Skip to playerSkip to main content
Palaisipan sa isang pamilya ang pagkawala ng isang amang bumiyahe pa-Caticlan para dalawin ang may sakit na anak. Kinumpirma ng operator ng isang ferry na naging pasahero nila ito. Pero walang bakas ng ama maliban sa mga naiwan nitong gamit sa barko.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Palaisipan, sa isang pamilya, ang pagkawala ng isang amang bumiyahe pakatiklan para dalawi ng may sakit na anak.
00:09Kinumpirman ang operator ng isang ferry na naging pasahero nga nila ito.
00:14Pero walang bakas ng ama, maliban sa mga naiwan itong gamit sa barko.
00:19Nakatutok si Marie Zumali.
00:21I-dinaan na sa social media ni Diana Rose ang panawagan sa publiko na tulungan silang mahanap ang kanyang nawawalang 53 anyos na ama.
00:35Kwento ni Diana, bumiyahe sakay ng barko mula Batangas patungong katiklan ng ama nitong December 13 para sa napuntahan ng anak na naospital sa Bacolod matapos magkaroon ng leptospirosis.
00:46Pero mula noong December 14, Petsha, kung kailan nila inaasahan makakarating na sa katiklan ng barkong lula ng ama, ay hindi na raw nila ito makontakt.
00:56Kahit ligtas namang nakarating sa pantalan ang barkong sinakyan nito.
01:00Kasi hindi naman po ma'am ganyan si papa ma'am kapag aalis po siya, everyday po yan ang chat-chat sa amin, nag-update, tumatawag.
01:08Nagsasend po ng picture na ganito na, andito ako, nakubain kayo.
01:13Worry na po kami kasi kahit anong tawag namin hindi na po siya sumasagot or typically po pag tumatawag kami sa number or sa messenger, sinasagot niya po yan agad.
01:23Bandang alas 11 ng gabi ng December 14, isang lalaki raw ang sumagot sa telepono ng nawawalang ama at nagpakilalang empleyado ng Starlight Ferry, ang barkong sinakyan ng ama ni Diana.
01:35Ayon sa ferry operator, ligtas na nakarating sa katiklan ng barko at walang naiulat na aksidente o masamang panahon sa biyahe.
01:42Kung pirmado rin daw na sakay ng barko ang nawawalang pasahero, pero hindi malinaw kung nakabababa ito o kung ano ang nangyari sa kanya.
01:50Pero naiwan daw nito ang kanyang sapatos, bag, pera, pati telepono at iba pang kagamitan sa barko.
01:57Ipinag-utos ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Hill Gavan ang pagsasagawa ng masusing search and rescue operation upang mahanap ang nawawalang pasahero sa rutang Batangas, Katiklan.
02:08At pinalalawak na rin daw ang saklaw ng paghahanap sa pamagitan ng mga operasyon sa dagat at himpapawid.
02:15Sinusuri na rin ang CCTV footage sa pantalang at sa barko, ngunit wala pang malinaw na ebidensya magsasabi kung nasaan ang nawawalang ama.
02:24Nakikipagugnayan na rin ang PCG sa mga komunidad, sa baybayin at mga manging isda upang higit pang mapalawak ang lugar ng paghahanap.
02:31Yun lang po yung panalangin namin, panawagan na pa saan na umuwi ka na. Lahat kami naghihintay sa'yo. Ayun lang po.
02:43Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.
Comments

Recommended