si Jonathan Andal.
00:22Sa deliberasyon ng plenaryo sa Senado sa budget ng DSWD, tanong ni Sen. Ping Lakson,
00:32bakit daw tuwing may eleksyon, tumataas ang pondo ng ayudang assistance to individuals in crisis situations o AICS?
00:39Ang AICS ay isang social welfare program ng DSWD na nagbibigay ng medical assistance, burial, transportation, education, food or financial assistance sa mga kwalipikadong individual.
00:50Sabi ni Lakson, ang 23.6 billion na pondo ng AICS noong 2021, tumalon sa 39.8 billion noong 2022 na election year.
01:01Bumaba sa 36.8 billion noong 2023, bumaba ulit sa 34.3 billion noong 2024.
01:08Pero ngayong 2025 na election year ulit, lumobo na naman ang AICS sa 44.4 billion pesos.
01:15Ginagamit ito sa politika, not really intended na tulungan yung talagang nangangailangan.
01:25So hindi ito driven ng needs, kundi driven ng politics.
01:31Baka maraming legislators na nagre-request pag election year, di ko alam, no? Baka ganun. Baka ganun ang nangyayari.
01:39That's exactly my point, Mr. President.
01:41Ayon kay Lakson, ngayong 2025, ang pinakamalaking nakakuha ng pondo ng AICS ay ang Davao City, 1st at 2nd District,
01:49habang ang may pinakamaliit na AICS funds ay sa Sulu, 1st at 2nd District.
01:54Ang tanong ko, anong crisis meron sa Davao City na wala sa Sulu?
02:00Let's be clear, the crisis referred to in AICS are personal crisis.
02:05When we speak of these areas, I would say, Mr. President, all over the country, there are families in crisis, personal crisis.
02:14Ang kapatid ni Vice President Sara Duterte na si Rep. Paulo Duterte ang nanalo noong election 2025 sa Davao City, 1st District,
02:23habang ang pamangkin niyang si Rep. Omar Duterte ang nanalo sa 2nd District.
02:27Pero sabi ng Vice Presidente na gamit daw talaga ang AICS para pondohan umano ang mga congressional candidate ni dating House Speaker Martin Romualdez.
02:37Dito makikita natin na ginamit ang AICS para sa politika.
02:44Ginamit nila ang AICS to fund congressional candidates that were backed up by Speaker Martin Romualdez.
02:55Sinusubukan pa namin kunin ang panig ni Romualdez.
02:58Hiling naman ang Vice, tignan din kung magkano ang nakuhang pondoh ng AICS sa iba pang congressional district na may kongresistang pumirma sa impeachment complaint laban sa kanya.
03:08Meron ng congressman na nagsabi, di ba, na yung budget ginamit para bayaran sila para pumirma sa impeachment.
03:17Hindi lang sa flood control projects o hard projects, meron din binigay galing sa soft projects tulad ng AICS.
03:26Ang payo ni Sen. Laxon sa mga taga-DSWD, huwag nang hayaan ang mga politiko na manghimasok sa mga pamimigay ng ayuda ng ahensya.
03:34Para sa GMA Integrated News, ako po si Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
Comments