00:00Nagpaalala ang gobyerno para makaiwas sa disgrasya sa kalsada, tulad ng naitala sa ilang lugar.
00:07Ang ilan dahil umano sa nakatulog na driver. Nakatutok si Marisol Abdurrahman.
00:17Maluwag ang daan ng bagtasin ng truck na ito ang kalsada sa Kalambalaguna kaninang madaling araw.
00:23Maya-maya pa, kasunod na niya ang isa pang truck na mas mabilis ang takbo.
00:26Kaya bumangas sa unuhang truck, saka dumiretso at sumalpok sa nakahintong jeep.
00:31Sa lakas ng tama, tumagilid ang jeep at tumalsik sa gitna ng kalsada.
00:36Habang ang truck tuluyang bumangas sa poste ng footbridge.
00:39Sa isa pang video, kitang-kita ang wasak na unuhang bahagi nito.
00:43Tatlo ang naipit at sinagip ng mga otoridad, pero isa sa kanila ang binawian ng buhay at hindi na umabot sa ospital.
00:51Patuloy ang investigasyon sa disgrasya.
00:53Isa sa mga inaalam ay ang posibilidad na nakatulog ang driver o nawala ng preno ang sasakyan.
00:59Sa Misamis Oriental, posibeng nakatulog din umano ang driver ng delivery van kaya sumalpok sa kasalubong na truck sa Ginguog City.
01:07Dead on the spot ang driver.
01:10Sa Kalaon City, Negros Oriental, tumagilid ang isang truck itong weekend at nasawi ang driver nito.
01:16Nabundol naman ang motorsiklo ang isang grade 11 student sa Kalasyao, Pangasinan, sa mismong araw ng kanyang recognition rights.
01:23Sa Cebu City, nasagasaan din ang apat na taong gulang na babae na umihilang umano sa gilid ng kalsada.
01:30Nahuli ang nakasagasang driver na tumakas matapos ang insidente.
01:34Retiradong pulis ang driver na nakipag-areglo na sa kaanak ng biktima.
01:38Dahil marami ang bibiyahe ngayong Holy Week, nagpaalala si Pangulong Bongbong Marcos para makaiwas sa disgrasya sa kalsada.
01:45Ang mensahe ko ngayon sa inyong lahat ay pag-iig.
01:49Tayong lahat ay kailangan sumunod sa batas trapiko.
01:52Kailangan ang disiplina para maging responsabling mga Pilipino sa lansanga.
01:57At bukod sa dunong sa pagmamaneho, ang lahat ay kailangan ayusin ang pag-uugali sa pagmamaneho at habaan ang pasensya.
02:06Paalala rin ng Department of Health para masigurong ligtas sa daan.
02:09Sa mga magmamaneho, siguraduhin hindi nakainom ng alak o inaantok.
02:15Kung iinom ng gamot na nakakaantok, huwag nang magmaneho.
02:18Lagi magsuot ng seatbelt o helmet kung nakamotor o bisikleta.
02:22Itiyakin din na maayos ang kondisyon ng sasakyan.
02:25Huwag gumamit ang cellphone habang nagredrive o tumatawid sa kalsada.
02:30Sumunod sa magmatas trapiko at magbigay ang sandaan para iwas gulo.
02:34Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Horas.
Comments