Aired (December 6, 2025): Noong gabi ng Nobyembre 22, nawalan ng kontrol ang rider na si Jhon Wayne Arcanghel, 24, habang umaakyat sa Nagtahan Flyover dahil sa lubak na kalsada. Ang rider, pumailalim sa kasabay na bus.
Galing umano si Jhon Wayne sa Divisoria para bumili ng damit para sa kanilang Christmas party. Siya ang breadwinner ng pamilya.
Ayon sa MCDRRMO, lubak ang nakita nilang sanhi ng aksidente.
Ang buong ulat, panoorin sa video. #ReportersNotebook
Be the first to comment