00:00Samantala, hiniling ni dating Sen. Antonio Trillanes IV at ng isang grupo sa Office of the Ombudsman na investigahan na si Vice President Sara Duterte na inire-reklamo nila ng plunder at graft and corruption dahil sa paggastos ng confidential funds.
00:16Balitang hatid ni Maki Pulido.
00:18Sa inihahing reklamo sa ombudsman ni na dating Sen. Antonio Trillanes IV at civil society group na the silent majority laban kay Vice President Sara Duterte, inakusahan nila ang bise ng plunder, malversation of public funds, graft and corruption, bribery and culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust at other high crime.
00:44Hiningi ng mga complainants na mag-imbestiga ang Office of the Ombudsman at pagkatapos ay maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:55Ayon sa reklamo, guilty raw si Duterte ng graft and corruption, bribery at plunder dahil sa diumanoy maanumalyang paggamit ng P650M na kabuang halaga ng confidential funds nung kalihim pa ng DepEd at bilang Vice President.
01:11Naka-attach dito ang salaysay ni Ramil Madriaga, ang nagpakilalang dati umanong civilian intelligence agent ni Duterte at nang ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at nagsabing,
01:23naghatid umano siya ng pera mula sa confidential funds sa ilang individual sa utos ng bise.
01:29Nilustay din umano ni Duterte ang higit 2.7 billion pesos na confidential funds nung mayor siya ng Davao City.
01:37Lumo-buraw ang halagang ito mula 2010 hanggang 2022.
01:42Nung kalihim din daw si Duterte ng DepEd, 12 billion pesos ang inisyuhan ng Commission on Audit ng Notice of Disallowance dahil sa posibleng mali o sobrang paggamit ng pondo.
01:54Maliban dyan, bilang kalihim, halos 7 billion pesos ang diumanoy unliquidated cash advances o hindi na ipaliwanag na gastos ng ahensya.
02:03Kung may hindi maipaliwanag na gastos, ayon sa mga complainants, may higit 15 billion pesos din na pondo ang DepEd na hindi nagamit sa halip na naipatupad ang iba't ibang proyekto.
02:15Sinita pa rao ng COA ang hindi nagamit na pondong sanay na ipampatayo o pinangrepair ng mga classroom.
02:21Dahil dyan, ayon daw sa COA, 192 classrooms lang daw ang naipatayo ng DepEd, samantalang 6,000 target at 208 classrooms lang ang na-repair sa target na higit 7,000.
02:358 billion pesos din umano ang halaga ng overpriced na laptop nung kalihim si Duterte ng DepEd.
02:41Sabi ng mga complainant, guilty rin si Duterte ng bribery and culpable violation of the Constitution.
02:48Ayon sa reklamo, may hindi raw maipaliwanag na kayamanan si Duterte.
02:52May 2.4 billion pesos umanong nakadeposito sa bank account ni Duterte kung saan ka-joint account ang kanyang amang si dating Pangulo Rodrigo Duterte at asawang si Atty. Manasse Scarpio.
03:04Ang mga bank deposit na ito at ibang ari-arian, hindi rin daw idineklara ni Duterte sa kanyang tal-end.
03:11Pagkal binuksan yung bank accounts or galing man lang dun sa mga flag transactions ng AMLOC, eto na hindi na nila maitatanggi.
03:22Tumanggap din umano si Vice President Duterte at kanyang mga kaanak ng Suhol mula sa isang drug lord nung mayor siya ng Davao City.
03:30Ayon pa sa inihaing reklamo, guilty si Duterte ng betrayal of public trust at other high crimes.
03:37Isang basihan umano rito ay nang pagbantaan niya ang buhay ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:42Pinapakita ng complaint na ito na una, ang kabuoang halaga ng mga nilimas o niwaldas ni Sara Duterte ay maihahanay sa mga pinakamalalaking flood control scandal.
03:57Nagsimula yung nakawan nung mayor pa lang siya.
04:00Sana naman daw, sabi ni Trillanes, aksyonan na ng ombudsman ang reklamo laban kay Duterte.
04:05Nauna pa raw sampahan ng ombudsman sa Sandigan Bayan, si dating Senator Bongribilla,
04:10samantalang noong nakaraang taon pa may nakahain ng reklamo laban kay Duterte.
04:15Last year pa ito sa Quadcom, hindi pa umuusad.
04:19Itong kay Senator Bongribilla, linggo lang ang binilang, 90 million ang halaga.
04:27Hinihingi pa namin ang pahayag ni Vice President Duterte.
04:30Sinubukan din namin kumuha ng pahayag ng Office of the Vice President pero wala pa silang tugon.
04:35Pero dati nang sinabi ni Duterte na wala siyang personal relationship kay Madriaga,
04:40hindi rin daw siya nagbigay ng anumang utos dito at hindi raw niya ito nakausap kailanman.
04:45Dati na rin niyang itinanggi na may mali sa paggastos ng Office of the Vice President at DepEd sa confidential funds.
04:52Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.