Skip to playerSkip to main content
Buhay pa pero inaanod na at napapalitan ng galit ang bukambibig noon na pagiging matatag o resilient ng mga Pinoy. Sa gitna 'yan ng mga sakunang pwede sanang napigil ng mga proyekto kung walang kurakot.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Buhay pa pero inaanod na at napapalitan ng galit ang bukang bibig noon na pagiging matatag o resilient ng mga Pinoy.
00:07Sa gitna yan ng mga sakunang pwede sanang napigil ng mga proyekto kung walang kurako.
00:12Nakatutok si Mark Salazar.
00:18Nakasanayan na ng mga Tagarojas District, Quezon City ang malubog sa baha.
00:22Tatlong beses pa nga kada taon sa mga nakausap ko rito sa Gumamela Street ng distrito.
00:29Sinisisinil na yan sa maling flood mitigation project na ito na nagpalalaraw sa kanilang sitwasyon.
00:34Kasi po nung time, wala hong harang yan, mabilis lang umagos ng tubig.
00:43E ngayon, magmula nung sinabing sarahan yan, ayun ang tubig.
00:48Hindi na makalabas. E mas matindi naman po ng baha.
00:52Imbis na panagutin ang maling flood control project,
00:55Natutunan na lang ng komunidad na ito kung paano mamuhay sa baha.
00:59Kailangan lang may bangka sa bawat isang grupo ng bahayan.
01:03Permanente na rin itong lubid nila sa mga poste
01:06para may kakapitan habang nag-e-evacuate sa Rumargas ang baha.
01:10At ang kanilang warning system gamit ang malalaking megaphone sa bawat kanto.
01:15Sanay na po kami. Awa naman ng Diyoslat ng kapitbahay namin dito, tulong-tulong.
01:21Wala naman hindi ano.
01:22Pag dumating na yung rescue yung mga amphibian boat,
01:27ginadala na sa school o dyan sa simbahan.
01:33Matagal na sa kasaysayan ng Pilipino ang resiliency o pagiging matatag ayon sa isang sociologist.
01:40Yung lugar natin ay nasa isang lugar na kung saan tayo ang gateway sa Southeast Asia.
01:45Yung lugar natin ay nasa isang lugar na kung saan yung unang takbo ng bagyo,
01:50tayo yung unang matatamaan.
01:52So for recorded history, we are really resilient.
01:57Even ang mga foreigners na nanirahan na dito,
02:00napin natin ang kapag-asawa na ng mga Filipino, Filipina,
02:03nakikita nila na we are resilient and they too became resilient too.
02:08Nakalakas pa sa resiliency ang pagiging religyoso ng mga Pilipino.
02:12Ang paniniwala natin sa kung may kapal, sa Diyos, sa bathala,
02:16na ito ay nagpapakita lamang ng isang mensahe na may kailangan tayong baguhin.
02:22Hindi rin bago sa mga Pinoy na idaan sa tawa at ngiti ang mga pagsubok.
02:27Pero sabi ng ilan ngayon, nakakasawa na.
02:31Lalo kung hindi naman acts of God kundi kasakiman ng mga tao,
02:36ang dahilan ng tinitiis nilang sakuna.
02:38Resilience does not mean na papabayaan lang natin na matalo tayo.
02:42Hayaan mo na, nadating ulit yan.
02:44Ang resilience kasama rin dito yung malaman natin kung sino ay pananagutan
02:48sa mga bagay-bagay na supuso binapat ginawa.
02:50Sabi ni Dr. Christopher Berset,
02:52ng UP National College of Public Administration and Governance,
02:57idinidikta ng bata sa gobyerno kung paano tayo magiging resilient,
03:01kaso hindi naman sinusunod.
03:03Ang goal natin is that as we spend more on prevention and mitigation and preparedness,
03:08let's say sa baka, mas mababa na.
03:11So ibig sabihin, mas kukunti yung kailangan ayudahan.
03:15Pero tila baligtad ang ginagawa.
03:17Para umasa tayo sa mga politikong namumudmud ng ayuda,
03:22kung ganyan, hindi masasabing resilient tayo.
03:24Ang mga disaster naman din talaga ay pwedeng gamitin bilang pahagi ng politika.
03:32Kapag mas resilient na yung mga communities natin,
03:35mas kukunti na lang dapat yung mga kailangan o kakailanganin na ayuda.
03:40Nakagagalit ang flood control scandal,
03:43pero sa pagputok nito, parang baharin,
03:45hindi mapigil ngayon ang paniningil lang tao sa pananagutan.
03:51Sana nga hindi humupa ang galit na yan.
03:53Hindi ito katanggap-tanggap at dapat ay talagang,
03:59ang mga tao mismo ay magumpisang magmonitor,
04:02maningil kung ano yung dapat na ibinibigay na servisyo ng gobyerno.
04:08Para sa GME Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended