Skip to playerSkip to main content
Idinetalye ng ilang senador kung paanong nakakuha ng sapat na bilang ang dating Minorya para maging Mayorya at mailuklok si ngayon’y Senate President Tito Sotto. Nagkagulatan naman sa hanay ng tinagurian Duterte Bloc na naiwan sa minorya at nawalan ng mga komite.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Initalien ng ilang senador kung paanong nakakuha ng sapat na bilang ang dating minorya para maging mayorya at maluklok si ngayoy Senate President Tito Soto.
00:13Nagkagulutan naman sa hanay ng tinaguri ang Duterte Black na naiwan sa minorya at nawalan ng mga komite.
00:22Ang mga kwento nila sa pagtutok ni Mark Salazar.
00:30Habang abala kahapon ang senado sa investigasyon ng Blue Ribbon Committee tungkol sa flood control skandal,
00:36nabubuo na rin ang isang kudita para palitan si Senate President Chief Escudero.
00:42Labing limang senador ang pumirma para ipalit si Senador Tito Soto.
00:46Hindi naman kasi ako nagsimula yun. Di ba yung apat doon sa mythical five?
00:54Apo.
00:55Nagsimula yun. So hindi ko alam. Sino naman pinakausap mo ko na.
00:58Pinakamagandang tanungin mo yung apat.
01:01Tanungin mo Sen. Laxon, Vigarda, Subiri, and Jutiveros.
01:06Si Senador Ping Laxon ang nagkwento kung gaano kabilis nila nabuo ang labing limang bagong mayorya.
01:12Nag-stack lang yan. I think kaunang pulong namin lima Friday, nagbibilang-bilang, tapos Saturday, Sunday,
01:21yan, hanggang Monday ng umaga, noong supesyente na nagpirmahan na merong drop preso na solusyon.
01:27Ang palitan ng baton ay nangyari muna ng informal at closed door.
01:32Noong umaga, bago magsesyon.
01:34Pinuntahan na namin si Sen. President Cheez.
01:36At, you know, nakakabagbag naman ng loob na he was very, very gracious.
01:42Ang sabi ko nga, statesman par excellence.
01:44Yung naging demeanor, yung naging reception sa amin ni Sen. President Cheez.
01:49At, sinadjust ko pa na baka naman pwedeng para lang sa solidarity ng ating Senado.
01:55Baka pwedeng siya na yung mag-administration ng oath bagong Sen. President.
02:01Sabi niya, oo, sabi niya, walang problema.
02:02Ang unang niya tinanong is, so how do you want to do this?
02:06Sabi ko, it's up to you, sabi ko, how would you prefer to do it?
02:13Sabi niya, let's do it by acclimation and declare the position of Sen. President Reagan.
02:21Sabi ni Sen. J.V. Ejercito, isa siya sa mga huling kinausa para imbitahan sa bagong mayurya.
02:27May mga kong usap, nag-usap-usap din kami ng kasama natin.
02:32In particular kami ni Sen. Shor, nag-usap kami kagabi kung anong gagawin namin.
02:37Kasi may mga kong usap din naman sa amin na, which we cannot reveal na.
02:40Sa pagbabago ng Senate Presidency, magbabago rin ang liderato ng Senado.
02:46Magiging Senate President pro-temporay na si Lacson, kapalit ni Jingo Estrada.
02:51Majority Leader na si Sen. MIG Zubiri, kapalit ni Joel Villanueva.
02:56Si Estrada natimbrihan lang daw ng magaganap na kudita habang nasa Blue Ribbon Committee hearing siya.
03:26I was surprised. But it happens. Wala tayong magagawa. They have the numbers. Congratulations.
03:33Sa pagpalit ng ago sa Senado, naiwan ang tinaguriang the Duterte Block.
03:37Parang na nalito nga kami ni Nabato, nalito rin kami ni Nabongo.
03:42Ano ba nangyayari pali si Sen. Robyn na patakbo yata kay SP Cheese?
03:48Nakakalituhan bakit yung Duterte Block na out kami?
03:52Maiiwan din ang Duterte Block sa pilian ng komite.
03:55Halimbawa, ang Senate Blue Ribbon Committee mula kay Marcoleta, ililipat na kay Lacson.
04:00Wala pang umaamin ang dahilan kung bakit pinatalsig si Escudero.
04:04Bago nito'y nauungkat ang pagiging top contributor ng isang kontraktor sa kanyang kampanya noong 2022.
04:11Kasama ba ang flood control issue? Kaya bababa siya?
04:14Ah, hindi naman siguro. Ito'y talagang a few weeks pa pinag-uusapan natin ng mga asama namin eh.
04:21Ayoko nang pag-usapan yung dahilan kasi ayaw na rin nating magkaroon pa ng sakitan o sama ng loob.
04:28Eh yan naman eh, normal naman yan sa Senate eh, tsaka sa House eh, yung palitan.
04:33Syam na senador na hindi nag-sign sa resolution para maging Senate President si Soto ang bubuo ng minority group.
04:39Sabi ni Sen. Jingoy Estrada, si Alan Peter Cayetano ang minority leader at si Sen. Rodante Marcoleta ang deputy.
04:48Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended