Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Ipinatigil ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga paghahanda sa SONA para matutukan aniya ang pagtugon sa epekto ng masamang panahon. May tiniyak din siya sa mga sinalanta habang nasa Amerika para sa isang official visit.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipinatigil ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga paghahanda sa SONA
00:04para matutukan niya ang pagtugon sa epekto ng masamang panahon.
00:10May tineyak din siya sa mga sinalanta habang nasa Amerika para sa isang official visit.
00:16Mula pa rin sa Washington D.C. na katutok live, si Sandra Aguinaldo.
00:21Sandra?
00:23Mel, patuloy ang pagmumonitor ni Pangulong Bongbong Marcos sa sitwasyon dyan sa Pilipinas
00:29kahit siya ay narito sa Washington D.C. ayon sa kanya ay nag-iwan siya ng instructions bago siya umalis ng Pilipinas
00:36at maging kahit narito siya patuloy daw ang koordinasyon lalot narito po ang ilang miyembro ng kanyang gabinete.
00:47Dahil habang binabaha ang Metro Manila at maraming probinsya,
00:51ay nataong nasa Amerika si Pangulong Bongbong Marcos.
00:57Naglaba siya na recorded video sa pagitan ng kanyang mga appointment.
01:01Ang relief goods ay nakahanda na, idinideliver na doon sa mga area na nangangailangan.
01:08Yung mga medical team, kasabay na rin ng ating mga relief goods.
01:13At tinitiyak natin na merong transportasyon, supply ng tubig, sapat na supply ng kuryente.
01:19At lahat ito ay para sa pangangailangan ng mga naging biktima.
01:26I-binili na rin niya ang paghahanda ng mga ahensya bago umalis noong linggo.
01:32Panawagan niya,
01:33Pakiusap ko lang po sa inyo ay pakinggan niyo po ang mga sinasabing advisory ng inyong LGU,
01:40ng national government at pakisundan lang po para naman matiyak natin na hindi kayo malagay sa alanganin.
01:47At sa gitna ng pagkabahala ng maraming komunidad,
01:51ikinadismayan ng Malacanang ang mga ulat na tuloy ang pagkakabit ng mga material para sa SONA.
01:59Ipinagutos ni Pangulong Marcos Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan,
02:03maging sa lahat ng government personnel na itigil ang lahat ng SONA-related preparations
02:08at unahin ang pagtulong sa mga komunidad na apektado ng baha.
02:13Para sa rescue and relief ay naguugnayan na ang armed forces ng Pilipinas at Amerika
02:19at tutulong din ang iba pang bansang kaalyado ng Pilipinas.
02:23Gagamitin ang mga pasilidad sa ilalim ng EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement
02:30o yung ginagamit ng mga sundalong Amerikano sa Pilipinas.
02:33Lahat po ng pangangailangan ng ating mga response efforts
02:39ay naka-activate po ang mga EDCA site for relief goods.
02:48Dito sa Washington, D.C., bubisita si Marcos sa Pentagon, headquarters ng U.S. Defense Department.
02:55Sinalubong siya ni Defense Secretary Pete Hegseth.
02:59Ginawaran siya ng Enhanced Honor Cordon, seremonyang ibinibigay ng Defense Department
03:05sa mga bisitang senior officials bilang pagpapakita ng malaking respeto.
03:10Ilan sa nakasama ng Pangulo si na Defense Secretary Gilberto Teodoro
03:15at National Security Advisor Eduardo Año.
03:18Dito muling nagpahayag ng suporta ang Amerika sa modernisasyon ng militar ng Pilipinas
03:24sabay tiyak sa commitment nila sa Mutual Defense Treaty.
03:29And the United States is committed to achieving peace through strength
03:33and willing to work with all nations who share this desire in the region.
03:37We do not seek confrontation, but we are and will be ready and resolute.
03:44Nagpasalamat naman si Marcos sa tulong ng Amerika.
03:47But again, this, I believe that our alliance, the United States and the Philippines,
03:55have formed a great part in terms of preserving the peace,
03:59in terms of preserving the stability of the South China Sea,
04:05but I would even go as far as to say in the entire Indo-Pacific region.
04:09Sa pulong naman ni na Marcos at U.S. Secretary of State Marco Rubio,
04:14kapwa sila nagpahayag ng commitment sa freedom of navigation at overflight.
04:19Tinalakay din nila ang Luzon Economic Corridor.
04:22Magpakita kayo sa amin!
04:24Sa labas, nanawagan sa rally ang grupong migrante na makipagkita ang Pangulo
04:29sa pamilya ng mga dugong Pinoy na nakakulong o nakulong
04:33dahil sa Trump immigration policy.
04:36Nakamiting din ni Marcos si John Ratcliffe,
04:39director ng Central Intelligence Agency.
04:42May hiwalay na pulong din siya sa mga business leaders.
04:50Mel, narito ko ngayon sa labas ng White House
04:52at inaasahan po mamaya ay magkikita na si President Marcos
04:57at si U.S. President Donald Trump. Mel?
05:00Maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.
05:03Maraming salamat sa iyo.

Recommended