00:00Nalinaw ng Malacanang ang nabanggit na aspiration ni Pangulong Marcos para sa pagpapagamot ng mga pasyente sa ospital.
00:09Ang sabi ng Pangulo, hinahangad ng gobyerno na kapag naayos na ekonomiya, ay wala ng kontribusyon ng pasyente sa pagpapagamot sa ospital.
00:19Paglilinaw ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, hindi kontribusyon sa PhilHealth ang tinutukoy na target is zero.
00:31Ang tinutukoy anya ng Pangulo ay ang inilalabas na pera ng pasyente para sa panggasto sa ospital.
00:39Sa ngayon kasi, bagamat may bahagi ng hospital bill na sagot na ng PhilHealth, may bahagi pa rin ito na ang pasyente ang sumasagot.
00:48Ang target ay unti-unting palakihin ng sagot ng PhilHealth hanggang dumating ang panahong zero na ang kailangang sagutin ng mga pasyente sa hospital bill.
01:02So sa abot na mga kaya, ang aspiration po nagtalik ng Pangulong Marcos Junior ay mabawasan po, o pwede nga maging zero, ang out-of-pocket expenses ng ating mga kababayan kapag sila na na o-hospital.
01:18Outro
Comments