00:00Muling nagpaalala si Pangulong Bongbong Marcos sa mga sundalo na maging tapat sa Republika at hindi sa mga individual at paksyon.
00:08Ipinagutos din ang Pangulo ang promotion ng isang nabulag na sundalo habang nasa servisyo.
00:15At nakatutok si Maris Umali.
00:20Sa gitna ng sunod-sunod na pagtitipon at mga hamon sa administrasyon
00:25para mapanagot ang mga pinaniniwalaang sangkot sa mga maanumalyang flood control projects,
00:30muling nagpaalala ang Pangulo sa mga sundalo,
00:33maging tapat sa konstitusyon at tungkuling protektahan ng bansa
00:36at huwag magpadala saan niya'y ingay at maling impormasyon.
00:40The AFP that you are part of now must always rise above politics.
00:46Your loyalty must not be for any individual or any faction but only to the Republic.
00:53Sinabi niya yan sa pagtatapos na mahigit aning naraang bagong opisyal
00:57sa Major Services Officer Candidate Course.
01:00Sa panahonan niya ng tukso, hindi dapat magpadala ang mga sundalo.
01:03There will be moments when your integrity will be tested.
01:08Corruption and dishonesty can manifest in many forms.
01:12Kaya piliin niyo lagi ang tama, piliin niyo ang bayan,
01:16piliin niyo ang katapatan at ang kapayapaan.
01:19As you take your oaths and wear your insignias,
01:25carry with you the pride of your families and the hope of the motherland.
01:30Bilang Commander-in-Chief ng AFP,
01:33sinisikap daw ng Pangulo na bigyan ang pinakabago mga barko,
01:36eroplano at military equipment ang sandatahang lakas
01:40para maitaguyod ang kapayapaan at soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
01:44Iniutos din ang Pangulo kay AFP Chief of Staff Romeo Browner Jr.
01:49na suspindihin ang CDD o Complete Disability Discharge
01:52na in-issue ng Philippine Army kay Captain Jerome Hakuba.
01:56This is your captain line.
02:01I'm signing off.
02:03Kwento ni Hakuba na bulag siya matapos masabugan ang bomba
02:06habang nasa operasyon sa Mindanao laban sa BIFF.
02:10I'm coming home.
02:12Coming home.
02:15Sapat na siguro yung dalawang mata na ibinigay ko para sa ating bayan.
02:19Dito ay isang opisyal na itinaya na nga niya ang buhay niya
02:24para sa duty na para ipagtanggol ang Pilipinas.
02:29At dahil sa ganyan,
02:31ay basta't bibitawan na lang natin.
02:34Ay hindi naman yata makatarungan yan.
02:36Dapat ibigyan siya ng promosyon.
02:38Dahil sa katapangan niya at gawin na siyang major.
02:42Pinahanapan siya ni Pangulong Bombong Marcos ng ibang posisyon.
02:45Ipinag-utos din ni Pangulong Marcos
02:48kay Secretary of National Defense Gilberto Teodoro
02:50na pag-aralan at gumawa ng bagong pulisiya
02:53kaugnay sa pag-i-issue ng Complete Disability Discharge sa mga sundalo
02:57para di na raw ito mangyaring muli.
02:59Ito ay para sa lahat ng ating mga sundalo
03:03na dahil sa kadyuti nila sila'y nasaktan,
03:07sila ay nagka-injury,
03:09ay dapat naman e patuloy din
03:11ang ating pagkilala sa kanilang katapangan
03:15at sa kanilang sakripisyo.
03:17Sa huli, binati ng Pangulo si Hakuba
03:19sa spot promotion niya.
03:20Mabuhay ka, Captain Hakuba.
03:22Ay hindi, mabuhay ka, Major Hakuba.
03:24Para sa GMA Integrated News,
03:27Mariz Umali Nakatutok, 24 Horas.
Comments